I'll Never Love This Way Again

79 1 0
                                    

 Magsisimula ang kwento sa isang bar kung saan ay umiinom ng alak si Toby.

Lasing na lasing ang binata at tila hindi na kayang tumayo sa sobrang kalasingan.

Halos nanaisin nalang niyang humiga sa sobrang kalasingan.

Kahit ang mga malalaking tao sa bar ay di siya kayang itayo.

Isang waitress sa bar ang naawa at sumubuk na kumarga sa kanya.

Kahit nabibigatan ay naitayo at naikarga niya si Toby.

"Walang hiyang buhay ito! Lalasinglasing hindi naman pala kaya kung wala lang akung kunsinsya ibinagsak ko na ito sa sahig," isip ng waitress.

Pumasok sina Airin at Toby sa isang maliit na kwarto para maging maayos ang binata.

"Gusto kong sumuka," hinaing pa ng lasing na si Toby.

Upang mailabas ang kanyang suka ay hinubad ni Airin ang damit ni Toby.

Sinukahan ni Toby ang damit nito at sa sobrang dami ay halos nanlumo si Airin.

Walang hiya kinarga ko pa nakapaghubad pa ako ng damit ng isang lalaking kailan man hindi ko kolala bwisit talaga! pagalit na hinaing ng dalaga sa sarili.

Parang hindi nag-aral ng pag-inom ng alak kung sumuka kulang nalang isuka pati kaluluwa.

Nilabhan ni Airin ang damit ni Toby na punungpuno ng suka.

Ng mag-umaga ay nagising si Toby at nakita niyang wala na siyang damit at naka brief nalang.

Nagulat pa siya ng makita si Airin na lumabas ng banyo.

"Sandali! Sino ka? Bakit ako narito sa isang kwarto? Siguro myembro ka ng Atiban Gang ano? O baka rapist ka! Sabihin mo, may nangyari ba sa atin ha?" tanong pa ni Toby sa dalaga.

"Ano ako? Rapist? At kailan naman kita ginahasa? Sige kung ginahasa man kita nagkaroon ka ba ng tinatawag nilang orgasm?" pabirong tanong ng dalaga sa binata.

"Ano iyon? Hindi ko iyon naramdaman."

Isinalampak ni Airin ang basang damit ni Toby sa mukha nito habang nakahiga ang binata.

"Eh, ulol ka pala! Ikaw pa tong tinulungan, ikaw pa tong may ganang mambintang na ginahasa kita!"

"Alam mo lasing ako. Di ko alam na may nangyari ba. Siyempre nakikita mo naman na naka-brief lang ako. Hindi mo maiaalis sa akin na magduda kung may nangyari ba sa atin. Siguro nakita mo ano?" tanong pa ni Toby kay Airin.

"Hoy, Mister kung hindi po ninyo naitatanong naging care giver po ako sa ibat-ibang bansa sa mundo kaya kahit gaano man iyan kalaki o kaliit ay kitangkita ko na iyan. Ngunit kung itatanong mo sa akin kung nakita ko ba iyan, sasagutin kita: Hindi!" pagalit na sabi ni Airin sa binata.

"Saka, alam mo? Kung maglalasing ka rin lang naman dapat magdala ka ng taong kakarga sa iyo pauwi sa inyo para walang sino man ang madadamay diyan sa kamanyakan mo!" pagalit na sabi ni Airin sa binata.

Pinilit ni Toby na tumayo ngunit hilo parin siya at tila puro dilim ang kanyang nakikita.

"Alam mo? Huwag mo nang subukan maglasing kung hindi mo naman pala kaya," pangaasar pa ni Airin kay Toby.

"Sino ka ba?" tanong pa ni Toby kay Airin.

"Naku! Hindi ko ibinibigay ang pangalan ko sa mga taong pagkatapos malasing ay nagiging manyakis. At saka aalis na ako antayin mong matuyo ang damit mo saka huwag na huwag mo akung pagtangkaang habulin kasi mapapahiya ka lang dahil naka-brief ka."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll Never Love This Way AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon