Outside

18 0 0
                                    

PINK POV

Pagka uwi ko nakita kung naghihintay si Xai sa labas ng pinto.

Ng mamataan niya ako pumasok ito ng bahay. No problema nun?

Pagkapasok ko dumiretso agad ako sa kwarto ko, nagbibihis na ako ng maramdaman ko ang presensya ni Xai.

“Pink,binabalaan kita na wag na wag kang makikipaglapit or makipag usap kay Gem. Pag nalaman kung sinuway mo ko, sa labas ka matutulog.

Mabait naman ako pero pag nilabag mo ang utos pasensyahan na lng tayo." huh? hindi na ako nka react sa sinabi niya.

Anong magagawa ko bahay niya to eh,papalayasin niya ang gusto niyang palayasin.

Narinig ko na lng ang pag sarado ng pinto.Nakakawalang ganang kumain, mka tulog na nga.

Kinaumagahan maaga akong bumangon dahil ayokong makasabay si Xai.

Hindi mo na ako dumiretso sa school mashado pa kasing maaga.

Tumambay muna ako sa isang park review review review!

Ng may tumakip sa mata ko. shit uso ba to ngayon? pag kidnapping ba sa mata ba dapat tinatakpan? laos na ba yung sa bibig?haha ! baliw…

“hoy wala akong perang pang tubos sa sarili ko, naka drugs kba umagang umaga nangkikidnapped ka?"

pagtataray ko sa may ari ng kamay na nakatakip sa mata ko.

Ng kunin niya ang kmay niya sa mata ko, agad kong tiningnan kong sino ang may ari.

“Gem?" opo tama po ang narinig niyo.

Ang lalaking napagkalan kong kidnapper ay ang lalaking nanakit sa pinsan ko, na hanggang ngayon bitter pa rin at ang lakas ng trip niya ah, sakin niya lahat binuntong ang galit na dapat sa ex yun ni Gelo.

“ang O.A mo talaga Pink, kidnapper agad? di ba pwedeng nagpapahula lng ako kung sino ako?" sige tawanan mo pa ako, humanda ka sakin pag ako di pinapasok sa bahay ah.

“Ou kidnapper na agad! advance kasi ako mag isip di katulad niyo mga late minded. Kaya ayan ang napapala niyo, iniiwan kayo ng mga mahal niyo" oh diba tumigil siya sa pagtawa.Pero nakita ko na naman ang pilyo niyang ngiti.

“sorry di pa niya ako iniwan, dahil andito pa siya sa Pilipinas.So may chance pang magkabalikan kmi, at tutulungan mo ako dun, diba friends tayo. So mahal mo rin ako at hindi mo rin ako iiwan, dahil gagamitin ko ang Power ni Advance Mind, hiyA" nag form ito ng kamekame wave yung kay sangoku.

Nagtawanan na lng kmi,

may pag ka praning ding tong si Gem eh!

Ang haba naman ng buhok ni insan dalang super hot papa ang pinag aagawan siya.

“ma iba nga tayo, bat ang aga mo naman yata dito? nagjojogging pa nga lang ako oh!  at bakit dito ka nag rereview mas maingay nga dito sa park?" nagtataka niyang tanong.

Tumingin muna ako sa paligid bka kasi nagmamasid lng diyan si insan.Mahirap ng matulog sa labas,

“kasi po ang bitter kong pinsan, pinagsabihan ako na 'wag na wag daw kitang kausapin' kasi pag nahuli niya ako sa outside ako pupulutin, bat kasi sakin nabuntong ang pagiging bitter niya.

Naku pag nakita ko yung Ex ni Gelo makakalbo ko talaga yun ,  malandi kasi eh?" sabi ko sa kanya.Kawawa ako parati sa kanila.Wala naman akong kasalanan dun, hindi pa yata ako nag exist dito sa Maynila ng mangyari yun.

past is past Pink nka move na kming tatlo kay Daisy, maliban sayo!" ako? bat ako nasama dito?Di ko nga alam kong sinong Daisy'ng yun.

Nag walk out na ako, nakakasira lng ng umaga si Gem, okay na sana kanina ng nag rereview na ako.Narinig ko na tinatawag niya ang pangalan ko.

Bahala ka diyan, dinadamay niyo pa ako sa problema niyo.Baka mamaya makita ako ni Xai na kausap ko si Gem.

At totohanin niya ang banta niya,

baka mamayang gabi makikita mo na lng ako na nasa kalsada palaboy laboy.haha

Gabi na natapos ang practice namin sa P.E feeling major din to eh!Nag extend pa kmi ng 30 mins. para mag meeting para sa costume.

Kami yung tipo ng estudyante na gumagawa lng pag deadline na or hagul na sa oras.haha simula first year pa yan atleast nka survive kmi diba!

Ng matapos na ang meeting ay kanya kanya na kming alis.

Tinignan ko ang cellphone ko kong anong oras na pero nakita ko na may mensahe si Xai sakin.

Siguro nag alala ito dahil gabi na di pa ako umuuwi,

kahit may sapak yun parati, alam kung may concern yun sakin.

Pero ng mabasa ko ang text, nanlumo ako.Di ko inaasan to!

from:Xai sapak

“diba sabi ko sayo wag kang makikipag usap kay Gem.Maaga kapa talaga umalis parang lng di ko malaman,pero sorry cousin mas matalino ako sayo.Kaya wag kanang dumiretso sa bahay mag hanap ka ng matutulugan mo ngayon"

huh wala man lng konsensya ang babaeng toh.Alam niya nman na wala akong kilala dito tapos ayaw niya akong pauwiin sa bahay.

Ang saklap naman buhay oh! sila ang may problema bat sakin nila binubuntong.

Naiinis na ako kay Xai ah! matalino raw.Bobo naman pagdating sa pag ibig, di niya nga alam na mahal pa rin siya ni Gem.Napag tripan pang pagselosan!

Andito ako ngayon naglalakad hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Nakikisabay din sakin ang kanta sa isang karenderya.

heto ako ngayon nag iisa,naglalakbay sa gitna ng dilim. . . .

lagi na lng akong nadarapa ngunit heto bumabangon pa rin.

Heto ako wohwoh

basang basa sa ulannn

walang masisilungan

walang malalapitannnhan

Sana may luha pa akong mailuluha at ng mabawasan ang aking kalungkutannnhan!

Ay mka Aegis naman si ate! maka alis na nga hindi naman nka tulong ang kantang yun.Npa isip ako,

matulog na nga lng ako sa motel mura lng naman yun.Marami namang motel dito sa Avenida.Malayo layo na rin ang nilakad ko,

Unang beses kong matutulog sa ganitong lugar, nag sign of the cross muna ako bago pumasok.

Parang may mangayayaring di maganda. wag naman sana!

love vs. dreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon