Wala [Kwentong Isang Tagay]

1.1K 64 20
                                    

SABI mo, ayaw mo na.

Noong gabing yun, iyak lang ako ng iyak. Hindi ko alam kung ilang balde na ng luha ang lumalabas sa mga mata ko, pero wala, hindi ko iniinda. 

Daig ko pa ang nag - marathon dahil sa panay na pagtaas - baba ng mga balikat ko. Kaso, wala e ... mukhang sa sandaling 'to, wala akong kakapitan para manumbalik yung normal kong paghinga. Hindi ito kaya ng tubig, ng gamot, o ng kahit menthol candy man. 

Napadalas ang paghingi mo ng "oras para sa sarili mo." Ako naman 'tong si tanga, panay ang bigay sa mga hiling mo. Ganun kita kamahal e, kaya kahit masakit at mahirap, lahat gagawin ko sumaya ka lang.

Hanggang sa isang gabi, naganap ang lahat.

Nakikipagusap lang ako sa kaibigan ko. Kilala mo naman sya pero nagtaka pa rin ako nung binitbit mo na ang mga gamit mo at nauna kang umuwi.

Hinabol kita. Naiwan pa sa loob lahat ng gamit ko pero gaya ng sabi ko, wala akong pakialam. Mas mahalaga ka. Ikaw at ikaw lang ang nasa isip ko noong mga oras na yun.

Patuloy pa rin ako sa paghabol. Sa pagtakbo. Alam mong bawal akong mapagod pero sige ka pa rin sa paglayo. Sa pag - iwas. Nararamdaman ko ng matutumba ako pero hindi ka pa rin lumilingon.

Hanggang sa sumigaw na ako.

"Alvin! Alvin! Halika na, diba uuwi na tayo?"

"Alvin, sige na naman. Hintayin mo ko!"

"Alvin, maawa ka sakin. Lumingon ka naman oh!"

"Alvin!"

Sa wakas, nakuha mong lumingon. Muntik na akong mapaluhod dahil sa pagod. Mukhang nakasama sakin ang patuloy na pagtakbo. Pero wala, hindi ko ipinahalata sayo dahil ayokong mag - alala ka. Dahil mahal na mahal kita.

Isang malungkot na ngiti lang ang isinalubong mo sakin. Ni hindi mo nga hinawakan ang mga kamay ko, ni hindi mo tinanong at kinamusta kung ano ang lagay ko.

Para akong nakipagkarera sa kabayo. Ramdam ko ang sobrang pagod dahil sa magkabilang - balikat ko.

"G-gusto ko munang mapag - isa. Umuwi ka na. M-mauuna na kong umuwi."

Hanggang sa tinalikuran mo na nga ako. 

Anong nangyari sayo? 

Anong nangyari sa Alvin na may pakialam sakin? Sa Alvin na alam kong nag - aalala para sakin? Sa Alvin na alam kong sasamahan ako hanggang dulo dahil alam kong mahal na mahal nya ko?

Daig mo pa ang bato nung mga oras na yun. Sa isang iglap, parang hindi na kita kilala.

Bumalik ako at kinuha ko ang mga gamit ko. Napayakap ako kay Mary sa sobrang sama ng loob. Mabuti nalang, halos wala ng tao sa bawat cubicle. 

Hanggang sa kusa ng bumigay ang mga mata ko. Pesteng mga luha. Tuluy - tuloy lang sa pag - agos.

Nakita ko sa lamesa ang mga piraso ng papel na nakatupi. 

Doon ko nalaman na sa kalagitnaan ng relasyon natin, nakilala mo si Elizah. At oo, inamin mo sakin na nahulog ka sa kanya. Kaya unti - unting nawala ang pagmamahal mo sakin.

Gusto kitang pagsasampalin noong mga panahong yun. Hindi mo alam kung anong sakit ng loob ang idinulot mo sakin dahil sa mga sinabi mo. Pakiramdam ko noon, kung mamamatay man ako, ikaw ang magiging dahilan.

Inihatid ako ni Mary dahil pakiramdam ko, nawalan na ko ng lakas para umuwi.

Hindi pa ako nakaka - abot sa gate, pakiramdam ko unti - unti ng umiikot ang paningin ko. Nawawalan na rin ako ng panimbang, at alam kong babagsak na ang katawan ko sa lupa.

Hanggang sa di ko na nakayanan, mga mata ko na ang kusang pumikit at bumitaw.

Nalaman mo ang nangyari sakin kinabukasan. Salamat sa daddy ko na bumisita pa talaga sa trabaho para lang sabihin ang masaklap na katotohanan.

Oo, nawala ako ng dahil sayo. Hanggang sa huling hininga ko, ikaw pa rin ang nasa isip ko. Hanggang sa huling hininga ko, ikaw pa rin ang iniintindi ko.

Nalaman ni Mary na palabas mo lang ang lahat. Naghahanda ka para sa anniversary nating dalawa. Gusto mong magmukhang makatotohanan kaya kinontrata mo pa si Elizah para sabihin sakin ang isang bagay na di naman talaga totoo. 

Na hindi totoong may relasyon kayo ni Elizah habang tayo pa. Na gusto mo talagang lumayo ako sayo pansamantala para makagawa ka ng surpresa. Na naghahanda ka talaga para sa anniversary nating dalawa. 

Inamin mo kay Mary ang lahat habang iyak ka ng iyak. Lahat ng tao, hindi makapagtrabaho dahil sa nalaman nila ukol sakin. Gustuhin ko mang pagaanin ang loob mo, wala eh. Wala na talaga dahil hindi ko kaya. Hindi ko na kaya. Gustuhin ko mang samahan ka ngayon, wala eh. Wala na talaga. Wala na talaga akong magagawa. 

Wala na nga talagang mangyayari sa paghahanda mo.

Kahit anong pag - iyak mo, wala ng mangyayari dahil wala na ako.

 © THE END

August 25, 2014 by CorrectionFluid

Wala.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon