Prologue.

140 3 1
                                    

ANG PAG-IBIG, MAY SARILING TIME FRAME.

Hindi natin dapat pinipilit ang isang bagay dahil ang lahat ay mangyayari sa tamang oras at panahon. At may dahilan ang lahat ng bagay. Maaaring hindi mo pa alam ngayon. Pero sa paglipas ng bawat minuto, unti-unti mong malalaman.

 “We had the right love at the wrong time.”

Hindi naman talaga natin makokontrol ang ating mga puso.

Tumitibok ito para sa isang gusto natin sa maling panahon.

Maaaring hindi pa tayo pinapayagan ng mga magulang na magmahal ng sobra sa kaibigan.

Maaaring hindi mo na sya pwedeng mahalin nung mga panahong dumating sya sa buhay mo.

Pano nga kaya kung sa tamang panahon sya dumating.

Sa mga panahong malaya kang mahalin sya.

Sa mga panahong walang makapipigil sa inyong dalawa.

Ang saya mo na siguro.

“Heart ain’t a brain.”

Ung tipong may sariling utak para magdesisyon ang puso natin.

Ung tipong hindi talaga natin mapili kung sino ang mamahalin at magmamahal satin.

Ung tipong *chada!* mahal mo na sya ng hindi inaasahan at sa hindi malamang dahilan.

“Mahal kita maging sino ka man.”

Ang pag-ibig, walang pinipili.

Kahit ano pang sabihin ng ibang taong nasa paligid mo, basta mahal mo ang isang tao, ipaglalaban mo sya ng buong puso.

Kahit na ano pang sabihin ng iba.

Kahit na bigyan ka pa nila ng kapalit para iwan mo ang taon mahal mo, hinding hindi mo gagawin.

Kung ang lahat ng tao ay nagmamahalan, masaya siguro.

Walang away.

Walang gulo.

Lahat masaya.

May ngiti sa mukha ng bawat isa.

Ang sarap isipin noh?

“All I wanna do, is to grow old with you.” “Kasama kang tumanda.”

Ang sarap ng feeling na kasama mo ang taong mahal mo sa buhay mo.

Masaya kayong dalawa’t nagmamahalan.

Inspirasyon mo sya sa lahat ng bagay na ginagawa mo.

Ung feeling na para na syang runner kasi lagi tumatakbo sa isip mo.

Ung feeling na kahit ilang minuto pa lang kayong hindi nagkikita eh miss mo na sya at gusto mo na syang masakama ulit.

Sa pagmamahalan, hindi nawawala ang pangako.

Kahit hindi naman dapat ito kasama.

Hindi naman dapat nangangako.

Lalo na kung hindi naman kayang tuparin.

Maaari lang makasakit ng damdamin ng taong minamahal.

“The best feeling in this world is to love and be loved.”

Ang sarap nung feeling na nagmamahal ka.

At the same time, alam mong may nagmamahal sayo.

Ung tipong pagkagising mo may text na agad sa phone mo galing sa taong mahal mo.

“Good morning baby. You’re my sunshine. You’re my everything. I love you. Wake up na!”

Ang sarap noh?

Nakakagana ng umaga.

Parang buo na ang lahat at gusto mo na lang ulit matulog para sa sususnog na umaga.

Ung tipong may nag aalala sayo.

Magtetext para i-check kung kumain ka na.

Kung nabusog ka ba.

Kung naubos mo ba ung pagkain mo.

Ung tipong lahat gagawin para mapasaya ka lang.

Ngiti mo pa lang, heaven na para sa kanya.

Gagawa sya ng ibat ibang bagay, o surprise para sayo kahit wala naming okasyon.

Gagawin nyang masaya ang buhay mo sa piling nya.

Handa syang gawin ang kahit ano para sayo.

HAAAAAAAY..

Ang sarap ng feeling.

Ang sarap ma-experience.

Ang sarap magmahal.

Kwentong pag-ibig ni Bru :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon