Masaya ako, Dahil kasabay ko araw araw ang bestfriend ko na matagal ko ng mahal. Minamahal ko ng patago. Natatakot akong aminin dahil baka iwasan n'ya ako. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari at higit sa lahat takot ako na mapunta s'ya sa ibang babae. Siya si Renshi ang bestfriend ko na minamahal ko ng patago.
"Dalawang araw nalang at graduate na tayo sa highschool Ishy!"
Masayang masayang sabi saakin ni Renshi. Ngumiti nalang ako ng peke dahil nalulungkot ako sa loob loob ko dahil magkakahiwalay kami baka mamaya may makita sya duong babae. Pero bestfriend nya lang naman ako walang karapatan.
"Oo nga eh, Mawawalay na tayo sa isa't isa." Sabi ko sakan'ya at naunang maglakad. Hinaltak nya ako sa kamay.
"Bess naman eh, Magkikita naman tayo. Ano kaba! Smile?!" Sabi ni Renshi at hinawakan ang mga labi ko at finorm ng smile. Akala ko pa naman hahalikan n'ya ako. Wag ka ngang assuming Ishy!
"Oo na! Basta ba ililibre mo ako ng ice cream sa may cafeteria." Sabi ko at ngumiti. Kailangan ko ng sulitin ang mga natitirang araw.
"Sure. Ikaw pa! Malakas ka saakin eh. Alam mo may gusto ako dito sa campus."
Sabi ni Renshi habang hawak hawak n'ya ang mga kamay ko. Bakit ba s'ya nagbibigay ng motibo? Ako ba ang gusto n'ya? Minsan magugulat nalang ako dahil may bigla biglang yayakap saakin mula sa aking likod 'yun pala si Renshi lang. Tas binibigyan n'ya ako ng flowers tuwing valentine's day. Sya ang lagi kong kasama tuwing papasok at uuwi. Ihahatid n'ya ako sa bahay namin. Oh diba? Sino bang hindi kikiligin duon? Pero naalala ko bestfriend lang n'ya pala ako?
"Oh sino naman 'yan? Ang swerte naman nung girl na gusto mo." Sabi ko at Ineexpect kong ako 'yun.
"Si Mara. Balak ko na nga syang ligawan after graduation eh." Namumula pang sabi n'ya.
Narinig n'yo 'yun. Nagexpect ako. Akala ko ako 'yun dahil sa mga pinapakita n'ya saakin tas 'yun pala si Mara pala? False alarm!
"A-ah." 'yan nalang ang nasabi ko at nung dumating na 'yung order namin tahimik nalang kaming kumain.
"Hi Renshi!" Si Mara tinext ata ni Renshi na pumunta kasi kanina n'ya pa hawak ang kan'yang cellphone. Ang sayang masaktan kung alam ko naman palang masayang masaktan inaraw araw ko na bwiset!
"Oh Hi. Upo ka." Tumayo si Renshi para ipaghaltak ng upuan si Mara. Sana ako nalang si Mara para nagagawa n'ya saakin 'yun.
"Mara meet my bestfriend Ishy. Ishy Meet may Soon to be girlfriend." Pagpapakilala ni Renshi. Ngumiti ako ng peke at nginitian naman ako ni Mara.
Hindi na ako magtataka. Because she's one of the chicks. Pero sad to say Mara Valdez is a nice girl, She's Smart, Beautiful, Kind! Full package na sino bang hindi magkakagusto sakan'ya hindi kagaya ko isang simpleng babae.
Hindi ko na makaya ang paglalandian ni Renshi at Mara kaya tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Ayoko, Ayokong may makakita saakin na tumutulo ang luha ko.
(Isang araw nalang at graduation day na)
Pumasok ako ng hindi sumabay kay Renshi. Nasasaktan talaga ako eh. Malapit na ako sa gate ng school naaninag ng dalawang mata ko na naghihintay si Renshi sa tapat ng gate. Baka hinihintay ang SOON-TO-BE-GIRLFRIEND nya.
Naglakad ako ng kunwari walang nakita dire-diretso akong naglakad. Ayan na malapit na ako sa gate hindi pa man ako nakakatungtong sa loob ng school may humaltak na saakin si Renshi.
''Bess, Ba't ka naman umalis sa cafeteria nung isang araw? Pero dibale kung ano man ang dahilan wala na 'yon saakin. Goodnews nga pala bess. Hindi ko pinatagal niligawan ko na si Mara at sinagot n'ya na ako." Tuwang tuwa na sabi ni Renshi. Holyshit. Ano daw?
"Ah, Okay! I'm happy for you." Sagot sakan'ya ng may pekeng ngiti at umalis na.
A-ano daw? Fvck. Seryoso ba? Di nga? Ang sakit sakit! Tumakbo na ako para hindi na ako mahabol ni Renshi at para hindi na sya magtaka kung bakit tumutulo na ang nga luha ko.
Ano nga lang ba ako? Isang hamak ng bestfriend lang? Kapag may girlfriend na iiwan nalang at maaalala nalang kapag wala na sila. Bestfriend lang ako takbuhan nya kapag may problema sya? O kailangan n'ya ng tulong ko? Ang sakit. Sana hindi nya nalang ako pinakitaan ng motibo kung turing nya lang pala saakin bestfriend.
Pumasok na ako sa room ko at nagumpisa na ang klase pero wala si Renshi. Bakit kaya? Ganon ba kapag may girlfriend nagcu-cutting classes?
Natapos ang subject namin at breaktime na at uwian na rin dahil wala na kaming ibang subject dahil bukas na nga ang graduation naming lahat.
"Bess!" Okay, here we go again alam ko kung sino 'yun si Renshi ano nanaman kaya ang sasabihin n'ya o kailangan n'ya?
"Oh ano? May kailangan kaba?" Walang gana kong sabi sakan'ya. Siguro nung nagtapon si Lord ng kamanhidan sinalo n'ya lahat!
"Tulungan mo naman ako. Tulungan mo ako isurprise si Mara dahil gusto ko malaman ng lahat na we're officially on. Please?" Sabi n'ya at nagpacute. May magagawa pa ba ako?
"Okay. After ng graduation diba?"
"Oo, Bes! Yes! Thankyou!" Para s'yang batang tuwang tuwa. Pero hindi n'ya alam na sa kasiyahan n'ya may nasasaktan s'yang tao at AKO 'yun.
(KAKATAPOS LANG NG GRADUATION)
Kinakabahan ako. Kasi nakikita ko na ang mini stage na pinaghandaan namin ni Renshi. Natatakot dahil malalaman na ng lahat na sila na talaga ni Mara. Nakita ko na si Renshi na umakyat sa mini stage at lahat ng tao nakafocus sakan'ya. Nakikita ko sa mga mata n'yang masaya sya.
"Goodevening everyone. May gusto lamang po akong sabihin. Matagal akong naghintay ng panahon para ligawan sya. At gusto ko lang ipaalam na we're officially on. At thankyou sa bestfriend ko na tumulong saakin." At tinuro n'ya ako at nakita ko namang umakyat na sa stage si Mara at naghiyawan ang mga tao.
Hindi na kaya ng luha ko. Kaya kusa itong pumatak habang nakatingin sa mga mata ko si Renshi. Kung alam mo lang sobrang nasasaktan na ako. Akala ko hindi pa ako huli sa pag amin dahil sabi ko dadating ang tamang panahon para aminin ko sayo na matagal na kitang minamahal. Pero naisip ko ang pagkakaibigan natin. Kahit na nasasaktan ako pinili ko paring maging masaya para sayo. Tumakbo na ako palabas ng school at naramdaman ko ang pagtawag saakin ni Renshi tumakbo lang ako ng tumakbo ngunit malaki ang mga hakbang nya kaya mabilis n'ya akong hinaltak.
''Bakit ka umiiyak bes?'' Tanong saakin ni Renshi. Oh gosh totoo ngang sinalo n'ya ang lahat ng kamadhidan na hinagis ni lord.
''Diba halata? Napakamanhid mo! Di mo ba nahahalata na gusto kita! Gustong gusto kita Renshi! Pinigilan ko kasi bestfriend kita! Nagpakita ka ng motibo akala ko naramdaman mo hindi pala! Nasasaktan na ako. Kahit na gustong gusto kong aminin pero hindi ko magawa! Bakit? Kasi natatakot ako na layuan mo ako! Akala ko hindi pa ako huli! Pero huli na pala ako. Dahil akala ko kasi may tamang oras para aminin ko ang nararamdaman ko para sayo pero mali pala. Pero iniisip ko rin ang pwedeng mangyari kung sakaling inamin ko. Kahit na nasasaktan ako sinuportaha kita kay Mara dahil alam kong masaya ka sakanya nakikita ko sa mga mata mo. Eh sakin kasi alam kong hindi ka magiging masaya. Ngayon alam mo na?'' Sabi ko sakan'ya.
''S-sorry h-hindi ko alam.'' 'yun lang 'yung sasabihin n'ya hindi ko na napigilan ang mga luha ko kusa na itong bumagsak mula sa aking mga mata. Ayokong makita n'ya akong umiiyak kaya tumakbo ako ng tumakbo pero hindi ko napansin may papadaan palang sasakyan.
''Ishhhhhhhy!''
Nilapitan ako ni Renshi pero huli na huli na ang lahat. Binuhat nya ako at hinawakan ko ang kan'yang mga mukha ang mga mukhang to. Mamimiss ko.
''Ma-mahal k-kita. Pa-alam''
(A/N: HEY YOW! WALANG MAGAWA EH NYARK. SINASANAY KO LANG ANG SARILI KO CHOSS. BYE)
BINABASA MO ANG
Hindi pa ako huli (Oneshot)
Teen FictionHindi pa ba siya nahuhuli? Handa na sana syang ipagtapat ang dapat na ipagtapat ngunit nahuli na siya dahil nasa ibang kamay na ang taong mahal nya.