3rd Person’s POV
(Shylla Grace Zamora on the side ) ---------->>>>>>
“Ma ! Ma ! Nakita mo ba ang relo ko ?? “
Umagang-umaga pa lang sumisigaw na si Renan. Abalang-abala sa paghahanap sa kanyang relo na ibinigay pa ng kanyang ama.
“Wala anak, Saan mo ba nilagay ? . Palagi ka nalang naghahanap ng mga gamit mo. Baka kung saan-saan mo yan nilalagay. “
“Dito lang po yon sa cabinet ko. Naglinis po ba kayo kahapon ? “
“Hindi anak . Hanapin mo lang ng mabuti. Baka nasa sulok lang yan. “
Inip na inip nang naghahanap si Renan. Halos malungkat na niya lahat. Konti na lang sasabog na siya sa kakahanap . Malapit na ang oras ng kanilang klase. Pero hindi parin niya ito mahanap. Kalat na kalat na ang kanyang kwarto, pero wala talaga. Inip na lumabas ng bahay si Renan ng hindi parin nakikita ang kanyang relo.
“Mag-iingat ka anak! “ – pahabol ng kanyang mama. Pero hindi umimik si Renan at patuloy lang siya sa paglalakad.
Dumating siya sa kanilang paaralan na walang kinakausap ni isa. Naninibago naman ang kanyang mga kaklase. Dati kasi , si Renan ay palangiti at bumabati sa kanila pagpasok nito, pero ngayon ? ni walang isang salita ang lumabas sa bibig ni Renan.
Natapos na ang klase at agad pumunta si Renan sa Gym ng kanilang paaralan dahil may laro sila sa basketball.
Habang papasok sa Gym si Renan habang nakayuko ay nagkabangga sila ng isang lalaki habang ito’y tumatakbo.
“Hey ?! Watch your way .!! “ – sigaw ng lalaki kay Renan.
Unti-unting inangat ni Renan ang kanyang ulo at tumakbo na yung lalaki pero laking gulat ni Renan ng makita niya na suot-suot ng lalaki ang kanyang relo.
Agad-agad niyang sinundan ang lalaki pero sa kasamaang palad nawala ito sa kanyang paningin sa kadahilanan na maraming estudyante ang pumapasok sa gym para manood ng kanilang laro. Galit na bumalik sa loob ng gym si Renan.
“RENAN!! RENAN!! “
“WHAT?”
“Ayyy!! Sorry (__ , __)”
“No! It’s okay, I’m just not in the mood. So ? What do you want ? .“
“A-a-ano ..ano ..itong books mo (sabay abot) ano naiwan mo sa room (>.>) “
“Ahh!! Salamat ^__^ (Bitter) “
“Sige ^__^ “
“Ahh! Renan ?? “
“ Yes ??”
“I-i-i wish you luck ^__^. Bye!! “
“Thanks ^__^ Bye “
Magsisimula na ang laro at nagsihanda na ang lahat. Nakita ni Renan yung lalaking suot-suot ang kanyang relo kanina na ngayon ay wala na.
“Pare, yan ba ang makakalaban natin ?? Taga saan ba yan ?? “ – Tanong ni Renan sa isa niyang teammate.
“ouh pare.. They are from ***** College. “
BINABASA MO ANG
Mr. BURARA (Short Story)
FantasyWARNING : Basahin niyo at hindi kayo iiyak ng ilang baldeng luha. Note : Bawal po ang may sakit sa puso.....lalo na po kung JOKE. Salamat. ^___^