Author's Note: Hello readers! First time kong gumawa ng One Shot story! Sana hindi epic. XD
********************************************************
I Had Sex With Him (One Shot)
Written By: LJNiiAbra
Sa dinami dami ng lalake sa mundo, bakit siya pa?
Sabi nga nila, walang pinipili ang love. Kasi, kahit sino pwedi mong mahalin..
Papano kung napunta ka sa NAPAKAHIRAP NA SITWASYON AT NANGYARI NA? ANONG GAGAWIN MO?
Thursday evening. Time check: 9:05pm
Kakauwi ko lang galing sa trabaho ko. Oras na akong umuuwi dahil sa sobrang daming ginagawa sa office. Parents ko ang may ari ng kumpanyang ito. Sa akin na ipinasa ang trabahong ito dahil pumanaw na sila. Kahit 20 years old palang ako ay nakaya kong magtrabaho dito. Ako na ang CEO dito sa kumpanya namin.
Nakahiga lang ako sa kama ko. Hindi na ako kumain dahil busog pa ako.
Naisipan kong magbasa ng comics. Habang kinukuha ko sa maliit na cabinet ko kung saan nakalagay ang mga libro ko, ay biglang nahulog ang mga letrato ng mga pamilya ko.
Pinulot ko ang isang letratong nakaagaw ng atensyon ko.
"Kiel miss na kita" yan nalang ang nasabi ko ng makita ko ang letrato naming dalawa ni Kiel. Ang nag iisang kuya ko. Isang taon palang ako sa letratong yan. At siya naman ay tatlong taong gulang. Yan ang huling letrato namin. Dahil pagkalipas lang ng limang buwan ay hiniwalay na sa akin ang kuya ko. Nag hiwalay si mama at papa. Sinama siya ni papa at ako ang naiwan kay mama.
Hindi ko alam na may tumutulong luha na pala mula sa aking mga mata. Ang sakit lang kasi, ang sakit sakit sa kalooban ko dahil hindi ko man naranasan magkaroon ng kuya. Dahil nung nakasama ko siya ay isang taon pa lamang ako. Musmos palang ako, walang ka alam alam. Ang pangarap ko pa naman ay, sana pag may nanliligaw na sakin ay papakilala ko muna kay kuya at sasabihin nya kung karapat dapat sya sakin. At magagalit sya kung sino man ang nagsaktan sakin. Pero mukhang hindi na mangyayari yun.
Pagkatapos kong titigan ang letrato namin ni kuya ay tinago ko sa wallet ko. Wala na akong ganang magbasa ng comics kaya natulog na ako.
**
Friday morning. Time check: 8:30am
Nandito ako sa office ko. As usual, maraming ginagawa.
"Mam Kate, may bago po tayong kliyente" sabi ng isa sa mga empleyado ko. At may ini abot na mga papeles.
Tapos ay kinuha ko ang mga papeles na yun para pirmahan. Minsan lang kami magkaroon ng kliyente ngayon dahil nalugi ang kumpanya namin ng pumanaw ang mama ko. Kaya ngayon bumabawi ako para muling umasenso ulit ang kumpanya namin.
Tatlong araw ang nakalipas ay, sa wakas makakaharap ko na ang bagong kliyente namin.
"Hi mam kate." bati nya sakin. "Hello sir lemuel, welcome to my company." nakangiting sabi ko tsaka kami nag shake hands.
B-bat ganun? Parang nakuryente ako ng mahawakan ko ang kamay niya. Actually, gwapo siya. Imposibleng walang magkagusto sa kanya. Mayaman, matalino at matipuno siya. Bata pa siya, sa tingin ko matanda lang siya ng konti sakin. Hindi ko akalain na, na love-at-first-sight ako sa kanya. Totoo pala yun? Pero crush ko lang siguro.
YOU ARE READING
I Had Sex With Him </3 (One Shot)
RandomI had sex with him. I thought that was love. Because we love each other. But what happen? It was.. it was.. uggghhh! I cry all night. It was so unexpected. I cannot accept the fact that he is.. Read this guys :)