Chapter 1

3 0 0
                                    

2 years later...

Claire's POV

Naramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Umaga na pala sabay hikab at stretch sa mga kamay ko.. Bumangon nako at dumiretso sa banyo para maghilamos at magtoothbrush.. Pagkatapos, lumabas nako sa kwarto ko at naghanda para magluto ng agahan namin.

Pagkatapos kong magluto ng egg at bacon with friedrice ay hinanda ko na ang hapag kainan.

Nga pala nandito ako sa dorm namin at siyempre hindi ako nag-iisa meron rin akong mga ka roomates.

"*Hayyyy*Good Morning.." bati ni Cara na humihikab pa, speaking of roomates gising na ang isa.

Nga pala hindi ko pa naipapakilala ang sarili ko at ang mga roomates ko. Actually apat kami dito sa iisang dorm at syempre puro kami mga babae.

Ako nga pala si Claire Voith, 17 years old at nag-aaral sa nakasanayan ko ng impyernong paaralan nato... Harsh ba? Ehh sa ganun talaga ehh.. At yung babaeng bumati sakin ay si Cara Lewis oh diba ang bonga ng name.. *back to the introduction.. 17 years old din yan, at napaka childish niyan..

"GOOD MORNING!!!" ayan na ang pinaka madaldal slash pinaka maingay.. pareho lang ba yun? Ayy ewan.. Siya nga pala si Karina Scalise, 16 years old. Napaka-ingay talaga niya kahit umaga palang at sila lang ni Cara ang nagkakaintindihan sa maraming bagay..

"Napaka ingay mo talagang bruha ka!! Keaga-aga ang laki na ng bunganga mo.." ayan, nagising na ang pinaka short-tempered o ang pinaka matured samin . Siya nga pala si Kate Ross, 18 years old ang pinaka matanda sa aming apat pero wag kayo ha.. Magkaklase lang kaming apat.

"Hehehe sorry!! gors.." pang-aasar ni Karina at nag belat pa ang bruha.

"Aba't!!! Halika nga dito mukha kang kuto!!!" nangangalaiting sabi ni Kate. Napaka pikon talaga ng babaeng to kaya ang dali tumanda eh.Tsk!Tsk!

"Ayoko nga baka tirisin mo pako." pang-aasar pa nito. Nakita ko naman ang paglabas ng usok sa ilong ni Kate.

"Ano ka ba Karina? Wag mo na nga siyang asarin, tignan mo kumukulobut na ang buhok sa ilong nyan. Bwahaha!!" pang-aasar pa ni Cara. Nag-apir pa ang dalawa.

"Kumain na nga kayo! Baka malate pa tayo." pag-saway ko sa kanila at baka magpatayan pa sila.

"Napaka KJ mo talaga, Claire." komento ni Cara habang papalapit na sila sa mesa.

"Nag-aalala lang ako sa inyo at baka bigwasan na kayo nung isa dyan." sabi ko sabay pasimpleng tingin kay Kate na namumula sa inis.

Naupo na silang tatlo at nagsimula narin kaming kumain.
Nag-usap lang kami ng mga bagay-bagay.

Pagkatapos naming kumain, nagligpit na kami at naligo na para pumasok na sa klase namin.

Pagkatapos naming magbihis ay sabay sabay na kaming lumabas sa dorm at naglakad.

"May pag-asa pa kaya?" biglang tanong ni Karina.
Napalingon naman kaming tatlo sa kanya ng nagtataka.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Kate.

"I mean, may pag-asa pa kayang maka-alis tayu sa impyernong to?" mahinang saad nito na nakatungo.

Minsan napapaisip rin ako kung may pag-asa pa nga ba kami na makalabas sa paaralan na ito na buhay.

"Matagal-tagal na rin nung huli kong nasilayan ang nasa labas ng paaralang ito." malungkot na saad ni Cara.

"Ano ba kayo?! wag nga kayong magsalita ng ganyan, tsaka huwag niyo na munang isipin yang mga bagay na ganyan. Siyempre makakalabas tayo dito." pangungumbinsi ko sa kanila at nagpilit ng ngiti.

Maski ako nawawalan na rin ng pag-asa pero kailangan kong magpakatatag at palakasin ang mga loob nila dahil kong walang magsasabi sa kanila nun, mawawalan na talaga kami ng pag-asa.

"Hali na nga kayo, at baka malate pa tayo sa klase natin." aya ni Kate, tumango nalang kami at nagpatuloy na sa paglalakad.

Habang naglalakad napatingin ako sa paligid ko.Meron kami mga nakakasabay na mga estudyante patungo sa mga classrooms nila. Kung titingnan para lang itong ordinaryong paaralan. May mga estudyanteng naka-uniform na naglalakad sa iba't ibang bahagi ng university. May mga

Axyran Academy (the school of Bloody athletes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon