Naalala Ko Pa

4 0 0
                                    

Naalala ko pa,

Ang mga masasayang alaala

Na ating ginawa

Nung tayo pa.

Naalala ko pa,

Ang mga pangako

Na iyong binitawan

At nagsumpaan

Na kahit kailan

Ay hindi mag-iiwanan.

Pero alam mo ba kung ano ang masakit?

Nung maalala ko na,

Unti-unti kang lumalayo,

Unti-unting bumibitaw,

Nawawalan ng oras,

Nawawalan ng pagmamahal,

At tuluyan mo kong iniwan.

Paumanhin,

Kung may maling nagawa,

Kung masyadong umaasa,

Kung masyadong nakakapit,

O kung ano pa man.

Sana maalala mo pa,

Ang mga pinaghirapan,

Ang mga pinagpaguran,

Ang mga sinakripisyo,

Na aking nagawa.

Sana maalala mo pa,

Ang pagmamahalan,

Na nauwi sa sawaan,

At tuluyan nang umalis,

Sa buhay ng isa't-isa.

At sana rin,

Ay iyong mabasa,

Ang tulang ito,

Na kahit di kagandahan,

Dahil itong tulang ito,

Ay iniaalay ko sayo,

Upang magpaalam,

At iyong mapatawad.....

















Time of death;  7:56 pm

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Naalala Ko PaWhere stories live. Discover now