"masaya din naman akong kasama si Nadine. Mahal na mahal ko to eh"<--- yan ang mga katagang sobrang nagpasaya sakin. Pero yan din ang mga katagang dumurog sa puso ko.
Ako si Nadine, ang personal diary at matalik na kaibigan ni Kyle. Oo! Mahirap man tanggapin pero kaibigan lang ako ni Kyle. MATALIK NA KAIBIGAN.
High school palang kami gusto ko na sya pero iba ang mahal nya.
Siguro hindi lang ako maganda o hindi lang talaga ako ang tipo ng babaeng gusto nya.
Matalino naman ako, sweet, maalalahanin at friendly. Pero tropa lang talaga ang tingin nya sakin. Masakit man pero mas okay na sa'kin yung ganito atleast hindi nya ako iniiwasan.
HIGH SCHOOL LIFE
"Hi! Ako nga pala si Nadine. Transferee po ako".
"hello din!:) Ako si Hollie at sya si Yasmien".
Maganda si Hollie. Mukang mabait.....
At hindi ako nagkamali. Base sa mga bago kong kaklase, sikat daw sya sa campus dahil sa maganda, mabait at matalino sya. At maswerte ako kasi naging kaibigan ko sya.
Pero mas naging kaclose ko si Yasmien. Mas nagjive kasi yung ugali at trip namin sa buhay. Sa kanya din ako nagkekwento ng tungkol sa crush ko.
Speaking of.....
napakilala ko na ba yung crush ko?
Siya nga pala si Kyle. Hindi sya kagwapuhan pero kakaiba yung karisma nya kaya marami syang nalolokong babae...
At isa na ako don.hahaha. =))
JOKE LANG!!
Hindi sya babaero pero maraming babaeng nafafall sa kanya. Napakafriendly nya kasi. Tapos ang gentleman at ang sweet pa.
sige nga. Sino ba namang hindi mafafall sa ganong lalaki?=))
Aminado naman ako don..
Nafall ako sa kanya.
Yun nga lang..
ANG SAKIT...
Ang sakit kaya mahulog biglaan ng walang sasalo..
HIGH SCHOOL LIFE- FIRST YEAR
"crush mo sya no."
Nagulat ako ng biglang nagsalita si Yasmien habang nakatitig ako kay Kyle.
"Ha? Ano? Anong sabi mo?" nagbublush na ako. I can't hide it anymore=D
"asus. Sa akin ka pa talaga naglihim ah."
"eh crush lang naman. Okay lang naman yun di ba?"
"okay lang kung crush lang talaga. Ayokong masaktan ka e."
"ha? Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko kay Yasmien.
Anong alam nya na hindi ko alam.
"minsan nya na kasing niligawan si Hollie."
Ha?mahihimatay na ata ako.
Si Hollie ba ka mo? Si Hollie na kaibigan ko?
"sinong Hollie?" kunwaring hindi ko nagets.
"si Hollie. Yung kaibigan natin. Matagal na issue na yun pero hanggang ngayon mahal na mahal pa din ni Kyle si Hollie." with kilig factor na sabi ni Yasmien.
Ouch! Kaya pala ganon na lang sya mag-alala kay Hollie. At kaya pala nakikipagkaibigan sya sakin.
Pano na yun...

BINABASA MO ANG
Just a Friend
Teen FictionSa magkaibigan na opposite sex hindi maiiwasan ang may isang maiinlove. Mahirap magpanggap na wala kang nararamdam lalo na kung sobrang lapit nya sayo... Mahirap magkunwaring hindi sasaktan tuwing magkekwento sya ng lovelife nya... Mahirap magbulagb...