"Appreciate the beauty even in the most ordinary thing."
Dara's POVA boring afternoon.
Napabuntong hininga na lamang ako sa kawalan ko ng gana sa klase namin ngayong hapon. Bukod sa mala-dwendeng tinig ni Professor Alvarez ay walang ka nang maririnig na iba. Pasimple kong iginala ang aking mata sa loob ng classroom, hindi ko tuloy mapigilan ang ngumiti nang makitang hindi lang pala ako inaantok sa klase.
I am Dara Villanueva. Nagtrabaho kasi dati si Mama sa South Korea kaya tunog Korean ang pangalan ko.
Napatingin akong bigla sa aking kanan ng may biglang naniko sa akin. Nilakihan ko sya ng mata sa kanyang ginawa.
"Hoy bruha! Para kang timang d'yan. Bakit ka nakangiti? Crush mo si Sir?" Pabulong ngunit walang kagatol-gatol na tanong ni Jean.
Nanlaki ang aking mga mata at muntik na akong masuka sa aking narinig. Kung wala kaming klase ngayon baka may nabatukan na ako ngayon!
"Bestfriend ba talaga kita? Bakit mo ako inaakusahan ng ganyan?" gigil na sabi ko sa mahinang tinig. Mahirap na baka mahuli pa kami ni Sir.
"Am I accusing you? Para ka namang kriminal kapag ganon sis." May pagka-pilosopo talaga itong si Jean.
"FYI, isang krimen ang sinasabi mong may crush ako kay Sir! At please ayokong makulong!" Pinandilatan ko na talaga sya ng mga mata.
May sasabihin pa sana si Jean nang biglang nagsalita si Sir na naging dahilan upang mapatingin kami sa unahan, "Miss Villanueva and Miss Aquino! Pwede bang malaman ang pinag-uusapan nyo?"
Tumatagos ang bawat titig nya sa amin habang papalapit sa aming kinauupuan. Crossing his arms habang naghihintay sa aming kasagutan nang tumigil sya sa aming tapat.
Patay! Naibulong ko na lang sa aking sarili. Dumagdag pa sa inis ko 'tong si Jean dahil sa patuloy nyang paniniko sa akin. Promise, lagot talaga sa akin mamaya ang babaeng ito.
"Sir, ahm.." Nagkakandautal pang sabi nitong katabi ko.
No choice, ako ang kailangan magpaliwanag.
Huminga ako nang malalim at saka tumayo upang sumagot, "Jean told me na ang cute nyo daw po kapag nagtuturo, Sir. Bagay daw po sa inyo ang pagtuturo ng Banking and Finance kasi ang galing nyo." Sinabayan ko pa ng pagbabago ng timbre ng aking boses para mas maging convincing ang mga tinuran ko.
Hindi ko na pinansin kung ano man ang naging reaksyon ni Jean. Bahala sya. Makapag-akusa kasi, wagas!
Tiningnan lang kami ni Sir na parang gusto nyang basahin ang mga isip namin. Hindi ko alam pero parang nanlalamig ako. Ayokong bumagsak.
Please, maniwala sana sya. Patuloy na nagdadasal ang aking kaloob-looban na sana ay palampasin na ito ni Sir.
Napaupo na lang akong bigla nang bumalik na si Sir sa unahan at ipinagpatuloy ang pagtuturo. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Paano ba naman kasi terror Prof si Sir Alvarez at sobrang kuripot magbigay ng grades.
Hindi ko na pinansin si Jean sa kanyang pagmamaktol hanggang sa matapos ang klase.
Papalabas na ako ng classroom ng biglang akong hinarangan ng pinakamamahal kong bestfriend.
"Hoy Dara Villanueva! Saan ka pupunta, huh?" Nakapameywang pa nyang tanong sa akin.
"What do you want Jean?" Walang kabuhay-buhay kong tanong sa kanya.
"Eh naman sis, bakit 'yon ang sinabi mo kay Prof? Nakakahiya!! Ayoko na!" Para syang batang nagmamaktol sa kanyang ginagawa.
Napailing na lang ako at inakbayan sya. Saka bumulong sa kanya ng, "Nanindig ang mga balahibo ko sa akusasyon mo sa akin kanina na may crush ako kay Prof. Kaya magtiis ka! At saka hayaan mo nang isipin nyang cute sya sa paningin mo. Malay mo sa halip na 3 ang grade mo this sem ay maging 2.5 na.."
Namilog ang mga mata ni Jean sa sinabi ko at, "Oh my gee..."
Napatawa na lang ako sa kanyang reaction saka sya iniwang mag-isa sa room. Ang sarap lokohin ng taong iyon. Hindi ko nga alam kung bakit kami naging magkaibigan. Malimit kasi na nasa outerspace ang utak non.
Nasa may hallway na ako nang maabutan nya ako.
"Grabe sis, hihikain ako sa paghabol sayo!" Hingal na hingal nyang sabi saka kumapit sa aking braso.
"Akala ko kasi ay mas gusto mong manatili sa room kesa sa umuwi." Natatawa kong sabi sa kanya.
"Hindi no! Sobra ka talaga! Nakakagutom na sis. Kain tayo?" Pag-aalok nya na sinabayan pa nang pagniningning ng kanyang mga mata.
"Ayoko. Kailangan ko nang umuwi kasi mag-is-skype pa kami nina Papa mamaya. Day-off nya ngayon eh." Paliwanag ko.
Sa kasamaang palad ay ngumuso lang sya sa sinabi ko.
"Aw.. Sis naman.." Na sinabayan pa nya ng pagpadyak ng kanyang mga paa. Parang bata!
"Tigilan mo ako Aquino at baka masabitan ko ng kaldero yang bibig mo kakapout. Ew.." Kunyare ay nangdidiri kong sabi sa kanya.
At unfortunately, lalo syang nagpout!
"Aish! May next time pa sis, basta libre mo ako. Sa ngayon ay sa inyo ka na lang kumain.." Nakangiti kong sabi sa kanya habang niyayakap sya..
Alam ko kasing bibigay 'to sa isang lambing ko lamang!
Nauna na akong lumabas ng University habang si Jean naman ay nagpunta muna sa pinsan nya sa kabilang building.
Malapit lang ang bahay namin sa University kaya nilalakad ko lang. Isa yan sa mga bagay na ipinag-papasalamat ko, tipid sa pamasahe.
Habang naglakad ay natisod ako sa isang hindi kalakihang bato, "Ay, kabayo!" Mabuti na lang at hindi ako nadapa.
Pinulot ako ang bato, at hindi ko naiwasang mapangiti sa aking nakita nang tingnan ko ito. Hindi man perpekto ngunit ito ay tila hugis bituin.
Masiyahin akong tao, maybe because my parents taught me to appreciate the beauty even in the most ordinary thing.
BINABASA MO ANG
Just Like the Stars
RomanceMay taong dadating sa buhay mo, hindi para tuparin ang fairytale na pinapangarap mo. Kung hindi para ipakita na ang buhay ay tulad ng mga bituin, darating ang panahon na unti-unting mawawala ang ningning nito. Dara had no choice but to to ask, "What...