First Encounter

15 0 0
                                    

Minsan, mas masarap pang kumain kesa mainlove.

Mas masarap pang kumain kesa umiyak.

Mas masarap pang kumain kesa magpakatanga.

Basta ewan. Mas masarap talagang kumain. Yun lang yun eh.

"Liah!"

Tentenenen~ drum rolls para saking pinagsakluban ng langit at lupa sa pagdadiet. *Ehem* Ako nga pala si Liah Cruz Hindi ako panget, sabi nila. Mataba lang daw talaga ko. Imagine I weigh 200 pounds. Yung uniporme ko halos pumutok na. Pati ata binti ko pang crispy pata. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko.lang talaga kayang magbawas ng dami ng kinakain ko sa isang araw. Mas mahirap pa sya sa mahirap. Mas mahirap pa ata sa pagsosolve ng x na di ko alam kung bakit pa kailangang hanapin. O sa pag-intindi sa mga taong di ko magets kung bakit sobrang baba ng tingin sa mga tulad kong plus sized. Basta mga matatakaw lang makakadama sakin. I think.

"Liah ano ba? Kelan ka ba matatapos sa pagbili ng pagkain dyan?"

Oops wait. So who's the pokemon speaking? Let me introduce to you my ever so gorgeous bestfriend, Jana! Isa lang naman sya sa mga binansagang It Girls o mga kababaihang ubod ng ganda, mula anit hanggang kuko sa paa. She has this long, smooth, silky black hair with ombre highlights. Matangos na ilong. Singkit na mata. Fair skin na medyo kasingkulay na ng papel sa puti. Tall height and sexy body.Nakakadepress bang may kaibigang oh so beautiful? Oo ata, in some ways. Pero Eat girl naman ako sa school eh so okay lang. Atleast katunog ng label nya.

"Wait lang. Gutom pa ko." Sabi ko habang nagtutusok ng kikiam balls na pinasosyal lang ng konti pero kikiam balls padin. Hipokritang paaralan.

"Ano? Malelate na tayo! Mag-iistart na yung next class oh!" Sabi ng nagmamadali kong bff habang patingin-tingin sa relo nya.

"Oo na! Saglit. Bibili lang ako ng junkfoods don sa may junkfood stall."

"Ha? Ano ba yan sige na bilisan mo na!"

And so nginuya ko na at nilunok ang natitirang piraso ng kikiam sa bibig ko at dali daling tumakbo papunta sa junkfood corner na lagi kong pinagbibilhan. Parte na to ng buhay ko. At di matatapos ang break time ko hangga't di ako nakakakain ng junkfoods.

"Ate pabili nga po non, non at yan din po!" Pagtuturo ko sa mga junkfoods sa may counter. Napangiti nalang si ate. Sanay na yun sa bulk purchases ko.

"Grabe ijah. Di ka man lang magbabawas ng kain? Masama sa kalusugan yan."

"Ay nako ate. Pinabaunan ako ng parents ko ng malaking pera para makakain ako ng maayos." Sabay ngiti at abot sa pera. "Ayan. Wag na po kayong pachoosy. Income din yan."

Di na sya nagsalita at tumawa na lang ng mahinhin. Ako nama'y tumalikod at lumayas na. Ngunit sa kasamaang palad, sa aking paglalakad, nahulog ang isa sa mga yakap-yakap kong junkfoods at ang masama pa, gumulong sya sa hagdan. At oo, sinundan ko sya. Pero nahulog lang silang lahat at alam kong mukha na kong matabang penguin habang trying hard sa pagpupulot sa kanila. Well I don't care.

Hanggang may anghel na nagpulot ng lahat ng nahulog kong babies at iniabot sakin na medyo hinhingal pa dahil sa sobrang layo ng tinakbo ko. Mga 15 steps din yun ah. At yun na nga back to Mr. Angel. Super pogi lang naman nya. Blonde-ish hair, High-bridge nose, mapupungay na mga mata. Makisig, maputi at makinis! What more can I say—

"Hoy baboy."

Joke.

"Hoy!" Sigaw nya habang kunot ang kilay, iniaabot yung mga babies ko mula sa kamay nya. NATULALA lang naman ako sa kasamaan ng ugali nya. Nung una sa kagwapuhan nya eh. Grabe. Sobrang harsh nya. Sayang ang looks. "Kelan mo kukunin to ha?"

EAT GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon