Pero bago pa man sila nakalapit sa'kin, naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng dalawang braso sa katawan ko at inangat ako mula sa sahig. Gulat akong tumingala sa lalaking nakaitim na siyang bumuhat sa'kin at walang sabi-sabing binitbit ako palabas ng dance practice studio papuntang clinic.Suga?
Hindi ako agad nakapagsalita nang maibaba na niya ako sa clinic bed. Sinubukan ko sanang magpasalamat sa pagdala niya sa akin dito pero mabilis na rin siyang tumalikod at naglakad na papalabas ng pinto. Lumapit na rin ang doctor sa'kin upang sipatin ang nangyari sa kaliwang paa ko.
"K-kamsahamnida, Suga-sunbae," pahabol ko pero hindi na siya lumingon man lang.
Maaga kaming pinauwi sa dorm dahil nga sa nangyari para makapagpahinga na. Hindi naman grabe ang naging epekto ng pagkakatumba ko, ayon sa doctor, pero medyo ramdam ko pa rin ang kirot sa apektado kong paa. Laking pasasalamat din namin nina Unnie at Ms. Jendi nang ipaalam ng doctor na may ugat lang na napilipit kanina pag-ikot ko habang sumasayaw pero wala namang butong nabali. Nakatulong raw na naidala agad ako sa clinic.
Yun nga lang, medyo namamaga ito ngayon. Kaya naman, heto't tinutulungan ako ni Shower-unnie na lapatan ng yelo ang paa ko. Nasa kwarto na kami ng dorm ngayon.
"Uso magpahinga, Lee-ah," ani Shower-unnie. Kakatapos lang ako nitong akayin papuntang kama.
"Hindi naman ako pagod eh," pagtatanggol ko sa sarili. Pero sa loob-loob ko, hindi ko rin sigurado kung nasagad ko ba ang energy ko sa practice.
"Kaya pala," bara nito. Umupo ito sa kama paharap sa'kin. "Huwag mo kasing pilitin kapag hindi mo na kaya. Iyon naman ang in-orient sa'tin, 'di ba? Safety and health first."
"Ne, Unnie. Hindi na mauulit," sagot ko at yumuko. "Mianhae."
"Sorry saan?"
"Dahil sa'kin, natapos agad ang practice. Nakakahiya kina sunbaenim."
"Don't worry. Mukhang hindi naman sila nainis o kung ano pa man. Nag-alala rin sila at kinumusta ka nga sa'min kanina nang nasa clinic ka," sagot ni Unnie at pagkatapos ay tumingin sa'kin nang taimtim.
"Bakit?" tanong ko. Para kasing may ibig sabihin ang titig niyang ito ngayon.
"Wala naman," sagot niya at saglit na natahimik. Nakakunot ang noo nito na para bang may iniisip. Maya-maya'y nagsalita ulit ito. "Lee-ah."
"Ne?" tanong ko habang nakapikit. Inaantok na rin ako at sa wakas, naramdaman ko na ang sinasabi nilang pagod na marahil ay dahilan ng pagkahilo ko kanina at pagkatumba.
"Alam mo naman na matagal nating pinaghirapan 'tong career na pinili natin, 'di ba?"
"Oo naman, Unnie, alam ko," sagot ko at tumingin sa kanya. Nakakunot pa rin ang noo nito at nakatitig sa'kin.
"Nagsisimula pa lang tayo ngayong maabot ang mga pangarap natin mula pa noong training days. Sana huwag mong kakalimutan 'yon, Lee-ah."
"Ne. Pero may problema ba, Unnie? Nakakakaba ka naman magsalita," biro ko. Kahit naman ako ay nagtataka sa mga sinasabi ni Shower-unnie. Hindi ko maintindihan ang pinaghuhugutan ng mga binitawan niyang salita.
"Wala tayong dating ban sa Big Hit, malinaw 'yon sa ating mga artists under their management," simula nito. "Pero ang makipag-date sa co-artists natin dito sa agency ay parang hindi dapat mangyari sa ngayon. Lalo na ngayon. At lalo na sa pagitan natin at kina sunbaenim."
Ako naman ngayon ang napakunot ng noo. Bawal makipag-date sa atin at kina sunbaenim? BTS ba ang tinutukoy niya? At sino ang makikipag-date?
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko. Wala talaga akong ideya sa mga sinasabi ni Shower-unnie sa mga oras na ito.
BINABASA MO ANG
Trapped in an A.R.M.Y's Dream [WATTYS 2019 Winner]
FanfictionWHAT IF YOU SUDDENLY WAKE UP ONE MORNING AND FIND YOURSELF TRAPPED IN SOMEBODY ELSE'S LIFE? Even in her wildest imaginings, ELYA, an ordinary BTS ARMY never dreamed to have the rarest chance of meeting her most beloved K-pop Idols in the flesh... O...