CHAPTER 42: Denial Stage ^_^

2.2K 80 6
                                    

Princess's POV

Pagdating namin sa bahay, nakasalubong namin si Spencer

"Hi spencer!" bati ko

tiningnan nya lang kami ni mike, tapos naglakad na ulit

"hayaan mo na sya hahaha" bulong ni mike

Spencer's POV

Tss. mukhang tuwang tuwa pa si Stupid =_=

Ano kayang ginawa nila?

tss. pakielam ko ba -_-

Akala naman ni Mike, sya lang ang kayang makipagdate -.-

***

Gabi na ngayon at hindi ako makatulog!

at alam nyo kung bakit?

dahil lang naman sa pesteng Date na yun!

Pagbaba ko.. nakita ko si Leo

"Oyy kuya" bati nito sakin

"Bakit gising ka pa?" tanong ko

"eh bakit ikaw?" sagot nya

=___="

"Wala! hindi ako makatulog!" sabi ko

"Bakit?" chismoso

"Basta!" sagot ko

"Inlove ka noh!" mapang asar na sagot nito

"Kailan ka pa natuto sa mga ganyang bagay ha!" bwisit talaga to si Leo, minsan ko na nga lang makausap, ganyan pa =_=

"Wala! nakita ko lang sa libro na binabasa ng mga kaklase kong babae" sabi nito sabay taas sa kwarto nya

"Psh. inlove" bulong ko sa sarili ko at tumaas na rin ng kwarto

Signs of being inlove

1. Hinahanap mo kaagad, malingat lang sa tabi mo

Psh. natural! stupid yun

2. Nagseselos ka tuwing may lalapit sa kanya na ibang lalaki/babae

Eh kasi nga stupid sya

3. Nag aalala ka sa kanya

stupid sya PERIOD!

4. Inlove ka sa taong iniisip mo habang binabasa mo ito ;)

stu-- wait!! NO!!!

Hindi! Hindi naman ako inlove sa stupid na yun diba?

Arrghh! google na to! sinungaling! dapat hindi ko na tinignan to eh!

Princess's POV

May klase kami ngayon, pagkababa ko, nakasalubong ko si Spencer na mukhang panda

Ang laki ng eyebags nya! oh baka naman na'tripan nya lang paglaruan yung eyeshadow ni tita mildred? tapos nilagay nya sa baba ng mata nya ://

"Hi spen!" bati ko

"Lets go, sabay tayo" sabi nya sabay hatak sakin

"Ehh!! hindi pa tayo nagbreakfast ehh!!" sabi ko

mahalaga kaya magbreakfast! nakakashunga kaya pag hindi nagbrekfast! kaya nga ako palaging kumakain ng breakfast eh ^_^

"Sa school tayo kakain" sabi nya

ahhh okay :))

Pagdating namin sa school, dumeretso agad kami sa canteen

"Eat" sabi nya pagkalapag ng pancakes

"Anong nangyari sa date nyo ni mike?" biglang tanong nya habang kumakain ako

"Ahh wala naman, nanood kami ng fireworks, kumain ng ice cream na may marshmallow, tsaka nagkwentuhan" sabi ko

"Ano namang pinagkwentuhan nyo?" ehh? tsismoso?

"Tinanong nya ko kung sinong crush ko" sabi ko

"May crush ka na?" pareho sila ng dialogue ni Mike, hahaha! magkapatid nga sila *o*

"Meron" sabi ko

"Sino?" masungit na tanong ni Spencer

"Si Diego!" sabi ko

Spencer's POV

"Si Diego" sagot ni Stupid

Sino naman kayang Diego yun at maupakan!

(a/n: bakit mo naman uupakan aber??)

Kasi ang tanga nya para magkagusto kay Princess!!

(a/n: hindi na uubra mga palusot mo Spencer =_=)

Psh.wag nyo na pansinin si Author

"Sino naman si Diego?" bored na tanong ko

"Ehh? hindi mo kilala? Si Diego yung PINSAN NI DORA!!" what the? yung negrong lakwatsero na yun?

"Psh. stupid"

"Anong stupid! pogi kaya si Diego! mabait pa! palaging nagliligtas ng animals!"

so type nya yung nagliligtas ng animals?

Alam ko na *winks*

***

HAHAHA ano kayang plano ni Spencer??

@-themockingbird-
-Loka ka! hahaha nagmana kaya sakin si Princess, kaso lang hindi ako slow! BWAHAHAHA

Vomments guys, Thank you :-*

My Childish Princess ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon