[:Isa na naman ito sa epic fail na kwento ko.:]
***
I wanna be that girl, who can be with you forever. So tell me, will you be my boyfriend?
I want to be his girl. Haist. Ito na naman si ako nangangarap ng gising. Kung nasa bokubularyo ko lang talaga ang manligaw sa lalaki ii. Ay naku, matatawag na siguro akong masugid na manliligaw nitong crush ko.
Coleen Lim, ano ba’t di mo nahahalata na may gusto ako sayo?
“Meow, meow, meow!”
“Ay butiking bondat!”
Para akong sira, over kung mag-react. Nakalimutan ko kasi na alarm tone ko yun. Hahaha.
Tinignan ko ang phone ko.
“Oh may gas!”
Takbo. Takbo. Takbo si ako sa locker ko. Oras na kasi ngayon na i-activate lahat ng H.S.C (Hidden Stalker Camera).
Bakit ako may ganyan?
Syempre kailangan ko para makakuha ako araw-araw ng picture ni Coleen.
Wait lang kasi asikasuhin ko muna ito aa.
“Ting!”
“What the!”
Itim na putik yan uu. Memory full na ako. Wrong timing talaga uu. Ang ganda-ganda nang ngiti ng my love ko tapos biglang memory full? Badtrip! Haist.
Makapunta na nga lang sa mall at nang mawala ang ka-badtripan ko.
Sakay. Sakay. Sakay.
Lakad. Lakad. Lakad.
Bigla ako’y napatigil sa isang cute na nilalang. Napa-isip ako kung kailangan ko ba yun.
Isip. Isip. Isip.
Then I realize na kailangan ko iyon kasi memory full na ang phone ko.
Lakad. Lakad. Lakad.
“Manong, magkano ho yang purple na U.S.B niyo?”
“Php. 1500.00 yan ineng.”
“Ang mahal naman, wala na ho bang tawad iyan, manong?”
“Tawad pa ang nais. Ineng mura na nga yan sa lagay na yan ii kasi couple U.S.B at 8GB na yan.”
“Aa ganoon naman pala, ii manong isa lang naman ho ang kailangan kong bilhin ii.”
“Ineng couple U.S.B yan kaya hindi pwe-pwedeng isa lang ang bibilhin mo.”
“Ii manong isa lang ho talaga ang kailangan ko at isa pa wala akong karelasyon na pwedeng pagbigyan ng kalahati.”
“Ineng ii di i-reserve mo muna yung kalahati sa future boyfriend mo.”
“Manong, Php. 750.00 lang ho ang budget ko sakto lang sa isang U.S.B.”
“Dito ka na lang sa ibang U.S.B, ineng.”
“Ayoko nga, yan yung gusto ko ii. Sige na maawa na po kayo sa akin, ibenta niyo na po sa akin yung kalahati.”
“Hindi nga pwede. Bumalik ka na lang kung bibilhin mo na yung dalawa o kung may kahati ka na sa pagbili.”
Pumunta ako sa C.R upang maghagilap sa kasuluk-sulokan ng bag ko para ipang-dagdag sa pera ko.
BINABASA MO ANG
Universal Serial Bus
Short Story- Ito ay tungkol sa isang babae na nangangarap ng gising sa kanyang crush. -