Kath's POV
Lumapit sakin si DJ at inakbayan ako.Tumingin naman ako sa kapatid ko tapos para bang sinasabi nya na 'Ate botong boto ako kay Kuya DJ' napatawa nalang ako ng mahina.
"So anong next nating sasakyan?" tanong ni Seth
"Flying Fiesta nalang." suggest ni Sis.
"Wag yun pang bata." sabi ni Seth.
"Ok lang naman maging bata basta di maging sobrang mature." sabi ng aking kapatid, parang galit parin sya sa ng yari.
"Ok lang maging matured wag lang maging isip bata na wala pang alam sa relationship." sabi naman ni Seth.
"Alam mo lagi nalang yan ang sinasabi mo sakin eh lagi mong pinaparamdam sakin na ako lang *hik* may kasalanan ng *hik* lahat eh." bigla naman tumakbo paalis si Lil sis.
"Seth sobrang nasaktan si Megan nung nakipagbreak ka sa kanya. Muntik na syang maaksidente, sabi nya sakin kung nag kulang ba sya sayo, kung may hindi ba syang magandang nagawa. Alam mo Seth as a bestfriend nya nasasaktan rin ako para sa kanya. 1 years pare tiniis nya yung pagtrato mo sa kanya. Lagi nalang syang naiyak sa balikat ko wala akong magawa para sakanya kundi patahanin sya." sabi naman ni JC. Tapos sinundan nya na si Megan
"Alam mo Seth medyo sumobra ka eh." sabi ko naman.
"Seth alam namin kung gaano ka kamahal ni Megan kaso parang wala lang sayo." sabi ni DJ.
"Pare buksan mo mata mo." sabi naman ni Diegs.
"Bat mo pasya pinakawalan?" tanong ni Lester
"Ang tanga tanga mo Seth sinaktan mo ang isang mabuting tao." sabi ni Juls na parang galit na galit.
"Oo na tanga na ko." padabog na umalis si Seth.
Megan's POV
Bakit ba ganun sya lagi nya nalang ako sinisisi na ako wala naman akong ginagawang masama.
"Megan!"
"Kuya JC!" sigaw ko pabalik sabay yakap ka kanya.
"Mahal mo pa ba sya?" seryosong tanong nya.
"Opo. Kaso wala na akong magagawa kundi lumayo sa *hik* kanya." tumulo na luha ko. Si Kuya JC naman ay hinagod yung likod ko.
"Alam mo Megan wala ka naman talagang ginawang mali eh, sya lang ang tanga pinakawalan nya ang pinakamaganda at mabait na katulad mo."
"Pero bat ganun sya mismo nakipag break sakin?"
"Megan naman eh yan nanaman tanong mo eh."
"Eh kasi naman kuya lagi syang galit sakin except kanina nung dumating ako."
"May rason ang lahat Megan."
"Eh ano naman yung rasona yun?"
"Kasi mahal kita."
"Megan iwan ko muna kayo. Maybe its time you two need to talk about your past." sabi ni Kuya JC sabay yakap ulit tapos may binulong sya
"Megan pakinggan mo sinasabi ng puso mo pero pag sinaktan ka ulit nya tandaan mo nandito lang ako."
"Thank you kuya. Hayaan mo pag sinaktan nya ako, ako na bahala." yan ang huli kong sabi sabay umalis na sya.
"Megan tara sa car ko dun tayo mag usap." sumunod naman ako sa kanya.
Nung makarating na kami binuksan nya yung pinto ng sasakyan. Pumasok naman ako tapos sinarado nya at sumakay naman sya sa drivers seat.
"Sorry kung sinaktan kita. Sorry ----" pinutol ko na yung sasabihin nya.
BINABASA MO ANG
The Barkada (On-Going)
Teen FictionTungkol sa barkada na kahit anong mangyari walang iwanan walang bitawan. Ganyan katatag ang Barkada. Mahal ang isa't isa hindi bilang kaibigan kundi bilang ina, ama, at kapatid.