TAMBAY

137 0 0
                                    

magandang araw sa lahat .

maaaring lahat sa atin ay alam ang ibig sabihin ng "tambay"

tingin sa amin ng tao minsan walang kinabukasan 

walang magandang ginagawa, palamunin ng magulang

,--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ako nga pala si vhong isang tambay.

pag mulat palang ng mata sa umaga tumatambay na sa kanto namin,

akala nyo ba masarap tumambay pag paulit-ulit? mali kayo

sa una lang masarap tumambay pero pag tagal at paulit-ulit lang din

nakakasawa, gusto ko man na mag aral ngunit mahirap lang kami

oo tambay ako pero masipag ako nag tatrabaho ako sa construction

pero pag walang trabaho tambay lang, mahirap tumambay lalo na

pag walang pera, pang yosi lang wala pa, wala pa nga ako GF eh

panu wala akong pera isa pa tambay lang ako, ayoko naman mag GF

na ganito ako, yung iba kahit walang makain basta may GF/BF ako ayoko

kasi 1 lang babae ng buhay ko ang nanay ko :) dahil sa kanya kaya ako 

nag tatrabaho, wala na akong tatay namatay daw sya nung bata pa ako,

pag sapit ng sabado at linggo laging may inuman sa baryo namin

sa katatambay ko lagi akong tinatawag sa inuman para makasama nila

nahihiya din ako minsan gawa nga ng walang pera kahit pang yosi

sana maibigay ko sa kanila kaso wala talaga. masaya makipag inuman

pag tambay ka dapat maranasan mu uminum ng alak at abutin ng hating-gabi

sa lansangan.

masaya ako kasi ang mga kabarkada ko ay mabubuti walang masamang

bisyo di tulad ng ibang mga tambay na puro away at tsismis lang ginagawa,

tumutulong din kami tulad nung baha tumulong kami mag balot ng relief at

mag buhat ng mga bigas upang ipamigay sa mga nasalanta ng bagyo,

ang grupo namin ay 13 kaya mabilis kami at madami pag tumutulong

hindi kami nag hahangad ng kabayaran basta makatulong kami masaya na kami.

-----------------------------------------------------------

kaya sa mga tulad kong tambay wag sana nating patotohanan ang ibang tao na nag sasabi na tayoy adik,magulo, walang asenso, palaumin, perwisyo.........

dahil tayong tambay ang nag bibigay tao sa gabing madilim at sana mga kapwa kong tambay wag tayo gagawa ng masama, 

------------

maraming salamat sa oras na nilaan nyo upang basahin ito

comment  lang kayo maraming salamat!!

TAMBAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon