Sofia's POV
2nd year college palang kami gusto ko na siya di ko alam kung bakit, at paano nagsimula basta noong unang kita ko palang sa kanya ay alam ko ng may iba na sa aking nararamdaman para sa kanya, at di ko inasahan na mas lalong lalalim ang nararamdaman kong ito sa kanya sa bawat paglipas ng buwan at taon.
Araw-araw kasi siyang andyan para kulitin ako, simula ng maging kaibigan niya ako ay di na siya lumayo sa akin. Sabi niya pa nga ay bestfriends na kami kasi ako ang unang pumansin sa kanya at magaan ang pakiramdam niya twing kasama niya ako kaya nasanay na rin ako sa presensya niya.
Kinukulit niya pa nga ako noong 3rd college kami, dahil may naguhustuhan siya sa section 2 at naaalalaa ko pa ang scenario naming yun.
"Pia, pinansin na ako ni Gen! Yung crush ko at alam mo bang single siya?" Sabi niya sa akin habang may matamis na ngiti sa kanyang labi.
"Talaga? Congrats."
"Tulungan mo ako sa panliligaw ko ha? Malapit lang naman classroom mo sa kanya ee."
"Ayoko"
"Sige na Pia! Tatanawin kong utang na loob ang pag tulong mo sa akin." Ang kulit mo rin nuh? Sabi ng ayaw ko ee.
"No" saad ko habang nagbabasa ng librong binili mo para sa akin.
"Ayaw mo bang maging masaya ang bestfriend mo?" Malungkot niyang turan sa akin, alam ko naman na nagpapaawa lang siya.
"Gusto" maikling sagot ko dahil nakafocus ako sa binabasa ko.
"Yun naman pala ee! Bibilhan kita ng book 2 niyang binabasa mo basta tulungan mo lang ako kay Gen," napatigil ako sa pagbabasa dahil hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit na parang pinapahiwatig niyang dapat ako pumayag. Binawi ko rin agad ang kamay ko sa higpit ng pagkakahawak niya dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Talaga? Bibilhan mo ako?" Paninigurado ko at tumango naman siya at ngumiti ulit sa akin ng malapad. Ayan na naman yang mga ngiti niyang di ko matanggian.
"Sige, tutulungan kita sa kanya basta bukas na bukas rin ay bilhan mo ako ng book 2 ha?" Sabi ko na lang, kunware napipilitan at di nasasaktang turan ko sa kanya kahit na ang bigat ng nararamdaman ko.
"Yes! Salamat bestfriend!" Sa sobrang tuwa niya ay niyakap niya ako ng mahigpit. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap niya dahil ramdam kong safe ako sa mga bisig niya pero alam kong walang malisya sa kanya 'yon.
"Sige, uuwi na ako Ryan ha? May tatapusin pa akong assignments ee" sabay tayo ko at pagpag ng palda ko dahil may dumikit pang mga dahon galing sa punong tinatambayan namin.
"Hatid na kita" suhestyon niya pero umiling ako bilang sagot sa offer niyang paghatid sa akin.
"Wag na. Pag-isipan mo na lang kung ano ang gagawin mo bukas para sa unang araw na panliligaw mo sa kanya" ngiti kong sagot sa kanya.
"Kung yan ang gusto mo. Bukas ay susunduin kita ha? Sabay tayong pumasok."
"Lagi naman tayong sabay pumasok ah?" Natatawang sagot ko sa kanya kaya natawa narin siya sabay sabing "Oo nga pala."
--------------------
Lumipas pa ang ilang araw at buwan at naging sila na nga ng crush niya, wala na siya masyadong oras sa akin dahil ang lagi niyang kasama ay ang girlfriend niya.
Sino nga ba naman ako para pagtuunan niya ng pansin? Kaibigan lang naman ako na may lihim na pagtingin sa kanya at kung magkasama man kami ay lagi siyang nagmamadaling umalis dahil sabi niya hahanapin pa niya si Gen para ihatid siya sa classroom niya, wala naman akong magawa kundi ang tumango na lang habang tinitignan ang bulto niyang unti-unting nawawala sa paningin ko.
BINABASA MO ANG
Bestfriend (ONE-SHOT)
Historia CortaAll I want is your love from the first moment but, you can't give it to me. I want more than friends and There's you and her but there's no you and I in a romantic way. - - - - - - - - Plagiarism is a crime! 🔪