Love is Everything - LIE

42 0 0
                                    


 "Love Is Everything - LIE"

Nakangiti si Kisha habang pinapanood ang three-year anifriendsary message ng Facebook sa kanila ni Arwin. Ipinakikita ng video ang mga pictures mula nung una silang magkakilala at una silang maging magkaibigan sa Facebook hanggang sa huling upload nila ng photo na magkasama mahigit 3 months na ang nakakaraan. Bigla siyang natigilan. Mahigit 3 months na pala mula nang huli silang mag-upload ng picture na masaya at magkasama. Nagaalinlangan si Kisha, pero ishinare niya parin ang friendsary nila sa Facebook na tanging smiley lamang ang caption. Agad naman na naglike si Arwin na nakatag sa post na ito.

"Like lang?" Tanong ni Kisha sa sarili. "Wala na bang mga 'Haha' reaction man lang o 'Heart' reaction sa Facebook niya? Ano kayang version ng Facebook niya?" Pangiti na lamang niya sa sarili.

Kung titignan ay wala namang mali sa pagsasama nila. Mukha namang walang problema. Pero tila nagkakalayo ang loob ng dalawa.

Maagang umalis ng trabaho si Kisha para bilihan si Arwin ng paborito nilang jamming. Pistachio ice cream with bread. Gusto niyang icelebrate ang 3-year friendsary nila. Kaya tinawagan niya si Arwin para maaga ding umuwi. At pumayag ito. Hindi naman nadisappoint si Kisha dahil ibinili siya ng regalo ni Arwin na damit. Terno sa damit mismo ni Arwin. Hindi nga lang tulad ng dati na bracelet, kwintas at iba pang mas mga especial na bagay ang ibinigay niya sa pagkakataong ito.

"Nag-abala ka pa. Pero thank you a. I like it. Terno tayo." Pasalamat ni Kisha kay Arwin.

"Isuot mo na ngayon para ternong-terno tayo." Wika ni Arwin sa kaniya nang nakangiti.

"Mahal ko. Sorry a, ito lang ang gift ko sayo."

"Anong ito lang. Mahal ko, gusto ko ito. Masaya ako. Salamat."

Sa katunayan, alam ni Kisha ang mga bagay na gusto ni Arwin. Hindi nga lang niya afford ang mga ito dahil sa presyo. May-pagka sosyal kasi si Arwin. Gusto niya na lahat ng mga gamit niya original at branded.

Masaya si Kisha dahil solo nila ang kanilang apartment. Dahil nagbakasyon din ang dalawa nilang kasama sa bahay na magkasintahan din. Magkasama sila sa apartment pero hiwalay ng kwarto dahil hindi pa sila kasal. Kasama ni Kisha si Ara, ang girlfriend ng pinsan ni Arwin na naging kaibigan na rin niya sa isang kwarto. Magkasama naman si Arwin at pinsan niyang si Charlie sa isang kwarto. Pangako nila sa isa't-isa no MOMOL until they get married, just kiss and hugs for now.

Maayos ang pag-uusap ng dalawa. Naguusap sila tungkol sa trabaho. Call center agent si Arwin samantalang Supervisor naman si Kisha sa isang marketing company.

"Sabi ko 'You've reached technical-team, how may I help you?' Tapos sabi niya, 'I can't make call.' Ang gasgas talaga ng boses. Sabi ko 'I know this is an urgent matter, you might need to call somebody this instant. I will help you fix the problem. What is your phone number, sir?' Sabi niya, 'I'm a wrhhman.' My scratches talaga yung boses niya. Hindi ko talaga maintindihan. Kaya sabi ko ulit, 'Excuse me, sir?' I could hardly hear you. Could you repeat that for me, please?' Sagot niya pagalit na, 'I said, I'm a ...' Medyo pasigaw na siya pero my scratch talaga siya eh. Kaya sabi ko, 'I am so sorry sir. You really seem to have a very bad reception. Could say is one more time, please?' Ayun, nagalit na siya. Sabi niya, 'Why can you not understand stupid idiot! How many times do a have to tell you. Amma woman. Amma lady. Now tell me what you need so you can fix my f8ck8ng problem! You're pissing me off!' Sigaw niya sakin. Tapos sabi ko, 'I am very sorry to ask you to repeat yourself. I think I need to fix my system. I will place you on hold in a minute or two. Please stay on the line. Thank you.' Hinold ko siya ng 3 minutes saka ako nagtatawang magisa." Pagkukwento ni Arwin at halos manigas na sila sa kakatawa.

Love is Everything - LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon