Yung feeling ng na-like-at-first sight ka sakanya.
Yung feeling ng isang sulyap lang sa kanya, masaya ka na.
Yung feeling ng pag nagkaparehas kayo ng kulay ng damit, feeling mo, destiny na kayo.
Yung feeling ng pag anjan siya, todo pacute ka.
Yung feeling ng pag papalapit siya, parang kakapusin ka sa paghinga.
Yung feeling ng hindi buo ang araw pag hindi mo siya nakita.
Yung feeling ng mapapangiti ka na lang kahit nasa jeep ka o traysikel o kahit naglalakad ka, basta maisip mo siya.
Eto yung nafi-feel ko eh.
Ang problema, hindi naman niya ata ako kilala!
Kaya heto ako. Forever deadma T_T