Chapter I

10 0 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang mafi-feel ko sa araw na to. 

Excited.

Kabado.

Lahat lahat na.

Pano ba naman? First day to ng college years ko!

Hello COLLEGE! xD

---------------

Ayun. Nakapasok na ko sa gate.

Teka, san ba ko didiretso dito?

Nak naman ng tupa oh. Dapat sinunod ko na lang yung sinabi ni Papa na mag-tour dito sa University bago mag-pasukan. Eh since nagpapaputi ako (at tinatamad), mas pinili ko na lang na magpakaburo sa bahay.

Kaya eto. Ako din pala ang mapeperwisyo sa huli.

Pero dahil sa mautak ako, (parang naka-feel ako ng malakas na hangin. Na feel niyo din? xD) ayun. Sinundan ko lang yung mga estudyanteng naglalakad.

Lakad lakad lakad lakad.

Tapos tumigil sila sa gym.

Teka, anong gagawin sa gym? Orientation? Welcome address ng president o ng student council? Ano?!

At dahil sa isa akong naliligaw na bata, hindi muna ako umalis dun sa gym.

Pero dahil after 1 hour na pagtayo dun sa gym, at feeling ko, puro taga ibang department yung mga nandito sa gym, bumalik ako sa dating gawi.

Lakad lakad lakad lakad.

Hanggang sa narating ko yung isang building. Tapos yun pumasok ako, at voila! Yun nga ang building namin. Hinanap ko section ko, at, nakita ko siya dun sa isang room. At syempre, ang ginawa ko? Pumasok ako sa loob.

-------------

Nakakatuwa lang naman yung first day ko. Andami ko na agad new friends. Friendly ako eh! LOLs

May mga schoolmate kasi ako galing dun sa previous school ko na classmate ko din. At dahil siyempre, with the help of my only existing talent, ang kaingayan, dinaldal ko ng dinaldal yung mga girls. At saulo ko na mga names nila! Hahahaha

Pero bago ko makalimutan, kilala niyo nab a ko? MAlamang hindi pa kasi hindi ko pa naman binabanggit diba? hahahaha. Nakakabangag lang ngayong araw. Pasensya na. LOLs.

Anyways, I’m Selene. Wala ng ibang description, basta ako si Selene.

-----------------------

Ayun, 1 week na akong pumapasok. At nakakatawa kasi 1 instructor palang ang nami-meet namin. At dahil getting-to-know-each-other pa ang peg naming magkakaklase, ok lang na walang prof.

“Sel, samahan mo naman ako sa cafeteria,” yaya sakin ni Jan or January for long.

“Sure, kayo girls, sama kayo?” yaya ko sa iba.

“Di na kayo na lang.” sagot naman ni Lyn.

“Sige, balik din kami agad!” - Jan

--------------------

“Ano kakainin natin?” – Jan

“Di ko din alam eh. Ikot ikot muna tayo.”

Andito kami ngayon sa cafeteria. Actually hindi naman ako nagugutom, sinamahan ko lang talaga si Jan.

 “Ay! Akin eh bread roll na lang. Ang sayo?” – Jan

Ay ano nga kaya? Hmmmm. Siomai na lang. Maiba naman ako.

“Siomai akin.”

Ayun. Bumili ako ng 4 na siomai since hindi naman ako nagugutom. Habang nakaupo kami sa table, kinekwento sakin ni Jan yung experience niya nung first day. At dahil puro kalokohan tong si Jan, tawa lang kami ng tawa. Pero dahil napalakas ata yung tawa ko, napatingin samin yung nasa likod ni Jan.

At yun. Na-speechless ako ng bongga.

Habang masayang kwento ng kwento si Jan, nakatitig lang ako dun sa guy na nasa likod niya. Kahit likod lang din niya ang nakikita ko, parang umiilaw ang mundo.

OMG. Nakahanap na ko ng reason para pumasok ng araw-araw.

Landi ko lang eh no? Hahaha. Walang basagan ng trip.

Ano kayang course nito? Lagi na akong kakain dito sa cafeteria. J

“Ay ay ay. Nakikinig ka?” – jan

“Ay sorry Jan! May iniisip lang ako. Ano nga uli yung sinasabi mo?”

Syempre ililihim ko muna ang pag-tangi ko kay guy-with-the-best-back. Baka kasi maudlot eh. Hahahha

“Uy balik na tayo sa room. Baka biglang may dumating na prof eh.” – Jan

Teka. Parang hindi pa ko ready. Hindi pa ulit lumilingon si guy-with-the-best-back eh.

“Ah ehhh...”

“Dali na. Tayo na.”

No choice na ko kundi sumunod. Sige na nga lang. Hay. Bye guy-with-the-best-back. Till next time...

At parang pinagpapala ako ni Lord, kasi bago ako pagkatayo ko, nalaglag yung panyo niya sa may likod niya. At syempre ang tendency nun, makikita ko ulit ang pes niya.

At parang nasa pelikula lang, slow motion yung pagharap niya.

At ako naman. Eto. *____*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hinahanap-Hanap Ko Si Ikaw <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon