*Daniella's POV*
Nandito ako ngayon sa school. Kilala ako sa school namin bilang isang fangirl ni Daniel Padilla ^____^ Nagtayo nga ako ng Fansclub ni Daniel e. Yay. Paano ko nga ba siya nagustuhan? Hihihi. Mamaya ko ikukwento sa inyo. Sa kasalukuyan kasi ako ngayong naglalakad papunta sa aming classroom. Maraming mga nakatingin sa akin habang ako ay naglalakad yung iba ay binabati ako dahil co-fangirl ko sila. Idol din nila si DJ. Pero yung iba naman masasama ang tingin sa akin. Ang ganda ko naman kasi. HAHAHA. Kahit tingnan nila ako ng masama wala akong pakialam sa nararamdaman nila. Hahaha. Basta kumakain ako sa tamang oras at hindi ako nawawalan ng time sa kaiisip sa asawa kong si Daniel wala akong pakialam sa kanila.
"Hi be. Kumusta?" Ang bati sa akin ng isa sa mga co-fangirl ko.
"Ice na ice lang naman be. Mamaya na tayo magchikahan. Late na kasi ako e. Labyu beb." Kiniss ko siya sa cheek. Sweet kasi ako sa mga co-fangirl ko. Itinuturing ko silang parang mga kapatid ko. Naalala ko nga pala late na late na ako pero kung lumakad ako parang ako ang boss. Hahaha.
Finally, nandito na rin ako sa room namin.
"Woah. Good Morning po. Sorry po kung nalate ako Ma'am hindi na po mauulit." Hinging paumanhin ko sa aming professor.
"Next time ayoko na ng nalelate ka ha." Ang nakataas na kilay ng prof ko.
"Yes Mam." Ang nakangiti ko namang sagot sa kanya. Masungit yung Prof namin na yun pero mabait din naman pag may time kaso laging walang time kaya laging masungit. Hahaha. May narinig naman akong nagbubulungan.
"Naku. Kaya lang nalate yan dahil sa kadedaydream sa baklang Daniel na yon." Kapag about kay DJ ang pinag-uusapan lumalakas at lumilinaw ang pandinig ko.
"Hey mga bitch. Hinihingi ba ni Ma'am ang opinyon ninyo? Wala kayong pakialam sa pagdedaydream ko kay Daniel kaya tumahimik kayo . Chaka hindi bakla si Daniel. Kayo lang ang mukhang bakla dahil sa sobrang KAPAL ng MAKE- UP mo! Ang mahina pero madiin kong wika sa kanilang mga nagbubulungan. Mga chismosa itong mga mukhang bakla na ito.
"May problema ba Ms. Valerio?" Ang biglang tanong sa akin ng aming teacher.
"Nothing Ma'am." Sabay ngiti kay Ma'am ng sobrang tamis at sabay tingin sa mga BITCH at inirapan ko sila ng bonggang-bongga.
"So, feeling mo kinaganda mo yang pagmemake up mo? Ang pangit mo teh. Kahit saang anggulo ko tingnan." HAHAHAHA. Natatawa naman ako sa itsura nila pagkatapos kong sabihin yan. Hahaha.
Kapag talagang si Daniel Padilla ang pinag-uusapan lumalabas ang pagkamaldita ko. Kaya wag na wag nila akong sinusubukan.
Kaboringgggggg.. Katagal naman kasing magturo ni Ma'am. Kapag ganitong bored na bored ako. Kukuha ako ng notebook at ballpen tyaka ako susulat sa likod ng notebook ko ng puro Daniel Padilla, I love Daniel Padilla <3 , DJsters <3 , Asawa ko si Daniel Padilla <3 He's my EVERYTHING. Ganyan ang ginagawa ko kapag nabobored ako sa klase. Pero wag kayo nakikinig din naman ako. Kaso minsan di na ako nakakapakinig dahil sa pag-iimagine ko kay Daniel Padilla. Hay! Grabe para siyang drugs. Nakakaadik.
Kailan ko nga ba nagustuhan si Daniel Padilla? Ay mali pala. Kailan nga ba ako NAINLOVE kay Daniel Padilla?
Nagsimula ang pagkagusto ko kay Daniel Padilla nung sa Growing Up. Grabe kahit papayat-papayat siya noon sobrang lakas naman ng dating niya. Ang gwapo-gwapo niya. Yay! Bago pa pala magsimulang ipalabas yung GU nag ASAP silang mga casts doon niya nakuha ang aking puso. Nung pinapananuod ko sila hindi na naalis ang tingin ko sa kanya. Dati di ko pa kilala si Daniel nasa Gimik 2010 na siya nun pero di ko pa siya kilala. Wala naman kasi akong hilig manuod ng TV nun. Kaya nung sa ASAP grabe napako na yung tingin ko sa TV tapos talaga nga namang sinubaybayan ko na siya dahil nga nabihag niya ang puso at mata ko. Wala pa akong alam noon sa mga Social Media chuchu na yan kaya naman hanggang panuod-nood TV lang ako. Lagi kong sinusubaybayan ang GU. Kinikilig kasi ako sa tambalan nila ni Kathryn Bernardo. Grabe! Gandang-ganda din ako sa kanya tyaka bagay sila ni Daniel. Pero feeling ko mas bagay kami ni Daniel e. Hehehehe. Balik na tayo. Kaya simula nun talaga nga namang sinubaybayan ko na si Daniel Padilla. Kaso hanggang panunuod lang ako ng TV. :(( Hindi ko pa siya nakikita sa personal. Kasi naman ang dami na niyang beses pumunta dito sa lugar namin pero yung parents ko hindi ako pinayagan kahit isama ko na yung mga kapatid ko ayaw pa din. Haaayss. Ang bata ko pa kasi nun. Kaya hanggang TV lang ako. Hanggang sa lumalaki si Daniel at tumatagal siya sa industriya mas lalo akong naiinlove sa kanya. Talaga nga namang nagpagawa pa ako ng Twitter para sa kanya. Syempre dahil din kay Sam Concepcion. Hehehe. Tyaka kay Kathryn. Pero di ko naman madalas magamit yung twitter ko kasi wala pa kaming Wifi nun. Ewan ko kung uso na ba dati yung wifi . Hahahaha. O masyado lang talaga akong late. Basta. Todo suporta ako kay DJ kahit sa tv manlang. Proud na proud nga ako sa kanya e. Kasi sobrang bait niya. Mapagmahal siyang anak at kapatid. Yung mga interview niya napapanuod ko yun. Yung interview ng Mama niya about sa kanya napapanuod ko yun kaya mas lalo akong humanga/nainlove kay Daniel dahil hindi lang siya magaling umarte, hindi lang siya gwapo bagkus isa din siyang mabuting anak,kapatid,kaibigan at artista. Hayy. Daniel Padilla talaga nga namang hulog na hulog na ako sa iyo.
"Ms.Valerio." natigil ang pagdedaydream ko ng tawagin ako ng professor namin.
"Yes Ma'am?" Naku! Patay. Nakataas na ang kilay ni Ma'am.
"Bakit ka natutulog sa klase ko?" Hala!
"Ma'am hindi po ako natutulog. Napapikit lang po ako dahil iniisip ko po kung papaano ko isosolve yung problem?" Hays. Sana maniwala ka.
"Problem? Hindi naman Math ang itinuturo ko Ms.Valerio kundi Filipino." Shemay! Filipino nga pala.
"Ay kaya nga po. Problem ko po hindi naman po problem sa Math or sa Filipino. Sorry po." Sana naman maniwala ito.
"Okay. Sa susunod ayoko ng ganyan ha. Late ka na nga hindi ka pa nakikinig. Okay pwede na kayong magmeryenda." Haaays..
Makapunta na nga sa canteen. Pupuntahan ko muna yung mga kaibigan ko. Yay! At magkukwentuhan kami about kay Daniel Padilla.
~Itutuloy...
#DJstersQuotes :
My Life without Daniel is like universe without earth, earth without sky, sky without clouds and clouds without water.©
BINABASA MO ANG
How to make Daniel Padilla fall inlove with a DJster?
Random"How to make Daniel Padilla fall inlove with a DJster?" Paano? Gusto mo bang malaman? Basahin mo na ito. //aylablabdj