Chapter I

33 0 1
                                    

First day of school. Excited ang lahat.

Kung titingnan mo ang bawat isa, hindi mo makikita kung sino ang nag ka-cutting class, ang ‘di gumagawa ng assignments, ang patulog-tulog lang sa klase at kung sino sino ang ‘nag-o-ober da bakod’. Sobra ang excitement na nararamdaman ng bawat isa.

Pero hindi si Franz.

Kainis talaga! Hmmpp!

Pano ba naman kasi, late na siyang nagising. Inalarm pa niya ang celphone niya para lang magising ng maaga. Kaso, nasobrahan ata siya sa excitement ng nagdaang gabi kaya sa sobrang excitement ay hndi na niya narinig ang pagtunog ng alarm clock.

First honor siya sa klase nila noong nakaraang taon. Mula grade I hanggang 1st yir hayskul.Pero kahit na siya ang pinakamatalino sa klase nila, hindi ordinaryo ang paglaki niya. Hindi kasi niya nararanasan ang buhay ng isang ordiaryong bata. Hindi siya nakakapaglaro kasama ng mga kaibigan niya sapagkat palaging libro ang kasama niya. Iyon kasi ang gusto ng mga magulang niya, pag-aaral lang niya ang pagtuuunan niya ng pansin. Sobrang taas ng expectations sa kanya dahil likas din ang pagiging matalino ng kanyang mga magulang. Ang gusto ng mga ito ay malampasan niya ang kanilang mga nakamit.

Mahiyain siya. Sabi nga ng kanyang guro noong siya ay nasa ika 6 na taon, “alam mo franz? Sayang ka e. Matalino at maganda ka, kaso napaka tahimik mo naman at napakamahiyain. Dapat matuto kang humarap sa mga tao na malakas ang boses at tuwid ang tuhod.”  

“Hay salamat, akala ko late na ko. Buti na lang mabait pa din ako kay Lord at di Niya ako pinabayaan."

Hindi na niya naayos ng mabuti ang itsura niya sa salamin dahil sa sobrang pagmamadali. Kaya hayun, dumating siya ng sakto sa oras.

“good morning franz! Akala ko hindi ka papasok! Handa na ang pagpapanobena ko e. Late ka lang pala. Hahahaha,” bati sa kanya ng mga kaklase niya.

“Oo nga e, kala ko din malelate ako, ung celphone ko kasi, hindi nag-alarm,” sagot nman niya. 

Pumasok na siya sa silid-aralan niya. Marami siyang nakitang di pamilyar na mukha. Marami din siyang nakitang mga mag-aaral na nakikita niya na noon.

Pero may isang taong nakakuha ng atensyon niya.

Nakatingin din ito sa kanya at saka ngumiti. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang ngiting yon. Noon lang kasi niya naramdaman ang ganoong pagbilis ng tibok ng kanyang puso. 

Natigil ang pag-iisip niyang iyon ng pumasok ang kanilang guro.

“Good morning. Natutuwa akong makita ang mga ngiti sa inyong mga mukha ngayon. Sa tingin ko ay magiging maganda ang 10 buwan nating pagsasama. Nais ko nga palang ipakilala ang aking sarili, ako si Ginang Lydia Samaniego, ang inyong guro para sa Araling Panlipunan. Ako rin ang inyong magiging tagapayo. Magsiupo na kayong lahat.”

“Maraming salamat po,” sagot naman nila.

Bumalik ang atensyon niya sa mag-aaral na ngumiti sa kanya kanina. Habang tinitingnan niya ito ay inisip nia kung bakit iba ang mag-aaral na iyon kaysa sa iba. Para bang may pwersang humihigop sa kanya upang tingnan nalang niya ang mag-aaral na yon. Ngunit pinigil niya ang kanyang sarili.

Baka naman kasi dahil hindi ko maalala ang lalaking ito kayagusto ko siyang tingnan.

"Sige, dahil sa hindi pa kayo magkakakilala, bibigyan ko kayo ng pagkakataon na magpakilala sa harap ng klase."

Ito na ang ayaw ko sa first day eh. Pagpapakilala. Ay! Nanlalamig nanaman ang kamay ko!

Natigil ang kanyang pakikipag-usap sa kanyang isip ng magsalita ang lalaking tinitingnan niya sa unahan.

“Magandang umaga sa inyo. Ako si Richard Jan B. Alcantara. Nice meeting you all.”

Hindi na siya naging interesadong making sa iba pang nagsasalita.

Richard pala ang pangalan niya. 

Natigil ang pagmumuni-muni ni Franz ng naramdaman niyang kinulbit siya ng katabi niya.

“Franz, ikaw na ang magsasalita.”

Nagulat siya ngunit dali-dali ding tumayo.

“Magandang araw sa inyo. Ako si Franzia Mari G. Soledad. Ikinagagalak ko kayong makilala lahat.”

Ngumiti siya at tiningnan ang mga kaklase niya. Nahagip ng kanyang mga mata si Richard na kasalukuyang nakangiti din sa kanya. Biglang nanginig ang kanyang tuhod kaya umupo agad siya.

Ano ka ba naman franz? Nginitian ka lang nanghina ka na? Ang babaw mo! Pramis! 

Sige sige. Hindi ko siya titingnan. Hindi ko siya papansinin. Hindi ko hahayaan ang sarili kong makita siyang nakangiti. Hindi kami magiging magkaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pahiram Naman ng Ballpen? :>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon