63 [N]

54 3 1
                                    

one day
[Hendery's P.O.V.]

Valentine, mukha kang baliw kasi tanong ka ng tanong na parang ngayon ka lang nabuhay sa mundo..

Sakto yung pagkadating natin dito sa bahay, kumkain sila ng tanghalian, at nandito yung fiancé ko, mga magulang nya at si mamang (lola ko).

Nagulat sila nang makita tayo..
"Hendery sino yan?" tanong ni mamang
"mamang, sya ho yung gusto kong pakasalan" sabi ko sa kanila habang hawak yung kamay mo

"Hendery.." napaiyak si Jia Li sa sinabi ko
"Guanheng! Magbigay respeto ka naman sa mga manugang mo" sigaw ni mamang

tumayo si Jia Li at lumapit kay Valentine, bigla nyang niyakap si Valentine, kitang-kita naman yung gulat sa mukha ni Valentine.

"Paano naman yung anak namin?!" tanong ng mommy ni Jia Li
"My, hindi po namin mahal yung isa't-isa, may iba po akong gusto" sagot ni Jia Li
"Anong pinagsasabi mo?!" tanong ng mommy nya
"si Yukhei po yung gusto kㅡ" sinampal sya ng mommy nya

"Mahal, wag naman natin kontrolin yung buhay ng anak natin" sabi ng tatay ni Jia Li sa asawa nya, at biglang lumabas ng bahay namin si Jia Li at sinundan naman sya ng tatay nya

"Hendery! Tingnan mo yung ginawa nyo ng babaeng yan!" sigaw ni mamang
binitawan ni Valentine yung kamay ko,
tumingin ako kay Valentine, umiiyak sya

bigla syang nag-bow para kay mamang
"Anak, wag kang mag-sorry, wala kang ginawang masama, walang mali sa pagmamahal" pinigilan ng Mommy ni Jia Li si Valentine.

"Lumayas kayo sa harapan koㅡ"
"Ma, mawalang galang lang ho, pero pwede ho wag nyong palayasin yung anak ko, bahay po namin ito. Kayo po ang kailangang umalis kung hindi kayo pabor sa desisyon ng pamilya namin" may ipinaglalaban si mama

Lumabas muna kami ni Valentine ng bahay kasi kahit ako hindi ma-process ng braincell ko yung mga nangyayari sa loob.

"wala pa rin akong naintindihan sa atin, Hendery" bigla syang umiyak, hindi ko pa sya masasagot ngayon kaya niyakap ko lang sya.

Love Wall  |  henderyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon