PROLOGUE

400 18 4
                                    

LISSY plugged her earphones to her mobile phone. Naglalakad na siya papasok sa school. She is seventeen, turning eighteen and already in her last year of senior high school. She has long black wavy hair, dark brown eyes, small nose, pink lips, slightly tanned skin, and average height. In short, she is just average and ordinary. Kaya nga hindi siya masyadong pansinin sa school nila.

She has a childhood crush, tho. Pero kaibigan lamang ang turing nito sa kaniya. His name is Sean Francisco, a varsity player, quite famous, also a member of the student council, and he is in the same year as her, pero STEM and strand nito samantalang ABM naman siya.

Nobody noticed her as she entered the school gates. Napahawak siya sa strap ng backpack at sumabay sa lyrics ng pinapakinggan niyang kanta, Rewrite the Stars by Zendaya and Zac Efron--one of her favorites. Biglang umihip ang malamig na hangin. She could smell the scent of the incoming rain. Napatingala siya sa dumidilim na mga ulap. Looks like, it is going to rain again. Wala pa naman siyang dalang payong dahil hindi siya mahilig magdala ng payong. Lagi lang kasi niyang naiwawala.

She sighed.

"Oh, well..." Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad. "Ouch!" sigaw niya at nilingon kung sino ang nakadumpog sa kaniya.

She saw a tall guy wearing a blue shirt, faded jeans, a pair of black vans, and carrying a black backpack. Nagpatuloy lamang ito sa paglalakad na tila walang nangyari.

"Wow. Hindi man lang nag-sorry," inis na sabi niya habang sinusundan nang masamang tingin ang papalayong lalaki.

He looked unfamiliar, must be a transferee, but that does not justify his rude behavior.

"So rude," she spat under her breath and resumed walking. Nagulat siya nang bigla itong huminto sa paglalakad, dahilan para mapahinto rin siya.

She swore, mahina lang ang pagkakasabi niya niyon kaya imposibleng narinig siya nito. Humarap ito sa kaniya. Natutop na lamang niya ang bibig nang makita ang itsura nito.

He is so handsome for goodness' sake.

Itim ang medyo may kahabaan nitong buhok, maputi ang balat, napakatangos ng ilong at mapupula ang mga labi. He even has a well-defined jaw line which clenched as he glared on her way. His messy bangs brushing the top of his eyes, slightly covering his thick, perfectly shaped eyebrows.

Medyo kinabahan si Lissy. He looked upset even though he was just glaring at her seriously.

Nagbawi siya ng tingin at nagpatuloy na lang muli sa paglalakad. Hindi na niya ito nilingon. She doesn't want to be in trouble. Medyo ninerbyos siya nang matapat dito, even though they are a good distance away from each other.

Hindi ito kumibo at nagpatuloy lamang din sa paglalakad pagkatapos siyang titigan. Nakahinga siya nang maluwag at binagalan ang lakad para mauna na ito sa kaniya. Pinanood lamang niya ito.

She also noticed that the students are becoming aware of his presence. Halos sabay-sabay na nagsisilingunan ang mga ito sa lalaki at tila kinikilig na napapatalon pa.

"Hay... I should probably get used to this kind of scene," sabi niya. If that new guy wasn't a jerk, he would have become one of her crushes aside from Sean. Sobrang gwapo naman kasi talaga nito.

"FRIEEEEEEND!"

Napangiwi siya sa sigaw ng bestfriend niya na siyang makakasalubong niya, si Maristela. They have been bestfriends ever since... they were born?

"Bakit ba? Ang ingay mo naman," reklamo niya rito.

"Nakita mo ba ang nakita ko?" excited nitong tanong.

"Alin sa mga nakita ko?"

"'Yung alam mo na!"

She scowled at her. "Ano nga?"

Lost Realm: The World of Magical CreaturesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon