CHAPTER TWO

87 34 6
                                    

GUSTONG-gusto nang sitahin ni Lissy si Zak dahil abot ang masasamang pagtitig nito sa kaniya kanina pa mula sa meeting hanggang sa classroom nila. He had been glaring at her the whole time even during their classes.

"Friend, kanina ka pa tinititigan ni Zak. Bakit kaya?" takang tanong din ni Maristella. Hindi na rin pala nito naiwasang pansinin ang tungkol doon.

"He's probably trying to murder me with his death glare," sagot niya.

"Baka naman type ka niya."

Hinila niya ang buhok nito.

"Aray!"

"Naku tigilan mo ako sa mga ganyan, Stella, ha. Hindi kita isasama mamaya," inis na banta niya rito.

"Ito naman nagbibiro lang, e."

"Ayaw ko ng mga ganyang klase ng biro lalo na kapag sa lalaking 'yan." Nababanggit pa lamang ang pangalan ng lalaki ay kumukulo na ang dugo niya.

Ngumisi muli ang kaibigan. "E, sino ang gusto mo? Si bebe Sean mo? Ehe! Araykupu! Napakamapanaket mo, friend!" Hinimas-himas nito ang pinalo niyang braso.

"Stop it already. You're making me feel embarrassed!" saway rito ni Lissy.

"Oo na, oo na," natatawang sang-ayon nito.

Umayos na silang dalawa sa pagkakaupo. They are just waiting for their next teacher, tapos ay lunch break na.

"Pero bakit nga kaya ganoon na lang kung titigan ka ni Zak, ano? Parang ang laki ng galit niya sa'yo." Muling tanong ni Maristella.

"He's even giving me lots of haters. Look at our classmates. They never talk to me again because of him."

"Hayaan mo na 'yang mga 'yan. Hindi naman papalag sa'yo ang mga 'yan, e."

That's true, though. Another reason as to why she wasn't kicked out of the student council is that, she is the daughter of one of the school directors. At siya ring major stock holder ng Foundation na siyang sakop din ng school na iyon.

"Still, I don't like being hated. I'd rather get ignored," katwiran ni Lissy.

"Sabagay, sabagay."

"Good morning, class," bati ni Mrs. Lopez, siyang Science teacher nila na kararating lang.

Tumahimik na silang dalawang magkaibigan. Ngunit habang nagkaklase ay ramdam na ramdam pa rin ni Lissy ang mabibigat na titig sa likuran niya. Zak is sitting on the other row, at the rear side of the classroom. She just wished that he would quit glaring at her.

Pagkatapos ng klase ay isininop na nila ang kanilang mga gamit. Students began to vacate the classroom.

"Bilisan mo. Hinihinitay na tayo ni Sean sa gate," sabi niya kay Maristella.

"Oo, eto na, saglit lang, wait!"

"Bagal mo naman kasi---" she stopped. She just heard someone's footsteps coming. Nilingon niya ang pinanggalingan at nakitang papalapit si Zak sa upuan nila.

She unconsciously moved back, feeling wary. "Do you need something?" malamig niyang tanong.

Nagtaas din ng tingin si Maristella sa lalaki. At sa puntong iyon, bigla na lamang itong dumiretso ng tayo at iniwan siya bitbit ang bag nito.

"T-Teka---hoy! Stella, sa'n ka pupunta?" tawag niya rito.

"Elizabeth."

"Hay naku talaga 'yong babaeng iyon," inis niyang pakli habang sinusundan ng tingin ang kaibigan na walang-lingon lingon na lumabas ng classroom. "Ano'ng problema nun?"

Lost Realm: The World of Magical CreaturesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon