Sayo

7 1 0
                                    

Sayo.

hindi ko lubos maisip na mangyayari ito sa akin.
ni sa hinagap ay hindi sumagi na ito'y aking daranasin.
nais kong humingi ng paumanhin sa aking malabong pasyahin.

ako'y nagsisisi sa pabigla biglang bugso ng damdamin.
hindi ko namalayang unti unti ka ng nawawala sa akin.
aaminin ko, hindi ito naging madali para sa akin.
doon ako nagising sa katotohanang, hindi ko pala kayang mawala ka sa akin.

kahit itangging kaya kong mawala ka sa akin,
alam kong sa puso at isipan kong ikaw pa rin ang hahanap-hanapin.

batid kong hindi man maganda ang nangyari sa atin,
hindi naman ako magtatapos ng hindi nagagawa ang mithiin.
gusto ko lamang iparamdam sayo na malinis itong hangarin.
kaya aking hiling ay pagbigyang muli itong aking balakin.
nawa'y hayaan mong maibulalas itong aking damdamin.

hindi man madali ito para sa akin,
na itago pa itong aking damdamin.
sa bawat na araw na lumilipas sa akin,
mas napapatunayan kong ikaw talaga ang sigaw ng damdamin.
kaya bago pa man matapos itong aking saloobin,
gusto kong malaman mong....

sayo, ko natagpuan ang mga bagay na akala ko'y hindi ko hahangarin.
sayo, ko gustong unang sabihin kapag ako ay may suliranin.
sayo, ko gustong sumabay uminom ng mainit na kape paggising.
sayo, ko gustong iparamdam lahat ng pagmamahal na mayroon para sa akin.
at sayo, sayong piling ko gustong tumanda maging sibangot man o nakangiti.  ❤️

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon