Dali dali akong pumasok sa elevator bago pa ito tuluyang magsara, alam kong nakatingin ang dalawang babae na kasama ko sa loob ng elevator dahil sa nanggagalaiti kong ekspresyon na mababanaag sa aking mukha pero di ko na sila pinansin pa. Hell! Gigil na gigil talaga ako sa lalaking iyon, sino ba sya sa tingin niya para paglaruan ang buhay ko.
Nang bumukas ang elevator sa tamang palapag ay halos takbuhin ko na ang distansya mula sa pinto ng kanyang opisina.
"Goodmorning Ma'am" bati ng kanyang sekretarya, sa init ng ulo ko hindi ko na sya binati pabalik, hindi niya rin ako inawat nang lumampas ako sa desk niya para sa office. Pero bago ko pa mahawakan ang door handle para sa office ng lalaking yun ay napatigil ako, binigyan ko ng 'hindi-mo-ba-ako-pipigilan' na tingin ang sekretarya, at binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti. Tangina, oriented para sa galit kong pagbisita.
Dumoble lang ang gigil ko nang buksan ko ang darkshade glass door ng kanyang punyaterang amo, kung saan ang isang Leviticus Vin Sarriego ay parang hari sa kanyang swivel chair at parang kanina pa naghihintay, umalis siya sa pagkakasandal pero nanatiling nakaupo at nakatingin sa akin. Halos magkalebel lang ang mga mata namin kahit naka upo pa siya
"Baby" hindi ko pinansin ang endearment niya sa akin, nilapag ko sa desk niya ang isang folder na may lamang mga papel sa paraang mararamdaman niya ang galit ko. Tiningnan niya lang ito sandali at nakipagtitigan muli sa akin.
"I miss you" hindi maipagkakaila ang lambing sa boses niya, but no thanks, learned my lesson the hard way.
"Fuck you!" sambit ko sa pinakamalutong na paraan.
Napapikit siya ngunit agad din dumilat at sinalubong ang titig ko
"Baby, calm down.""Anong ginawa mo Sarriego?" kalmado pa ang paraan ko ng pagsasalita ngunit maririnigan ng nagngi-ngitngit na galit.
"The agreement Asya."
"What the fuck? Anong agreement ang pinagsasabi mo?"
"Baby, can you please sit down first? You're panting, you want water? Yeah, you need water-"
Bago pa man siya makatayo ay pintulol ko na ang sasabihin at pati ang dapat na pagtayo nito ay hindi natuloy.
Kung hindi lang ako immuned sa paraan kung paano niya banggitin ang bawat salita, malamang na kanina pa ako nagpauto sa kanya, kung magiging marupok ako at magpapadala sa nanghihipnotismo niyang asul na mata at nangaakit na ngiti, siguradong kanina pa ako bumigay sa katarantaduhang ginawa niya, pero hindi, hindi ako tanga.
"Answer my fucking questions! I'm so tired of your games!"
Seryoso man ay mababakasan pa rin ng pag-iingat sa mukha at boses niya.
Tangina niya 'di ko kailangan ng pag-iingat niya."Im just gladly fulfilling a promise we made. Break up with me, we'll get married. Remember?" Masuyo niyang paliwanag. He's still sitting like there's nothing to be worried of, habang ako ay sasabog na sa galit at inis.
Because of too much anger I leaned forward pressing both my hands against his desk, look directly in his eyes kahit nakaka-intimidate "ALL I CAN REMEMBER IS THAT I HATE YOU! WHO THE HELL IN THE WORLD TOLD YOU THAT I WANT TO MARRY YOU?! YOU MADE ME MARRIED TO YOU WITHOUT MY OWN DAMN CONSENT! I DON'T KNOW HOW YOU EVEN MANAGE TO DO THAT BUT FUCK YOU I DON'T WANT ANY OF THIS" hindi ko na kayang kimkimin ang galit ko lalo na pag-naaalala ko kung paanong nakita ko na lang ang pangalan ko sa isang Marriage Certificate, with my own signature on it, at wala akong maalalang may pinirmahan akong isang pirasong papel na may bold heading na MARRIAGE CERTIFICATE, tangina, wala.
Siya naman ang tumayo without breaking our eye contact he leaned closer to my face, hindi ako lumayo, hindi ko ipakikita sa kanyang kinakabahan ako sa kabila ng galit ko.
"I won't ever say sorry for keeping a promise of marrying you Mrs. Arizeah Cresent Villamor-Sarriego" sinabi niya sa mas seryosong paraan before he got rid of the space between our lips.
BINABASA MO ANG
How I Made Her Mine
RomanceHow does it feels like to be married willingly? I don't know, maybe I'll never know.