Chapter 2

20 1 0
                                    

"Siya nga iyan"

Sabay naming tinakpan ni Ally ang aming mukha gamit ang hawak naming Menu ng sumulyap malapit sa amin ang nasisiguro kong si Levi.

"Oo nga no, iba ka talaga kahit nakatalikod kilala mo, 'di naman obvious na patay na patay ka" may kalakasang bulong sa akin ni Ally

"Grabe naman sa patay na patay, crush ko lang kaya syempre lagi kong pinagmamasdan" depensa ko

"Ang creepy mong stalker, umorder na lang tayo, tsaka ibaba mo narin yang Menu mukha ka ng tanga"

Pagpasok na pagpasok pa lang namin ni Ally sa Coffee shop ay siya agad ang una kong nakita, ang likod niya, diretsong-diretso ang pagkakaupo at nakikipag "date" sa isang babae, parehong nakauniporme ng School namin, kami rin naman, kadalasan kasi talaga ng customer dito ay estudyante ng Asturias Municipal College dahil malapit lang ito sa Campus. Kaya hindi totoo ang paratang na sinusundan ko si Levi.

Hindi siya kilalang playboy, hindi ganun ang reputasyon niya sa School pero marami siyang babae.

"Alam mo Asya, Oo gwapo siya, malaki ang chance mo dahil maganda ka pero sasaktan ka lang nyan, para namang hindi ko kilala yan" pasimula nanaman ni Ally habang kumakain kami at binigyan ng sulyap ang malayong banda nina Levi.

"Alam mo Ally, Oo alam ko maganda ako, pero hinahangaan ko lang yan, wala pa akong plano makipag-relasyon at hindi siya ang tipo ko kung makikipag-commit ako ano"

"Buti naman, malakas kasi feeling ko sasaktan ka lang nyan, baka mabatukan ko pa yan."

"Hindi ah, pero mahirap hindi hangaan eh kasi matalino, misteryoso, gwapo at matikas. Ang hirap isipin na kayang iposses ang lahat ng iyon ng isang tao"

"Yucks!" Tanging komento ni Ally

Medyo Ideal nga ang Levitico na iyon, kaya lang hindi siya Ideal na maging kasintahan, medyo may pagka-seryoso pero babaero kung iisipin mo, halos Linggo-Linggo ko siyang nakikitang iba-iba ang babae. Pero hindi nahaluan ng salitang playboy ang reputasyon niya. Siguro dahil siya naman ang hinahabol ng kababaihan o sadyang natatabunan na lang ito ng magaganda niyang katangian.

First year College kami ni Ally Im taking Marketing Management samantalang ang kaibigan ko ay Business ad, hindi rin nagkakalayo kaya madalas kaming magkasama ng subjects.

"You know what, maybe we should go for a shopping later"

"Wala na akong sobrang pera, for school stuffs na lang ang natira" pagsisinungaling ko kahit may excess pa naman sa aking allowance, pero who knows baka kailanganin ko rin

"Libre na lang kita" tawad ni Ally

"Maybe next time sa susunod kong allowance alam mo naman, hindi kayang sabayan ang paggasta mo. Anyway, kailangan ko rin pumunta sa Field, dun kami magkikita ng mga kagrupo ko sa isang subject"

"Alright, alright. Pero next time ha, feeling ko kailangan ko na talagang makapagpa-facial."

Hindi kami mayaman, may kaya lang pero hindi mayaman. Samantalang ang mga magulang ni Ally ay may-ari ng isang malaking planta ng asukal, at may malawak na lupain ng mga tubuhan at iba pang pang pwedeng itanim na pagkakitaan. Kaya hindi ko talaga kayang sabayan ang paggasta niya.

Naghahanda na kaming umalis, katatapos lang i-text ni Ally ang driver nila at magpapahatid na pauwi, samantalang ako ay papunta naman sa meeting place ng aming grupo

"Magpapahome service na lang ako ng facial, 'di ka rin naman sasama sakin sa salon eh"

"Next time Ally the clingy, alam mo naman, 'di ko 'to pwede ipagpaliban masusungit ang mga kagrupo ko"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How I Made Her MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon