<Ali's POV>
-May 23 ,2008-
-Day 1-
"Handa ka na ba pare ngayong wala na ang girlfriend mo?" Tanong sa akin ng kaibigan kung si Mike habang medyo seryoso ang tingin sa akin.
Hanggang ngayon hindi ko pa din maintindihan kung bakit kailangan nilang pumunta ng ibang bansa ng pamilya niya ng ganito kaaga pero para sa akin, hindi naman siguro problema yon para sa amin. We've encountered to many obstacles together but still, we are standing strong for 2 years. Kaya magiging madali lang siguro ito para sa amin.
"Sinabi na naman niya sa akin na posibleng mangyari nga ito pero ang para sa akin naman, ayos lang dahil pangarap din naman niyang pumunta at doon magtrabaho sa ibang bansa. Bakit ba ako magiging malungkot dahil sa nangyaring pag-alis niya kung pwede namang sumunod ako pagdating ng panahon?" I asked and I looked at nowhere,"Hindi ako pwedeng maging hadlang sa mga pangarap niya. Dapat ako pa yung katulong niya doon." Dugtong ko.
"Basta kung kailangan mo ng tulong pare, I am here. Sige, mauna na ako, may pupuntahan pa ako eh." Pagpapaalam niya sa akin.
Umalis na siya at ako naman ay nanatiling mag isa sa bahay namin ng walang ginagawa. Hindi ko din alam kung ano ang mga pwedeng gawin dahil sa mga oras na ito ay magkasama kami ng girlfriend ko.
"This day is really boring. Sana matapos na itong araw na ito. I miss her already."
-May 24, 2008-
-Day 2-
*No message receive from Beyb <3*
Baka hindi pa sila nakakauwi sa bahay ng tita niya doon? O baka naggagala pa sila. Mag leave na lang muna siguro ako ng message.
Messenger:
Beyb <3
Me: Magchat ka pag nakauwi ka na ha? Ingat ka diyan at Enjoy.... Miss na agad kita :( Wag kain ng kain baka tumaba ka na ^_^<3
Sent: 10:04 AMActive 23 hours ago siya. Malapit ng mag isang araw. Siguro nga naggagala pa yung mga yon. O baka busy sa mga tita niya doon. Hindi na alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Doon muna kaya ako kina Mike? Walang wala akong magawa sa bahay namin dahil nasa ibang bansa ang parehas kung parents. Yung dalwa ko namang kapatid, isang lalaki at isang babae, lagpak pa din sa kama hanggang ngayon.
1:05 PM
Nakarating na ako sa bahay ni Mike ng hindi ko sinasabi sa kanya. Sanay na din naman siya na ganito ako. Medyo may kalayuan sa bahay namin kaya kinailangan kung magmaneho para makarating agad.
"You are here Big Ali!" May biglang yumakap sa akin kaya agad naman akong napalingon. "I miss you!" He continued.
Si Little Ali pala. Younger Brother ni Mike. Miss ko na din itong batang ito. At plus, ang hilig niyang mag-english. 3 months na ata kaming hindi nagkita ng batang ito. Niyakap ko din siya ng mahigpit.
"Big Ali, what makes you come here? I miss you so much." Sabi niya habang nakayakap pa din sa akin.
"Miss na din kita kaya ako pumunta dito eh. By the way, where is your older brother? I want to talk to him." Sabi ko sabay lagay ng kamay sa magkabilang bulsa.
"He is inside, washing the dishes, I think?" Sabi niya pero hindi siya ganon ka sigurado doon. "Come inside. Lets play games on my computer? Do you want? I think you feel bored today. And I also feel the same." Dugtong niya habang hila-hila ang kanan kung kamay papunta sa loob ng bahay nila.
BINABASA MO ANG
Missing You Since Day 1 to Day 365
Teen Fiction"Time is the longest distance between two places." - Missing You Since Day 1 to Day 365