ITS HARD TO BELIEVE THAT WE ARE BESTFRIEND.
Why? kasi magka opposite kami ng pag uugali. if i said opposite. magka baliktad na magkabaliktad.
gusto ko, ayaw niya.
that simple. pero okay lang. BESTFRIEND ko siya, anong magagawa ko.
kaylangan ko siyang patawarin kahit ano pang kasalanan ang magagawa o nagawa niya sakin.
mapapatawad ko siya. kasi MAHAL ko siya. . . SOBRA SOBRA. Bestfriends nga diba?
pero kung akala niyo walang problema sa pagitan namin. jan tayo nag kakamali.
2 months ago. nagka boyfriend siya. si James, sino ba namang makakatanggi sa charms ng isang Heartthrob, Famous, Handsome and every girls dream na si James de Cuesta. eh, kahit nga ako siguro mahuhulog sa charms nun. papakawalan ba naman ng bestfriend ko. Chance niya na yun.
two months ago. simula noon, hindi na kami nag papansinan. hindi ko alam kung bakit. at hindi niya din nasasabi kung bakit.
space lang siguro ang kaylangan niya, sasabihin niya naman din kung handa na siya. basta Bestfriend ko parin siya.
*toot toot*
nag ring ang phone ko sa gitna ng pag dradrama ko. pss, PANIRA naman to.
(BESTKAYE!)
huh? si Kaye. bakit naman kaya.
"h-huuh. ba-bakit?" biglaan siyang tumawag. hindi ko inaasahan to. kanina iniisip ko lang kung pano kami mag kakaayos. baka ito na to. I think this is the chance.
"we need to talk" plain niyang pagkasabi.
"ngayon na ba?" tanong ko. Alam kong sa tono ng Boses ko nandun ang pinaghalong saya at excitement. Ngunit hindi ko parin mapigilang hindi makabahan.
"oo, sa park" sagot niya. at tinapos niya na yung call. Ganun lang kabilis?
Kinakabahan akong lumabas ng bahay at pumunta ng Park kung saan ang tambayan namin,at kung saan kami nagkakilala 4 years ago.
dito nag simula ang lahat, at sana hindi naman dito mag tapos.
naka yuko siya, alam kong umiiyak siya dahil naririnig ko ang bawat hikbi niya.
niyakap niya ako.
"sorry, Im sorry" yan nalang ang naririnig kong sinasambit niya habang umiiyak.
niyakap ko rin siya pabalik. Ang saya ko nayakap ko na ulit siya ng ganito. I miss her so much.
"ano ka ba. okay lang yun." Sabi ko, pinipigilan ko ang aking Pag luha. tinanggal niya ang kanyang yakap at ngumiti.
"sorry talaga Annie, alam mo namang mahal ko siya diba. at wala man kahit sino ang makakapigil nun. alam mo yun diba? sorry talaga. im sorry, hindi ko sinasadya"
ano ba to. makulit forever. pero mahal ko naman forever. As a bestfriend and sister.
"kaye, okay na diba? bati na tayo. tama na yung sorry, okay na. promise." sabi ko sa kanya. at nginitian siya.
"and because of that, i have something special for you, sort of special gift for the most special person in my life." naecxite naman ako dun kaya nginitian ko siya kahit hindi ko pa alam yung gift niya.
nilabas niya ang isang necklace na may pendant na angel na may hawak ng rose. Nagulat ako ng ilabas niya ito. Ang ganda talaga, sa unang tingin ko palang alam ko ng yang bagay na yun ay kaiingat-ingatan.
"hala, sorry. wala akong gift sayo. hayaan mo, babawi ako sa gift ko sayo. promise." sabi ko. nakakahiya naman sa bestfriend ko. may gift siya sakin tapos ako wala akong gift sa kanya. and to think that monthsary pa pala nila kahapon ni James.
"hindi na. okay na kahit wala na akong gift. ikaw naman, sanay na ako sayo no. ikaw pa" actually, hindi talaga ako mahilig sa gifts. hindi ako mahilig tumanggap at mag bigay ng gifts.
"talikod ka, ilalagay ko sayo to. bagay talaga sayo"tumalikod ako at hindi nalang nagsalita habang nilalagay niya yung necklace.
habang kinakabit niya yung necklace, hinawakan ko yung pendant. silver na angel na may hawak na rose. ang cute.
"alam mo bang pinasadya ko pa yan para sayo, kaya special yan. at special ka din"
"ano ka ba Kaye, sigurado akong mahal to. alam mo wag mo ng uulitin to. okay naman sakin kahit yung pinaka simpleng regalo nalang ehh. alam mo namang kahit ikaw lang masaya na ako. hindi na kaylangan ng ganito"
"sorry talaga best" sabi ulit niya.
"kaye. okay na yun, wala na yun. past na yun. okay?"
15 seconds. . .
20 seconds. . .
1 minute. . .
hindi pa siya nag sasalita. pero alam kong nasa likod ko lang siya. i can feel her.
tumalikod ako. . pero sana hindi nalang ako tumalikod. pinag sisisihan kong humarap ako sa kanya. Pinagsisisihan kong masasaksihan ko ang gagawin niya.
si kaye. may hawak na baril. at naka tapat mismo sa puso ko. Napaluha nalang ako dahil hindi ko alam ang gagawin.
huli na ang lahat para pigilan ko siya. ang sumunod na alam ko lang. nakahiga na ako sa harap niya.
"Bakit ?" yan nalang ang salitang lumabas sa labi ko. nagsimula na siyang umiyak.
"alam mo namang walang makakapaghiwalay samin ni James diba, kahit ikaw annie. hindi mo kami mapaghihiwalay. alam mo bang simula palang ikaw na ang mahal ni James. inamin niya sakin lahat. alam mo bang sobrang nasaktan ako. mahal na mahal ko siya. pero hindi ko kayang mawala siya at hindi ko kayang sayo lang siya mapupunta. sorry bestfriend" tinutok niya sa ulo niya ang baril. hindi ako makagalaw. ni hindi ko masabing wag niyang saktan ang sarili niya.
"mahal na mahal kita Annie. Sorry sa lahat" bago pa ako mawalan ng hininga, narinig ko nalang ang malakas na putok ng baril, at naramdaman kong tumumba ang katawan ni Kaye sa Tabi ko.
Kaye. hindi ko alam. Patawad. Hindi ko alam, hindi ko sinasadya. SORRY.
*Fin*