Chapter 1: Wish

61 0 0
                                    

"kuya ketchup alin dito ang mas maganda? Itong White o itong Pink na dress?" sabi ng kapatid ko na si hana

nandito siya.. Magkasama sila..

"uy.. Kuya!! Ano ba? kailangan ko ng suggestion mo"

masaya sila.. MASAYANG MASAYA

"kuya!"

"yung black" sabi ko na lang

"BLACK? wala namang black dito ah? Anu ba kasing tinitign-- so.. Nandito pala sila? Kuya pwede ba hayaan mo na lang sila. Masaya na sila! pwede ba alalahanin mo naman yung sarili mo? Alam ko mahirap magpanggap na masaya ka, alam ko gabi-gabi kang umiiyak at naglalasing sa loob ng kwarto pero kuya.. Kapatid mo ako" sabi niya na parang paiyak na

"sorry hana"

"tara na nga kuya! Alis na tayo nasira na kasi yung araw ko eh kainis!"

"sorry.. sorry ulit"

"hayys! Tama na nga yung sorry mo kuya.. Tara ilibre mo na lang ako ng choco frapp" sabi niya sabay higit sa akin palabas ng botique

"salamat kaya love na love kita eh" sabi ko sabay gulo ng buhok niya

"aah!! Kuya yung buhok ko"

hayy.. Sana.. SANA ganun lang kadali makalimot.. Sana ganun lang kadali magpanggap na okay ka sa harap ng marami. Sana.. Ganun lang kadali ipakita na hindi ka nasasaktan sana.. Ganun lang kadali ipakita na hindi ka naaapektuhan sa nakikita mo"

kaso.. Hindi eh HINDI BASTA BASTA GANUN LANG YUN

lalo na kung mahal na mahal mo yung isang tao.

Na ngayon.. Nakikita mong masaya sa piling ng iba..

Ako nga pala si Keith 

martin ramirez but you can call me "KETCHUP" at ako ay isang TALUNAN sa pag ibig. Hindi ko maintindihan kung bakit pagnagmamahal ka, kailangan mo pang masaktan. Ginawa ko naman lahat pero hindi ko pa rin nakuha ang taong pinakamamahal ko.

Masakit.. Masayadong masakit. Dapat ba pagnagmahal ka kailangan laging katulad ng fairytale na kung sino ang unang nakilala at minahal SIYA NA? Hindi ba pwedeng magloko naman sila kahit minsan?

Saksi ang kapatid kong si Hana sa lahat ng bagay na ginawa ko at isinakripisyo para sa taong kaisa-isa kong minahal at sineryoso.. Si "RAIN" at taong pinili niyang mahalin ay walang iba kundi ang pinakamatalik kong kaibigan.. si REIJIE.

Dati kaming magbestfriend ni reijie nasira lang yun dahil sa nagmahal kami sa iisang babae.

Nandito kami ngayon sa mall ni hana dahil nagpapatulong siya na pumili ng damit para sa birthday ko. Astig nga eh ako ang may birthday pero siya ang abala na maghanap ng damit.

Pagkatapos namin kumain at mamili umuwi na din kami kaagad para makapag ayos at makapaghanda na para sa party mamaya

"ketchup my dear, are you ready?" sabi sakin ni mommy

"yes mom, just a couple of minute pa"

"okay dear, basta bilisan mo dyan ha? May mga ipapakilala pa ako sayong mga babae mamaya sa baba"

"mom di ba sabi ko naman sayo ayos lang ako?" 

"pero dea-"

"mom please"

"hayy okay dear.. you won sige,  basta bilisan mo na dyan ha? Para makapagstart na tayo"

"i will"

tapos nawala na si mom sa labas ng pintuan ng kwarto ko

hayy.. Parang hindi ko naman ramdam yung birthday ko, wala na kasi yung pinakagusto kong regalo sa lahat napunta na sa iba

pumunta ako sa bintana at tumingala para makita kung marami bang stars ngayong gabi

*shiing..

"shooting star!" 

sige dahil nandito na rin, susubukan ko na humiling kahit imposible pa na mangyari ang wish ko

"sana.. Ako na lang mahalin ni rain.. Sana mapansin niya ko.. Sana ako na lang ang nagustuhan niya.. Sana AKO NA LANG"

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at sa pagdilat ko..

*craccck!

What the? O_O may bumato sa bintana ko?

Pagsilip ko sa baba mula sa bintana ko.. wala namang tao? Pagtingin ko sa bagay na binato isa yung bato na may nakatali na papel. Binuksan ko yung papel at ang nakalagay..

"7 ways how to get her Back"

to get her back? Ayos din ng shooting star na yun ah. Ang bilis ng response

binuksan ko na yun at binasa ang nilalaman..

"1. First of all you must Change yourself"

CHANGE MYSELF?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Now Its My TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon