Chapter 1

4 0 0
                                    

Aiden/Ice POV

Pumunta ako sa tapat ng hotel tulad ng napag-usapan namin. Pero pagdating ko tila inip na inip na ang dalawa.

"Ano ba naman yan Ice, kanina pa kami dito saan ka ba galing?" Naka busangot na ang dalawa kaya bahagya akong natawa. Nakasuot na sila ng swim suit pero ako ay normal na pambahay lang.

Nasanay na sila sa pagtawag sa akin ng Ice. Kasing lamig ko daw kase ang yelo. Ewan sa mga yan pero sila lang naman ang tumatawag sa akin nun.

"May pinuntahan lang" nakangiti kong sabi.

"Jusko Ice, halata nga" pairap na sabi ni Cassy habang nakatingin sa manggas ng damit ko na may natira pang kaunting dugo.

"Sinusundan ka nanaman nung lalaki?" sabi din ni Micah pero nagkibit-balikat nalang ako. Lagi kaseng nangyayari ang ganitong senaryo kaya nasasanay nalang sila.

"Tara na nga at gusto ko na maglangoy" sagot ko sa kanila kaya naman nagliwanag ang kanilang mga mata.

"Oh bakit?" Tanong ko sa kanila

"Seryoso? Sasama ka sa amin maligo ngayon?" Sabi ni Micah kaya naman tumango akong may kasamang kaunting ngiti na siyang dahilan kung bakit sila nagsitalunan sa sobrang tuwa.

Sanay kase sila na sa tuwing magbabakasyon kami sa isang beach ay lagi lang akong nakatambay sa tabing dagat.

"Yeheyyyyy" sabay nilang sigaw kaya napangiti ako.

Pagkadating samay tubig ay tila mga bata silang naglalaro. Habang pinagmamasdan ko sila ay sobrang saya ako dahil sa kabila ng mga problemang pinagdaanan namin ay hindi sila sumusuko at patuloy lang lumalaban sa mga hamon sa buhay.

"Ano Ice? Tatayo ka nalang ba diyan? Akala ko gusto mo na maglangoy?" Sabi Cassy kaya naman tumakbo na ako papunta sa kanila at nagtampisaw sa dagat.

Kaibigan ko na sila simula pagkabata. Magkaibigan ang mga magulang namin kaya naman talagang ito ang nakatadhana sa amin. Pinayagan kami ng mga magulang namin na tumira sa iisang bahay para naman daw matuto kaming maging independent. Ayaw din nila na magdala ng mga katulong para masanay kami sa gawaing bahay.

"Waaahhhhhhhh" sigaw ko at dinambahan ang dalawa.

"Andto na ako, humanda ka Ice! Dalawa kami isa ka lang" ngiting-ngiti na sabi ni Micah

"Ang daya niyo, pinagtutulungan niyo ako eh" nakanguso ngunit masaya kong sabi.

Halos kalahating araw kaming nagbabad sa tubig at talagang halata sa mga mata nila na masaya sila.

"Hayysttt tara na nagugutom na ako" Aya sa amin ni Cassy.

"Lagi ka naman gutom" sabay naming sabi ni Micah kaya nagkatinginan kaming dalawa at sabay na sabay tumawa ng malakas.

"HAHAHAHAHAHAHAHA"

Masaya kaming umakyat sa aming kwarto para magbihis. Habang naglalakad ay puro kami kaingayan kaya kung minsan ay may mga taong patingin tingin sa kinaroroonan namin.

"Napansin niyo ba yung babae kanina?" Nakabusangot at biglang seryoso na sabi ni Cassy

"Isa lang ang masasabi ko, GRABE!" sagot naman ni Micah na tila may kaunting inis din.

"Ang lakas ng loob niyang lumandi sa harap pa mismo ng maraming tao" sagot naman ni Micah. Allergy talaga ang mga ito sa ganoong uri ng babae. Hindi lang pala sila dahil ako rin. Hehe.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nothing Is ImpossibleWhere stories live. Discover now