Chapter 1

253 3 0
                                    

This is a work of a fiction names, characters, businesses, places, incidents and events are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative work or exploit the contents of this story in any way. Please obtain PERMISSION!

NO SOFT COPIES!!!!!!!

----------------------------------------------
-----------------------------------------

2 weeks ago...

"Papa!" I cried. Nakita ko kung paano siya nabaril.

"Let's go, Darcy!" Hinila ako ni Tony palayo kila Papa. I heard multiple gun shot inside.

"Tony please! I need to save my Papa!" Sabe ko habang kumakawala sa hawak niya.

"No! We're not going back inside!" His voice is full of authority.

"Ayun sila! Bilis!" Napalingon kame pareho sa likod. Nakita ko ang mga lalake na humahabol sa aming dalawa.

"Shit!" He cursed. Hinila niya ulit ako at tumakbo kame.

"Tony wait! Baka mapilayan ako!" For Pete's sake naka heels at long gown ako!

"We don't have time to walk right now!" Sabe niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon pero ang tanging naiisip ko lang ay ang balikan si Papa.

"Aray!" Nadapa ako. Nakaramdam ako ng sakit.

"Tony, I think na sprained ang ankle ko" Umiiyak na ako ngayon.

"Ah fuck! Can you walk?" Tanong niya. Umiling ako.

"I don't know. Sobrang sakit" Iyak ko. Lumingon siya sa paligid.

"There" Tinuro niya ang puno ng narra.

"Bubuhatin kita, okay? Magtatago tayo" Sabe niya. Tumango ako sabay kapit sa kanya. Nagtago kaming dalawa sa likod ng puno. Gabi na at madilim sa parting ito.

"Ano? Nasaan na?!" Nakita namin ang anim na lalakeng may hawak na armas.

"Shhh, don't move and be quiet" Bulong ni Tony.

"Hindi pwedeng makatakas ang dalawang yon! Mga tanga talaga kayo!" Sigaw ng matipunong lalake.

"Pero boss! Saan natin hahanapin ang dalawa? Masyadong madilim sa parting ito at puro puno na! Sa tingin ko ay dulo na ito ng resort" Sabe ng isa pang lalake.

"Wala akong pake! Kapag ako ang nalintikan lahat kayo makakatikim sa akin!" Sabe ng tinawag na boss.

"Who are they?" Bulong ko.

"I don't know" Tahimik lang kaming dalawa.

"Boss! Nakatakas daw ang anak ni Mr. Arcades!" Sabe ng dumating na lalake.

"Tss, alam ko! Humanda sa akin ang anak niya" Umalis na silang lahat. Hindi muna kame lumabas agad para makasigurong wala na talaga sila.

"I think wala na sila" Sabe ko. Tumango si Tony sabay tayo. Inalalayan niya ako.

"Paano na si Papa? Paano kung patayin siya? What about me?! Siya nalang ang natitira kong magulang! I can't live without my Papa!"

"Hey, hey! Stop it. Sila Henry na ang bahala sa kanya" Sabe niya.

"Henry?" Tanong ko.

"Yeah, ang tauhan ni Mr. K-" Napapikit siya sabay hawak sa kanyang tiyan. "Fuck!" Nanlaki ang mata ko

"You're bleeding!" Nagpanic ako bigla.

"I'm fine. Kailangan kitang mailayo dito...please, Darcy. Wag ka ng magmatigas ngayon" Pakiusap niya. Tumango nalang ako. May naaninag akong liwanag mula sa dinaanan kanina ng mga lalake.

"Tony may tao!" Agad niya akong pinagtago. Bumunot siya ng baril at nagtago sa halamanan.

"Alam kong nandito ka lang! Lumabas kana, Arcades! Wala ka ng matatakbuhan" Sigaw niya.

"Don't worry, hindi naman kita sasaktan! Maybe papatayin lang ahahahaha" Tumawa siya ng pagkalakas. It sent shivers down my spine.

"Arcades...yoohoo...Arcades!" Nagpaputok siya ng isa kaya nagulat ako. I remained quiet.

"Come out, come out wherever you are!" Nagpaputok ulit siya ng isa.

Naka talikod siya sa akin. Sana naman may dumating na mga pulis!

"Arcades!"

"Bibilang ako ng tatlo! Pag hindi ka pa lumabas papatayin ko ang tatay mo! Isa..." Napasinghap naman ako.

"Dalawa..."

Dahan dahan akong tumayo. Tinignan ko si Tony at sumesenyas siya na wag akong lumabas. Umiling ako.

"Tat-" Bago pa ako makalabas ng tuluyan nagpakita si Tony at binaril ang lalake ngunit naka ilag ito at nanlaban.

Nagtago ulit ako habang nagbabarilan ang dalawa.

"Ugh! Tangina!" Napuruhan ulit si Tony kaya napasigaw ako. Lumingon lingon ang lalake sa paligid. Naka luhod na si Tony sa harap niya.

"KAPAG HINDI KA PA LUMABAS TUTULUYAN KO ANG LALAKENG ITO!" Sigaw niya sabay hawak sa buhok ni Tony at tinutukan ng baril.

"Wag kang lalabas!" Sigaw niya. Umiyak nalang ako. Hindi ko alam kung anong gagawin! Pag hindi ako lumabas papatayin niya si Tony! What should I do?!

"Madami ng nawala sa mga tauhan niyo! Kung hindi ka pa lalabas wala ng matitira!" Sigaw niya ulit.

"Don't you dare to come out, Darlene!" Sigaw din ni Tony.

"Matigas ang bungo mo na kupal ka ha! Sige subukan natin ang tapang mo!" Sinipa niya si Tony sabay tutok ng baril.

"ISA!" Bilang niya.

"DALAWA"

"TATLO!" Bago pa niya matuluyan si Tony ay lumabas na ako.

"Please don't! I'm here!" Sigaw ko.

"Darcy!" Sigaw ni Tony. Ngumiti ng nakakaloko ang lalake.

"There you are little missy!" Sabe niya.

"I told you not to come out!" galit na sabe niya.

"Papatayin ka niya pag hindi ako lumabas" Pangangatwiran ko.

"He's gonna kill us both" He smirked.

"Blah bablah bablah blah blah...he's right I'm gonna kill you both. Thank you for comin' out" Tinutok niya na ngayon sa amin ang baril.

"Please don't do this! What did we do wrong?" Tanong ko.

"Sorry, sweetheart. Nautusan lang ako eh. It breaks my heart to kill such a beautiful girl like you. And by the way this is your last birthday celebration. Bye" Pagkasabe niya non ay putok ng baril ang narinig ko.

"DARLENE!" Parang nagslow-mo ang paligid ko.

"Darlene!" Nage-echo ang boses ni Tony sa pandinig ko.

Bago ako matumba ilang putok ng baril ang narinig ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

**************
A/n: Kilalanin ang mga bagong characters na inyong kahuhumalingan. Vote and comment.

Die for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon