2- DEATH PALACE.

4 1 0
                                    

I stopped the car cause i already reached the gate of the Palace. Bumusina ako ng tatlong beses at pagkatapos ay bumukas na agad ito.

I'm driving slowly habang tinitignan ang kabuuan ng palasyo. Tahimik at payapa kung titignan kapag nasa labas, parang palasyo sa mga fairytales. Na may mga nakatirang Princess kasama ang mga Prince nila.

Pero sino nga bang mag-aakala na sa loob ng isang napakaganda na palasyong ito, ay naglalaman ng mga mapanlinlang at mga walang awang tao. Mga taong pumapatay para lang mabuhay.

And this is the place where i belong..

I parked the car at agad na nagtungo sa pinto ng palasyo. Agad ko itong binuksan at agad na bumungad saakin ang nakatayong gwapong lalaki na nakatitig saakin.

“Fucking damn hot Cat..”

I heard Yien said while i'm walking towards him. Tss, lakas talaga ng pagnanasa saakin ng hinayupak na ito. Saka pati alam ko naman na maganda at sexy ako eh. Kailangan pa ba ipagduldulan?

“I know.” Sambit ko ng makarating ako sa kinatatayuan nya. I kissed him on his lips na ikinalaki naman ng mata nya.

Tss, ganyan ba talaga pag inlove ang isang tao? Konting gawin lang, anlakas na agad ng epekto...

“What's with the shitty kiss?” He smirked then looked straight into my eyes. Ngumisi ako at pagkatapos ay pinulupot ko ang dalawang kamay ko sa balikat nya.

“Ano nga ba? Mukhang mas alam mo eh.”

Hinahaplos ko ang buhok nya. Tangna, shet lang mga mars, ang lambot naman. Pwede na ipang-model ng shampoo.

“Stop playing around, Black Cat..” I felt his dark aura.. Ang aura na pinakagusto ko sakanya..

“But the play is not yet started, Yien Elorde. Excited much?”

YIEN ELORDE'S POV-

“But the play is not yet started, Yien Elorde. Excited much?”

Tangina... Tangina lang talaga. Hindi pa talaga sya nag-uumpisa sa lagay na 'to? Shit, think man. Think! She's just trying to distract you by seducing you, Yien. Wag ka magpa-apekto.

“Then let's get started.” I said with my cold expression then i've put my right hand on her waist.

“Paano mo gustong umpisahan?” She bit her lower lips. Tinrace nya ang mga labi ko gamit ang kanang kamay nya.

Bullshit. Just bullshit. Yung pakiramdam na isang gabi lang kasama sya, paniguradong taob agad lahat ang mga babaeng naikama ko.

But i know that what i'm thinking right now is really fucking impossible. Knowing na hindi sya basta-basta, na isa syang babae na hindi dapat nila-LANG.

“I want it in my own way..” I suggested. Sinusubukan kong baliktarin ang sitwasyon na alam kong himala na lang ang makakagawa.

Tss. Alam kong hindi ako genius pagdating sa ganito pero subukan mo ko sa kama, panigurado dun ako matalino..

“But what if i want it in my own way? Yien Elorde, you know how i play...”

Ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko dahil sa pagbulong nya. I smirked, that's one of the reason's why i started to like her.

Yeah. I like her but she doesn't care.

“What a lovely scene...” Napatanggal ang paghawak ko sa bewang nya ng marinig ko ang boses na 'yon...

“Emperror” Black Cat said to the Emperror with a smile on her face. Hindi nya padin tinatanggal ang kamay nya sa balikat ko.

This girl is really unpredictable. Wala syang pakealam kung sino o ano ang kaharap nya. Like what i said, she can turn the table in just a snap. But the man infront of us is the most powerfull and dangerous man in this Palace. Hindi sya hihirangin na hari ng basta-basta lang.

“We need to talk.” His voice was full of authority. His dangerous aura na awtomatikong tatayuan ka ng balahibo sa oras na marinig mo.

I looked at the Cat who's still wearing a sweet smile. She's looking at the Emperror na para bang nag-uusap sila gamit ang mga mata.

Tinanggal nya ang ang mga kamay nya sa balikat ko atsaka nag umpisang maglakad. Pero bago pa sya makalayo. Hinawakan ko muna yung kamay nya.

She looked at me na parang binabasa ang iniisip ko. Nagpakawala sya ng buntong hininga at pagkatapos ay hinigpitan ko lalo ang pagkakahawak ko sa kamay nya.

“Wag kang OA. Umpisa pa lang ang istorya, hindi agad mamamatay ang bida.”

Sambit nya at hiniwalay nya ang kamay na sa kamay ko. I sighed habang pinagmamasdan sya papalayo.

Hindi talaga.. Kasi  paliligayahin pa kitang pusa ka..

BLACK CAT POV-

Kahit kelan talaga, epal 'tong matanda na'to. Okay na sana eh! Ang ganda na ng trip namin ni Yien kaso tangina, papansin masyado eh, no?

Isa talaga syang malaking Kill joy! In short, KJ!

Sinusundan ko lang sya habang naglalakad. Ang laki pala talaga ng katawan nitong tanda na 'to. Maybe he's around 40's. But yung aura at kung paano nya tatakutin ang mga tao, hindi talaga kumukupas.

Pumasok sya sa isang kwarto. Pumasok din naman ako at agad bumungad saakin ang loob na purong puti ang pintura at tanging isang table at upuan lang ang gamit.

Napagalaw agad ang ulo ko pakaliwa dahil sa isang blade na dapat ay tuturok sa mukha ko. Tumingin ako sa Emperror na ngayon ay nakaupo na sa upuan nya na pang opisina.

“Killing him is easy as 1,2,3.” Panimula ko. Agad kong nakita ang pagtaas ng sulok ng labi nya.

Sa umpisa pa lang, alam kong sya talaga ang nasa likod nung lalaking naka BMW. I know how the Emperror works. Let's just say na wam-up pa lang yun. Dahil weather he admit it or not, hindi nya pa ako pwedeng patayin.

Nananatili parin akong nakatayo. Alerto at lumilikot ang mga mata. Aba mahirap na, baka matamaan ang aking mukha..

“Kapag magtatayo ka ng sarili mong pader, siguraduhin mong matibay. Baka pag natumba yan, mabagsakan ka.” Makahulugang sambit nya.

“Okay. I'll take that as an advice” I said with my bored tone. Tss, sayang oras ko dito. Wala akong nagagawang maayos.

Naglagay sya ng alak sa baso nya at inistraight shot ito. Tinignan nya ako ng matalim. Mga tingin na awtomatikong tatayuan ka agad ng balahibo.

“If you still treasure your useless life, pay some fucking respect.” Kalmado pero ramdam ang awtoridad sa kanyang boses.

I just smirked at the Emperror. “Sensya ho.. Wala kasi sa Dictionary ko ang salitang respeto.”

Tinalikudan ko na sya at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Useless life? Tss. Let's see.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Demon's Black Cat.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon