THE STORY OF US.

175 2 1
                                    

Isang taon na rin ang nakalipas magmula ng makabalik ako dito sa Pilipinas.

Madaming nagbago, oo.

Nakakamiss nga ee yung dati. Yung bata pa ako.

Kami ni Lea, kapag nagkayayaang maglaro, maglalaro talaga! Kahit sa gitna pa ng kainitan ng tanghali.

Kung minsan pa nga ee kahit sa lakas ng ulan.

Masaya ako kahit isa lang ang kalaro ko. Si Lea, ang best friend ko nung una pa lang. Hindi nya ako iniwan at pinabayaan. Tapat syang kaibigan, PROMISE!!! Maganda sya. Nakaka-insecure nga ee. Noon, dumating sa point na ayaw ko nang makipaglaro sa kanya kasi natatakot ako na baka isang araw mag-iba sya at isa na sya sa mga masugid kong tagapang-asar.

Tampulan ako ng tukso nung bata ako.

Minuminuto ata ng buhay ko ee puro panlalait ang naririnig ko sa mga batang nakapaligid sa akin.

PANGIT kasi ako.

Bukod sa malaki ang ngipin sa harap ee naka-brace ako. Malabo ang mga mata kaya ang taas ng grado ng salamin ko. Mula bunbunan hanggang sa dulo, kulot ang buhok. Maitim! Yung tipo ng bata na hindi papangarapin nino man na kalaruin? Ayun ako. Pero dahil may best friend ako, pinipilit kong tumayo sa pagkakadapa. Oo, feeling ko kasi noon, dapang dapa ako.

Grade three ako nang magkakilala kami ni Lea.

Grade three din ako nang una akong nagkaroon ng crush :”) Ang gwapo nya sobra! Ang cute ng dimple at ang tangkad nya sa edad nyang 8. Gustong gusto ko sya! Pero sa kasawiang palad, hindi nya ako gusto. At sa kasawiang palad, naging isa rin sya sa mga masugid kong tagapang-asar.

“betty la pea! Ahaha :D bakit ang pangit pangit mo?”

“kasalanan ko ba?”

“Hoi Vince! Tantanan mo nga si Nikki! Hindi sya pangit no!”

“wahahahahaha! Bulag ka ba? Tignan mo nga yang kaibigan mo oh! Halos walang kalaro. Buti napagtyatyagaan mo yan.”

“ang sama sama ng ugali mo! Isusumbong kita sa Mommy nya!”

“ee diba malayo Mommy nya? Bleh.”

“kahit na ba. Demonyito!”

“Lea ;’’’((( tara na umuwi na lang tayo.”

“tahan na, wag ka nang umiyak. Hayaan mo yan si Vince. Wag mo na lang rin papansinin yung iba nya pang kalaro. Mas pangit sila kasi pangit ugali nila. Tahan na.”

“wahahahahaha! Iyaken. Umuwi na kayo! Ayun na service nyo oh. Bye, betty la pea :P.”

“akala mo jan Vince, maganda si Nikki! Maganda sya!”

“hahahahaha :D.”

Betty La Pea ang tawag nya sa akin. Nakakainis! Pero gusto ko pa din sya. Hehe :P Lagi nya akong inaasar sa class room. Kahit na umiiyak ako, ayun pa din! Asar pa din. Kahit na inaaway na sya ni Lea. Oo, sutil syang bata. Pero ayus lang, crush ko naman sya ee.

Wala sigurong araw na hindi nya ako nakalimutang asarin. Sya kasama ang mga kaibigan nya. PROMISE! Kahit mga classmates kong girls, ayaw sa akin. Hindi naman ako dugyot! Hindi rin naman ako mabaho. Ewan ko talaga kung bakit kaibigan ako ni Lea ee.

Nag-grade four ako, classmate ko pa din si Lea at Vince. Akala ko noon, kapag medyo umangat na ang grade namin ee tatantanan na nya ako sa pang-aasar. Pero hindi! Masakit sa damdamin ang mga ginagawa nya.

Minsan nga ee, nagddrawing sya ng pangit na babae tapos ididikit nya sa likod ko. Pag nakita ng mga classmates namin, syempre, pagatatawanan ako. Dun lang naman sila masaya ee. Si Lea lang ang kumukibo para sa akin. Wala akong lakas ng loob non na ipagtanggol ang sarili ko.

SOULMATE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon