THE MEETING.

154 6 0
                                    

Hindi. Hindi kami close. Sana nga close kami ee. How I wish! Kinuwento ko lahat sa ka-drom ko ang past ko. At, hindi sila makapaniwala na ganun ang ugali ni Vince kasi daw, wala sa itsura nya ngayon. Oo nga naman, hindi sya mukang mapang-api sa aura nya ngayon. Hindi din sila naniniwala na mas masahol pa ako sa itsura ni Betty La Pea noon.

Masaya ako nang malaman kong parehas kami ulit ng school na pinapasukan. Mas nadagdagan pa ang kilig ko sa kanya. Haha :D para bang natugunan lahat ng katanungan ko tungkol sa kanya. Salamat talaga kay Sherrie! Kung hindi dahil sa kanya, matatagalan pa siguro ang longingness ko kay Vince.

“Ate Nikki, ipapakilala ko sayo yung ka-love team mo sa story ko.”

“what!? Buhay ang ka-love team ko?”

“Yes! And you should know him. Actually, kuya ko sya sa Club namin sa church and gusto ka rin nyang makilala. Ang bait bait nya at bagay na bagay kayo.”

“sige, dapat cute yan ha!”

“Oo naman! Hindi ako mapapahiya sayo.”

Hay… Si Sherrie, bakit ko ba pinatulan to. Haha :D natutuwa ako sa kanya kasi ang bata nya para maging second year college. 15? Can you believe that!? Mabait na bata si Sherrie, sya ang pinakabunso sa class namin and everybody adores her! Sya ang GENUIS sa class at sobra pang malapit kay God.

Ok, naghintay kami sa may entrance gate. Siguro mga 5 minutes lang. Makikita ko ang ka-love team ko sa story nya? Grabe! So exciting!

Nagulat ako nang makita ko ang familiar na muka papalapit sa amin.

“Kuya Vince is coming! Ayun na sya! Kuyaaaaaa!!!”

Kuya Vince? Nang narinig ko ang pangalan nya, isang tao lang ang sumagi sa isipan ko.

“Hello Sherrie. Oh tapos na ba ang story mo?”

“Oo kuya, by the way, si Ate Nikki nga pala yung ka-love team mo sa story ko. Ate, meet Kuya.”

“Vince?”

OO! sya nga talaga! Si Vince na matagal ko nang gusto muling makita. Parang isang panaginip na magkita ulit kami. Akala ko nang mga oras na’yon ee nananaginip lang ako. Pero, hindi! Nasa harap ko ang napakaaliwalas nyang mukha. Tinitigan nya pa ako ng mabuti. Siguro, hindi nya ako ma-recognize kaya ayun, ako na ang unag bumanat. Pinapatagal nya pa ee.

“Yes Vince Trinidad, I‘m Nikki Cruz.”

“Nikki Cruz!? Kaw na ba yan!? Nag-iba ka na ha! Kamusta?”

Gulat na gulat sya! At yung mga ngiting yon. PAMATAY! Halos matunaw na sya sa mga titig ko. Pinipigilan ko lang ang sarili sa kilig pero gustong gusto ko nang sumabog, sa totoo lang!

“I’m doing good. Masaya naman. Ikaw?”

“eto, mabuti din. What a small world! Long time no see ha. Kelan ka bumalik?”

“yeah, what a small world. Well, three months ago tapos after one month transfer dito.”

“teka, pano kayo nagkakilala ni Sherrie?”

“blockmates kami.”

“aaahh.. that’s great! Mas may chance tayong magka-bonding Nikki!”

“Sana nga. By the way, Lea’s also studying here. Masscom ang kinuha nyang course. Nag-transfer sya dito para magkasama na kami.”

“Best friends talaga kayo ha.”

“Tama.”

“Ikaw pala itong sinasabi ni Sherrie sa akin na babaeng maganda na ka-love team ko daw sa story nya. Nakakatuwa naman.”

SOULMATE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon