Chapter 1: Mga Kwento sa Tuktok ng Palasyo

44 1 0
                                    

Sa paglaon ng panahon, ang kwento ng prinsipe Marcos ay isa na lamang kwentong pangbata, mga kathang isip na pampatakot sa mga batang hindi natutulog ng maaga. Wala ng naniniwala sa kwentong iyon. Bukod sa nagbago na ng husto ang panahon. Nagbago na rin ang kinabubuhay ng lahat. Naging bago ang mga nakagisnan nilang buhay. Wala ng prinsesa at prinsipe. Hindi na rin sila naniniwala sa mga diwata. Wala ng naniniwala sa halimaw na naninirahan sa tuktok ng burol. At higit sa lahat ang palasyong iyon, sa paglaon ng panahon ay naging isang sikat na puntahan ng mga turista! Nawala na ang marka ng sumpa doon. Ang tanging natitira na lamang ay ang mga lihim na hindi pa naibubutyag sa mga tao. Mga lihim na magpa-hanggang ngayon ay walang nakakaalam.

Sa tagal na ng panahon na iyon. Tuluyan ng naging halimaw ang prinsipe. Ang rosas na nagsisilbing oras upang makita niya ang babaeng nararapat para sa kanya ay namatay na. Namatay na ito sa kahihintay. Wala na. Lahat ng tao na isinumpa ay tuluyan ng naging gamit na ngayon ay naka-display na lamang sa ibat-ibang sulok ng palasyo.

Nasaan na nga kaya ang prinsipe Marcos? Bakit nawala na lang siya na parang bola. Nawala na ito sa pag-lipas ng panahon. At walang sinuman ang nakakaalam kung saan ito naroroon, maliban sa apat na sulok ng palasyo.

Sabi nga ng iba, malilimutan daw ng tao ang lahat ng nangyari sa pagraan ng panahon pero hindi ang apat na sulok ng bahay kung saan lumaki at nagkaisip tayo. Ang mga sulok na iyon ay may mga lihim na magpahanggang ngayon ay hindi pa naiibutyag. Ang palasyong iyon ay hindi nakakalimot sapagkat hanggang ngayon ay hindi nawawala ang sumpa. Hindi pa nila nakikita ang liwanag na tuluyan ng naging dilim dahil sa hindi paglitaw ng tunay na pag-ibig ng prinsipe.

Nakatunganga na lamang si Rose ng marinig niya ang kwentong iyon. Kasalukuyan siyang nagmamasid ng mga bagay-bagay na nakadisplay sa ibat-ibang sulok ng palasyo. Pero hindi naman doon ang kanyang atensyon, dahil sa nakikinig siya sa taong nagsasalita sa harapan.

Marami silang magkakaibigan na nandoon sa kadahilanang birthday gift daw niya iyon. Alam kasi ng kanyang kaibigan na gustong-gusto niya ang mga antik na bagay, katulad nito. Pero alam ni Rose na kabaliwan lamang iyon ng kanyang mga kaibigan. Hindi naman nila gusto ang mga lumang bagay, maliban sa kanya. Ang gusto lang naman nilang makita ay ang gwapong tagapangalaga sa palasyong iyon wala ng iba.

Gwapo nga naman ang tagapangalaga ng palasyong iyon subalit hanggang doon lang iyon. Hindi na nga siya nagka-interest na malaman ang kanyang pangalan at wala siyang balak malaman iyon. Dahil nag-uunahan na ang kanyang mga kaibigan na makuha ang atensyon nito na hindi niya gagawin. Dalagang probensyana kasi siya at hindi siya nasasanay sa mga ganong gawain na magflirt lang sa kahit na sino. Dahil sa totoo lang sa edad niyang twenty four hindi pa siya nagkaka-boyfriend kahit kailan.

Hindi niya namalayan na nawawala na pala ang kanyang mga kaibigan dahil napalayo na siya ng husto sa kanila. Masyado kasi siyang nag-eenjoy sa pinapanood. Mga bagay sa palasyo na sa sobrang antik ay masasabi mong sobrang mahal kung ibinta at bilhin. Kung sana'y libre na lamang iyon ay tiyak niyang ikatutuwa niya iyon pag napasakanya ang lahat ng nakadesplay sa lumang palasyong iyon.

Masyado siyang nakafukos sa kung saan kaya hindi niya namamalayan kung saang dako na siya nakapunta. Hindi nga niya namalayan kung saan siya nakalusot hanggang sa napadpad siya sa isang kwartong puno ng rosas. Oh! rosas na napakaganda. Sa kagustuhang hawakan niya iyon biglang dumugo ang kanyang kamay dahil sa tinik na nandoon. Napaigik siya ng may marinig siyang nakakatakot. Isang buga ng hangin, isang kalabog ng kung saan ang kanyang maririnig. Natatakot na talaga siya. Pero inisip na lamang niyang guni-guni lamang iyon. Tumuloy siya sa paglakad, nais niyang hanapin ang kanyang mga kaibigan hanggang sa may nabangga siya ng kung ano na tuluyan niyang ikinahimatay.

The Other Side Presents: Pervert BeastWhere stories live. Discover now