Kabanata XV

123 8 0
                                    

Kabanata 15

"Danah..."

Lumingon ako at nakita roon si Mommy na tila kakatapos lamang magtrabaho sa garden. Mas gusto ni mommy na sya ang magtatrabaho sa garden dahil mas kabisado raw nya iyon at para na rin daw may mapaglibangan sya sa bahay.

"Yes, Mom?"

"Pupunta tayo sa family house. Buti at nakaligo ka na."

"Goodmorning, tita."

Singit ni Jaceson at lumapit kay mommy upang magmano at bumeso.

"Goodmorning, Jaceson. Ang aga mo ata?"

"Maaga po akong sinipag."

"Uh, Jaceson. Pupunta kaming family house." singit ko sa usapan nila.

"Pero ayos lang naman na manatili ka rito. Welcome ka naman dito. Or pwede ka rin naman sumama sa amin sa family house." Pahayag ni mommy.

"Ayos lang po, tita. I just went here to visit Danah. Uuwi na rin po ako maya maya."

Tumango si mommy at nagtungo sa sala.

"Magbibihis lang ako." Sabi ko nang matapos hugasan ang pinggan na pinagkainan ko kanina.

Hindi ko na sya hinintay sumagot at umakyat na ako sa taas. Hindi naman niya ako pinigilan.

Pagkapasok sa kwarto ay dumiretso agad ako sa walk-in closet at namili ng susuotin. Kumuha nalang ako ng isang short at isang simpleng blouse na floral at simple. Sakto lang sa pupuntahan namin.

Pagkatapos no'n ay agad akong nagbihis at pumunta sa studio room.

I wonder if Yna will go with us? Isasama kaya sya ni mommy? Sabagay, sa pagkakaalam ko kina mommy ay kung pwedeng isama si Yna, isasama talaga. Pero okay na rin dahil ilang beses na rin naman nakapunta si Yna roon. Nga lang ay ngayon lang sya mapupunta roon ng andon ung ibang relatives namin.

Nameet na dati ng iba naming titos and titas si Yna. Maayos naman ang pakikitungo nila sa isa't-isa kaya di na nagkaproblema. Siguro ay naipaliwanag na rin iyon nina daddy sa kanila.

Nag-ayos ako ng kaunti sa studio room at nagdala ng iilang products. Pumunta muli ako ng kwarto ko para ihanda ang bag. Nagdala rin ako ng extra na mga damit dahil baka maisipan ng mga pinsan kong magswimming sa resort namin. Kadalasan kasi ay gano'n ang nangyayari. Ilang beses na iyon nangyari kaya mainam nang handa.

Bago ako lumabas ng kwarto ay tumingin pa muli ako sa salamin.

Binuksan ko ang pinto. Halos mapatalon ako nang bumungad sa akin si Jaceson. Bahagyang gulo ang kanyang buhok. His eyes immediately went to me.

Kunot-noo ko s'yang tiningnan nang i-head-to-foot look nya ako.

"Your dad allowed me to come."

Pahayag nya. Kahit hindi nya itinuloy ang kanyang pangungusap ay agad kong alam kung ano ang kanyang tinutukoy.

I nodded. Still not talking to him.

"Sa akin ka sasakay."

Tumango lang ulit ako. Tuluyan kong isinarado ang pinto ng kwarto ko.

Bago pa ako magpasyang bumaba, lumabas sa kanyang kwarto si Yna. Nakabihis at may dala ring bag, tulad ko.

"Danah, aalis na raw ba?" She asked.

Sell Down the River (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon