Teaser
Kompletong-kompleto na ang buhay ni Tyrone. Wala na siyang mahihiling pa sa Diyos. Everything went very well simula ng magpakasal sila ni Sahrenna. Mahal na mahal nila ang isa’t isa at tutuparin nila ang kanilang ipinangako sa harap ng altar -wagas na pagmamahalan. Ngunit gumuho ang kanilang perpektong buhay nang malaman ni Tyrone na mas lalo pang lumala ang sakit ng asawa. At ang mas masakit, magkakaroon pa sila ng anak. Hanggang saan niya kayang iligtas ang buhay ng kanyang mag-ina? Hanggang saan niya kayang labanan ang takot? Paano kung isang buhay lang ang puwede niyang iligtas?
Prologue
The angel of my life, an angel sent from God to fulfill my happiness. How great it is to wake up each morning and watch the most beautiful angel lying down beside me… Ang mga unang salita na pumasok sa isipan ni Tyrone habang pinagmamasdan ang pinakamamahal at pinakaimportanteng babae sa buhay niya. It’s still six in the morning pero maaga siyang nagising para lang makita niya ang mukha ng asawa habang natutulog sa tabi niya. “I love you so much,” nakangiti niyang wika sa mahal at tsaka masuyong hinalikan ang noo nito.
This is the first day of their honeymoon. Actually, three months lang nila pinaghandaan ang kasal mula noong nakauwi na sila sa Pilipinas after the successful operation. Their beach wedding yesterday was a blast! Simple lang pero napakaganda at elegante. Nagsimula ang kanilang wedding ceremony ng alas tres ng hapon at doon na rin nangyari ang reception. Maraming bisita ang dumalo na lalong ikinasaya ng party. Iyon na ang pinakamasayang araw ng buhay niya, ang araw na natali siya sa babaeng alam niyang hindi siya magiging miserable. Wala na siyang iisipin kundi ay kung paano siya makakabuo ng isang masayang pamilya kasama ang pinakamaganda niyang asawa.
Siyempre, hindi nagpahuli ang kanilang first honeymoon night. Unique nga ang lugar na pinili nila dahil nagpatayo pa sila ng “floating bahay kubo” sa gitna ng dagat. Gusto nila na may privacy silang dalawa. May naka-park lang na yacht sa gilid ng kubo nila. The air is really, really fresh and all you can hear is the sound of the wind.
In-expect niya noong nakaraang gabi na magsusuot ng sexy night gown ang bagong asawa. Iyon naman talaga ang ginagawa ng mga babae kapag honeymoon na. Nagulat siya kasi hindi night gown ang isinuot ng pretty Sahrenna niya. Suot nito ang isang t-shirt na may nakasulat sa front view, “I <3 MY HOBBY DOC TYRONE!” at naka-pajama pa ito. Hindi niya maiwasang matawa nang makita niyang iyon ang suot ng asawa nang lumabas ito mula sa c.r habang siya naman ay nakaupo lang sa kama…
“Ba’t tumatawa ka jan? Baduy ba?” tanong nito.
“H-hindi ah…” sagot niya habang natatawa pa rin. “cool nga e.”
“Aba. Aba.” Kunwaring pagtataray nito sa kanya habang nakapameywang. “Hindi mo man lang na-appreciate iyong nakasulat sa harapan!”
Agad siyang tumayo sa kama at nilapitan ito. “Uy! I appreciate it sooooo much!” lambing niya habang yakap-yakap ang beywang nito at habang nakalapit ang kanilang mga mukha sa isa’t isa. “ Kaya nga ang sagot ko jan, I love you more, more, more, more, more, more, m-“
“Oo. Oo. Oo. Oo. Oo. O-“
Pinutol na rin niya ang sinabi nito sa pamamagitan ng kanyang powerful kiss, a kiss that really shut the mouth of his wife. Masuyo rin itong tumugon sa kanyang halik. Hindi nagtagal ay sabay na silang bumagsak sa kama. Pumaibabaw siya rito at ipinutol muna ang kanilang halikan, “E di tumahimik ka rin,” pilyo niyang sabi rito. Sasagot pa sana ito nang… “Heps. Mamaya mo na ako awayin basta I love you! I love you! I love you!”
Iyon lang ang ipinagpatuloy na niya ang “cut kissing scene” nilang dalawa and everything follows…
Nakangiting bumangon si Sahrenna mula sa kanilang kama. Hindi pa rin siya makapaniwala na mag-asawa na sila ni Tyrone. Hindi siya makapaniwala na eto na sila at nagho-honeymoon sa gitna ng dagat. She is not dreaming pero pilit pa rin niyang sinasapak nang mahina ang mga pisngi. Gosh! She can’t still believe it. Kung tatanungin pa siya ng Diyos kung ano pa ang gusto niya, isa lang ang maisasagot niya- isang napakagandang anak. Babae o lalake ay okay lang basta sanggol na manggagaling sa sinapupunan niya. Gustong-gusto talaga niyang magkaanak na sila ni Tyrone dahil iyon ang magpapatibay ng kanilang wagas na pagmamahalan. Ang living proof nila, ang bunga ng kanilang pure love. Iyon na ang napag-usapan nila ni Tyrone. Both of them want to have a child kaya iyon ang ginawa nila kagabi…
BINABASA MO ANG
The Sweetest Love Therapy Book 2
RomanceKompletong-kompleto na ang buhay ni Tyrone. Wala na siyang mahihiling pa sa Diyos. Everything went very well simula ng magpakasal sila ni Sahrenna. Mahal na mahal nila ang isa’t isa at tutuparin nila ang kanilang ipinangako sa harap ng altar -wagas...