Noong araw sa bayan ng sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya - kanyang kagandahang taglay.Si kalabasa na may kakaibang tamis si kamatis na may Asim at malasutlang kutis so luya na may anghang si labanos na sobra ang kaputian si talong na may lilang balat luntiang pisngi ni mustasa si sinkamas na may kakaibang lutong na taglay si sibuyas na may manipis na balat at si patola na may gaspang na kaakit - akit.
Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo siya si ampalaya na may maputlang maputlang kulay at ang kanyang lasang taglay at di maipaliwanag.
Araw araw walang ginawa si ampalaya Kung hindi ikumpara ang kanyang itsura at lasa sa kapwa niya gulay at dahil dito ay nagbalak sya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.
Nang sumapit ang Gabi kinuha ni ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at kanyang isinuot.
Tuwang tuwa si ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan.ngunit walang lihim na hindi nabubunyag nagtipon tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.
Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba at laking gulat nila ng Makita nilang hinuhubad nito Isa - Isa ang mga katangian na kanilang taglay nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si ampalaya
Nagalit ang mag gulay at kanilang iniharap si ampalaya sa diwata ng lupain isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni ampalaya .dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha ni ampalaya at kanyang ibinalik sa mga kapwa niya gulay.
Laking tuwa ni ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang kasalanan.ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag is ang kanyang anyo.
Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag - away sa look ng kanyang katawan maging ang mga ibat - ibang lasa ng gulay ay naghatid ng di magandang panlasa sa kanya at pait any idinulot nito at ang kanyang kulay ay naginh madilim.
ARAL : ang paghahangad ng hindi sa atin ay magbibigay ng pait at dilim sa buhay natin.
Disclaimer: This is a work of fiction.Names,characters, businesses,songs,places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner.Any resemblance to actual persons,living or dead or actual events is purely coincidental.
BINABASA MO ANG
mga alamat ( Short Story ) COMPLETED✓
Randomtanghayan ang iba' t - ibang alamat ng mga prutas at gulay na matatagpuan sa pilipinas iba' t ibang kwento na mapupulutan ng aral