Franz POV
Psh di pa din nagbabago si Jaide ganun pa din tawag nya sakin Dudong Badong - 3 -
Ganda ganda ng pangalan ko tapos ipapalayaw nya sakin Dudong Badong! Tsaka di naman ako mabaho ahh! Di rin naman ako pangit dami ngang nagkakandarapang babae sakin eh.
Psh kakapikon na sya! Pasalamat sya -- nakuuuu! - 3 -
Bata pa lang kami ni Jaide magkakilala na kami kaso bata pa lang kami masungit na yan sakin kakauta nga lagi na lang syang ganun. Kelan kaya sya babait sakin?
Pano ko matutupad ibinilin sakin nila Tito at Tita, yung Mama at Papa nya, sabi nila bantayan at alagaan ko daw si Jaide lalo na pag di nila nakikita kaso parang kaya nya naman ata yung sarili nya eh ~_______________________________~
Nandito lang din naman sila Tito at Tita sa Pilipinas ba't di na lang sila yung magbantay sa anak nilang makulit at masungit? Ok lang sana kung nasa ibang bansa sila kaso andito sila eh! Kaya eto lagi na lang akong nagmumukang stalker nya kahit na magkaibigan naman kami di lang halata -_____________________________-
"Iho malapit na tayo sa school nyo. Si Jaide nga pala ba't di natin kasabay ngayon?" si manong driver namin.
Kanina pa pala ako nagdedaydream malapit na pala ako sa school. Bakit nga ba di sumabay sakin yun ngayon? Lagi kami nun magkasabay pumasok ngayon lang hindi O_________________o
"Di ko din po alam eh. Yaan nyo po sya." paliwanag ko kay Manong Bernard.
Si Manong na lang ang kasama ko simula nung maghiwalay sila Mommy at Daddy ko. Si Manong Bernard na ang tumayong tatay at nanay ko mula bata pa ako. Di ko lang sya driver magulang pa. Swerte ko nga sa kanya eh napaka bait nya. Nakatira ako ngayon sa isang ordinaryo pero ayos na din na bahay. Kami lang ni Manong Bernard ang nakatira dun. Sila Mommy at Daddy naman sinusustentuhan na lang ako at sinuswelduhan na lang nila si Manong Bernard. Ganun lang ang takbo ng buhay ko. Ang boring no? xD
"Eh pano yun? Ano irereport mo kila Ma'am Priscilla at Sir Garry mamaya?" tanong nya pa.
"Bahala na po. Tatanungin ko na lang po si Jaide mamaya." sagot ko sa kanya.
Kakairita si Jaide. Sakit sya sa ulo ko. Pasalamat talaga sya nakuuuuu! - 3 -
"Oh andito na tayo Iho." saad ni Manong.
"Osige po Manong text ko na lang po kayo kung papasundo na po ako sa inyo." *smiles widely* sabi ko sa kanya.
"Osige Iho ingat ka dyan. Aalis na ko." pagpapaalam nya sakin.
"Osige po Manong ingat ka din po." pagpapaalam ko sa kanya.
YOU ARE READING
Love Me Baby (On-going Story)
Teen FictionAng isang babaeng laging bigo sa pag-ibig na wala nang napala kung hindi masaktan, iwanan, at lokohin. But despite of all that pains lalo syang nagiging matatag. Mabuti at laging nandyan ang kaibigan nya na laging nakasuporta sa kanya, si Sabrina Ma...