It's been so long, but I still can't forget him. Last time I checked, it was 6 years ago...6 years ago before I let you go, before I left you without saying goodbye...
" Hoy! Ayan ka nanaman! Tulala ka nanaman te! Wag mo sabihing sya nanaman?" Tawag sakin ng best friend kong si Princess
"Wala, hindi sya. Pagod lang to, puyat kasi ako. Ok lang ako, pagkain lang solusyon nito!"
"Hahah oo nga pala, naalala kong pg ka. Sige, dahil mabait ako ngayon, anong gusto mong pagkain? Libre kita ngayon"
"Huwaaa! Anong nakain mo Cess?! Ikaw? Manglilibre?! Totoo ngang may himala!" Pagbibiro ko sa kanya
"Che! Ngayon lang to noh! Kaya sulitin mo na."
Pumunta kaming canteen, kung minamalas ngalang ako, dumating pa sila. Tch.
"Oy Mark! Si Liane oh! Kausapin mo tol!" Rinig kong sabi ng isa nyang kaibigan
"Liane! Alam mo crush ka ni Justine. Hahaha incest tol, wag!" Sabi ni Mark. Palusot nya
"Wag kang maniwala dyan Liane, sya yung may crush sayo, nahihiya lang aminin." Paliwanag ng pinsan kong si Justine
"Ok"
Well, yeah. Napansin ko din yung mga tingin sakin ni Mark. Hindi naman ako manhid para di yun mapansin eh, kaso di ko sya type. Sorry nalang.
*-*-*-*
Wala kaming klase ngayon, absent ang teacher namin, buti nga eh!
Andito ako ngayon sa likod ng school, dito ako madalas nakakapag-pahinga. Nagulat nalang ako ng may kumausap saking higher grade
"Um, ading ikaw ba si Liane?"
"Opo. Bakit po? Ano pong kailangan nyo sakin?"
"Pwede ko ba makuha yung number mo?"
Wtf? Aanhin ny ang number ko? Ni hindi nga kami close eh! Di ko nga binibigay number ko sa classmates ko, sa kanya pa?
Pero wait...bat may lalaking kanina pa nakasilip samin? Tinignan kong maigi yung itsura nya at na-realize ko na isa din sya sa nagkakagusto sakin, John ata? Oo John. Pinakiuspan nya siguro tong ateng to, tss.
"May ballpen po ba kayong dala? At papel?" Malito nga tong babaeng to
Sinulat ko ang tatlo kong number doon at pinapili sya
"E pano kita matetextan kung tatlo ibibigay mong number? Dapat isa lang ah"
"Pili ka dyan ate"
"Edi kukunin ko tong lahat"
"Ok" wala naman akong pakealam kung mahanap nyo number ko eh
*-*-*-*
Pag-uwi ko sa bahay, may na receive agad akong text...
From: unknown number
'Hi'
'Hi po'
Pssh istorbo. Hindi ko nalang pinansin ang text message at nanood nalang ng TV.
Ngayon nagsisi ako at nilagay ko yung number ko...tanga ko din kasi eh. Haaay naku!
YOU ARE READING
Still Hoping For You
KurzgeschichtenI've been waiting for a long time to be with you again, hoping you would come back to me...-----