"HEALTH LABORATORY"
------------------------------------------------
Hello po! Share ko lang po sa inyo ang kakatakot at nakakakilabot na storya tungkol sa Health Laboratory sa paaralan na pinapasukan ko dati. Habang ikinukwento ko sa inyo ang story na to ay i have this eerie feeling . Ako po ay hinirang na matatakutin :DD..Take not gabi ko toh iginawa 8:05, kahit maaga pa eh katakot pa rin...
My hands are sweating ... Geez!,....
Dedicated to Mr. Angel-BertRSuelo, first horror story nabasa ko sa wattpad ..
pakibasa po ang story niya....brief and precise po :DDD....
"Philippine Universities and Colleges Ghost Stories"
--------------------------------------------------------------------------
Sa health laboratory na nasa ikalawang palapag ng paaralan namin,kung saan nagkaklase at isinasagawa ang mga RLE (related learning experience-practices) ng mga nursing students, lalo na sa mga first year students. Hindi maiiwasan na may mga klase sa gabi lalo na ay isang medical course ang kinukaha ng mga studyante.
Isang gabi mga bandang alas otso , nagkaklase ang Clincal Instructor , sa kalagitnaan ng klase niya ay biglang nakaramdam siya ng lamig, binaliwala lang niya ito at sinabi sa klase " Class ba't kaya ang lamig lamig ngayon.??..".....
Isa sa mga estudyante niya ay may third eye, nagtaka siya kung bakit nilamig bigla ang guro. Itinuon niya ang atensyon sa C.I. at nakita niya na may katabi na pala itong babaeng na nakaputi na maitim at mataas na buhok , siya lamang ang nakakita at sinabi niya agad sa C.I. na
" Sir, may katabi po kayo ..."
Biglang nagulat ang C.I. alam niya ang pahiwatig nito. Biglang humarap ang multo na babae sa estudyante na may third eye at nilapitan niya ito.
Papalapit na at papalapit.
Biglang ipinikit ang mga mata ng estudyante at nagdasal na sana gabayin sila ng Diyos at huwag pababayaan at umalis ng maayos ang multo na babae.
Nang biglang binuksan ang mga mata ng estudyante ay nagulat na lamang siya na kaharap na pala niya ang babaeng multo at konting distansya lang ang pagitan ng kanilang mukha sa isa't isa. Ang nakakatakot pa eh wlala itong mukha.
Ang estudyante ay hindi nagpadaig sa kanyang takot at hinarap niya ang babaeng multo na lakas ang loob. Nakipagtitigan siya sa babaeng multo na walang mukha at sa mabuting palad ay umalis na ang babaeng multo at itoy dumaan sa bintana at naglaho na parang bula. Ang C.I. naman ay biglang itinapos ang klase niya at dali-daling silang umuwi.
May isa pang pangyayari na nakakakilabot dahil din sa Health Laboratory.
Isang gabi ay nag eensayo kami sa school grounds para sa cheer dance namin, kami lang ang tao doon, iilan lang kami noon at mga bandang alas diyes na din ng gabi iyon.
Lahat ng silid ay puro patay ang ilaw at sa hallway lang ang nakabukas na ilaw.
Sa kalagitnaan ng pag eensayo namin ay isa sa mga kaklase ko ang nagtataka kung bakit ang pintuan ng Health Laboratory ay biglang bubukas tapos sasara na naman.
Bigla kaming kinilabutan. Isa rin sa mga kaklase ko na may third eye sinabing may na-aaninag daw siyang babaeng nakaputi, maitim at mahaba ang buhok.
Nakatingin daw sa amin nag-eensayo tapos biglang ngingiti at papasok ulit sa Health Laboratory tapos lalabas na naman ulit parang bang nagpa-pansin . Medyo nagkakagulo na rin yung pageensayyo namin dahil doon kaya nagsipag-uwian nalang kami.
Tuwing gumagamit kami sa Health Laboratory ay lagi kaming nagdadasal bago magsimula sa klase at sa kahit mang anong silid.
Pero isa pa ring malaking misteryo ang bumabalot sa laboratoryong iyon.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Thank you po, fan, vote and comment :DD
BINABASA MO ANG
Health Laboratory (Completed)
Short StoryHorror, Paranormal Short Story :DD P.S. Basahin ng mag-isa at sa gabi ... Much Effective po kasi :DDD...