The Scar

7 0 0
                                    


    "MYRNA!"

Humahangos na lumapit sa'kin si Ryle. Isa sa mga kaibigan at katrabaho ko. "O, bakit?"

"H'wag ka munang mag-online, ha?"

Matapos sabihin 'yon ay lumipad ang kanyang paningin sa cellphone na aking hawak.

Too late.

Nakalog-in na ako sa facebook. At napipilan ako nang masilayan ang nasa news feed.

Walang duda. Ako ang nasa picture. May limang malalaking mangkok na nakalapag sa ibabaw ng mesa at lahat ng mga 'yon ay wala nang laman. Ngunit ang highlight ay ang bibig kong punong-puno ng noodles habang tangan ng kanan kong kamay ang chopsticks at sa kaliwa ay isa pang mangkok.

"Myr..." Dama ko sa boses ni Ryle ang pag-aalala kaya ngumiti ako. "Sus! Parang ito lang." Nagpatuloy kami sa paglalakad. Ngunit nang nasa lobby na'y lumiko ako samantalang dumiretso naman siya. Magkaiba kasi ang departamentong kinabibilangan namin.

"I'm just a call away," pahabol niya.

I know what he meant by that. "Okay lang talaga ako."

Habang binabagtas ang kahabaan ng hallway, inihahanda ko naman ang aking sarili. I'm expecting hurtful remarks especially now that my photo went viral.

Guess what? I'm right.

"Uy! Dabyana. Good morning."

"Ilang compartment ang meron ka, te? Paano ka nakakaubos nang gano'n karaming noodles?"

"Ginugutom ka ba sa inyo?"

Saka sila maghahalakhakan.

 Pasok sa tainga, labas sa kabila. Umaakto akong hindi naaapektuhan pero sa loob-loob, gusto ko nang magpalamon sa lupa.

"Grabe! Na-o-offend na ako," biro ko. Pero 'di ba jokes are half meant? Hope they could read between the lines.

"Ba't ka ma-o-offend? E, totoo naman. H'wag over sensitive, girl."

Supalpal!

Sana pala 'di nalang ako nagsalita.

With a forced smile, I strode towards my desk.

Maya-maya'y may mga kliyente nang dumarating. Ang natapat sa akin ay isang butihing ginang na may akay na napakagandang paslit. Sa hinuha ko, nasa sampung taon ang gulang niya.

"Mommy," ani ng paslit. "Isn't she the noodles monster? The one I saw on fb earlier?"

"Baby!"

Napabuntong-hininga nalang ako.

Grabe! Pati bata, 'di pinalampas.



LUNCH break.

Instead of going to the cafeteria, I headed directly to the girl's comfort room. There, I checked the memes and comments about me.

'Food slut...'

'Noodles monster...'

'Inahing baboy...'

'Di nga nagsisinungaling ang paslit. Matitiis ko pa sana ang lahat, kung 'di lang sa komentongsiyang pumutol sa gahibla kong pagtitimpi.


Nagbalik sa akin ang dahilan sa likod ng viral kong litrato. 'Di ko namalayan, isa-isa na palang nagpatakan ang aking mga luha.

"How many times do I have to tell you to lessen your weight!"

"Ma, nagdadiet naman po ako."

"Kung gano'n ba't ang laki mo pa rin? Next time, don't tag along with me. 'Yong kapatid mo nalang ang isasama ko sa party. Nawawalan ako ng mukhang ihaharap sa mga amiga ko dahil sa'yo!"

Sa sobrang sama ng loob, pumunta ako sa mamihan at kumain nang kumain. Akalain ko bang may mantitrip pala sa akin?

With one swift move, I shoved my hands in my mouth and tried to reach my throat.

Sunod-sunod akong napaubo habang isinusuka ang kinain kong agahan.

Yeah. Ito ang gusto kong mangyari. Ang ilabas ang lahat ng nakain para wala nang dadagdag pa sa aking timbang.

Uminom naman ako ng tatlong tableta pagkatapos. Saka naghilamos muna bago lumabas ng CR.

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo, nakaramdam ako ng pagkahilo kasunod ay ang biglang pagdilim ng paligid.



HUH?

Sa pagdilat ng aking mga mata, ang puting kisame agad ang bumungad sa akin pero sa pagkakaalala ko, beige ang kulay ng aking kwarto.

"Thank, God! You're awake."

  Napalingon ako nang basta nalang bumukas ang pinto. "R... Ryle."


"Do you know how worried I was! Don't take that dietary supplement again. Pinaalalahanan na kita. It's not safe."

Tumango ako. I know naman. Actually, matagal ko nang itinigil ang pag-inom niyon. But the recent encounter with my mom plus the viral photo pulled the trigger. "S... sorry."

Ryle held my hands. "Naiintindihan kong gusto mo agad pumayat but please do it in a right way. And no more skipping of meals."

Tumango ako."I won't."

Truth be told, kinabahan ako. Akala ko katapusan ko na.

It didn't take long for me to be discharge from the hospital. While driving to my apartment, Ryle was fuming mad.

"Don't worry. We will do legal actions against the one who post it," aniya.

"Kilala mo?"

"One of our neighbors. You can sue him. May law against cyber bullying."

"Talaga?"

"Yeah."

After fishing my phone, dinalaw ko ang account no'ng nag-post ng aking picture. Couldn't help but to scan the comments. Ha! He became an instant celebrity in my expense.

I want to get even. Sobra ang pagpapahiyang ginawa niya sa'kin. Maybe suing him will do. Nasa ganyan akong pag-iisip nang maalalang malapit pala sila sa'min.

Thinking otherwise, I sent him a private message.

Kindly delete my picture or else mapipilitan akong i-demanda ka.

MONTHS passed but I heard no response. Yet I know he heeded my warning when I no longer saw my photo in his timeline.

Salamat at nadala sa mabuting usapan.

Datapwat may nagsishare pa rin, 'di na 'yon gano'n kalala tulad no'ng una. Sinungaling ako kung sasabihin kong 'di na ako naapektuhan. Pero ang muntikan kong pagkamatay ang nagpapaalala sa'king maging matibay at h'wag madaliin ang lahat. Afterall, everything will pass. Kapit lang.

All was just a past. True. Ngunit sariwa pa rin ang kahihiyan at sakit na aking naranasan. And I don't want anyone to experience it. Thus, I decided to post online.

'Maybe it's quite entertaining to upload stolen shot/s and make memes out of it. However, let's consider the feelings of those who are involved. Not to mention that it's punishable by law. The one happened to me could be subjected to 'The Civil Code on Damages' under article 26.

PS: Everyone is fighting his/her own monster, be sensitive.'



-END-


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Scar     #makeITsafePH                         #WritingContestWhere stories live. Discover now