My Bestfriend's Diary(He's inlove with me)

292 2 3
                                    

Foreword: Ang story na ito ay inspired by Ang Diary ng Panget ng aking favorite wattpad author na si Miss Denny.At babala sa mga babasa nito (kung may babasa.XD), this is my first wattpad story kaya I’m a newbie sa field na ito kaya sana po pagpasensyahan ninyo na kung ang raming flaws at typographical errors ang story na ‘to.At sana ma-enjoy ninyo rin.Sobrang pinaghihirapan ko ito.Kaya kahit comment ninyo, sobrang appreciated ko sya.Thank you.From THErealLIZA xoxo.

 ****

Introduction

        

           Sa panahon ngayon, di mo na masasabi kung sino ang tunay mong kaibigan.

           Ang rami na kasing traydor ngayon eh.

           Iyon bang kapag nasa harap siya,friend ang turing sayo.

           Pero pag wala ka na sa paningin niya,

           Patay na patay naman pala sayo.

           Ang malala pa niyan,magbestfriend pa kayo.

           Pero di naman bago ang sitwasyon iyon eh.

           Noong panahon pa ni Kupong-kupong may ganyang story.

           Sabi pa nga ni Jason Mraz at Colbie Caillat sa isang kanta,

          “I’m lucky I’m inlove with my bestfriend.

           Lucky to have been where I have been,

           Lucky to be coming home again.”

           Pero talaga nga bang lucky ang ma-inlove sa bestfriend mo?

           Pwedeng oo,pwedeng hindi.

           Depende sa sitwasyon.

           Depende kung inlove din sayo ang bestfriend mo.

           Pero kung hindi,isang malaking komplikadong problema ang papasukin mo.

           It’s either aminin mo,o ilihim mo.

           Alin ba ang tamang gawin?

           Ang sagot eh,depende pa rin sa sitwasyon.

           Gulo ‘noh?

- - - - - - - - - 

Chapter 1

Lian's POV

"Go Franz!Go!Shoot the ball!Whoooooo",halos matanggal na ang ngala-ngala ko sa pagsigaw nang mai-shoot nang crush kong si Franz Villamonde ang bola.

"Hoy ano ba Lian?Pwede ba i-shut- up mo 'yang bunganga mo,nakakahiya ka Bheztybob",inis na sabi ng bestfriend kong si Kev.

"Ikaw ang shumut-ip!Nakita mong naka-3 points ang dreamboy kong si Franz eh,grabeh!I love you Franz",tumitiling tumatalon na sabi ko.

"Psh,ang landi",asar na wika ni Kev sabay umiling-iling pa.

Inirapan ko na lang siya.Wala akong balak sirain ang napakagandang mood ko ngayon lalo't nakakasiguro akong mananalo ang Black Knights,ang official team ng Engineering Department kung saan captain ball si Franz Villamonde,my ultimate campus dreamboy!<3

My Bestfriend's Diary(He's inlove with me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon