Chapter 2

84 1 3
                                    

Lian's POV

"This night is the night of all royal Princetonians.And as we celebrate the 46th years of majestic legacy of Princeton Academy,the school founded since 1966 by my mother,Queen Ysabel Princeton,it is really a great honor to me to rule this academy for almost a half decade from now."Masigabong palakpakan ang ibinigay ng lahat sa President at anak ng may-ari ng Princeton Academy na si Ms. Divine Princeton.

"So ladies and gentlemen,join me for a toast for the 46th joyous years of our own Alma Mater,the Princeton Academy",itinaas nang lahat ang kanya-kanyang kopitang may lamang champagne.

"Let's cheers for our 46th Anniversary Princetonians.Cheers!"

"Cheers!",chorus naming lahat.

Click clik clik

Sabay-sabay na tunog ng mga champagne glasses naming lahat at halos sabay-sabay din naming ininom ang laman niyon.Pagkatapos isang masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa buong The Princeton Palace kung saan ginaganap ang Foundation Ball ng academy namin.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong hall at hinanap si Franz.Kanina ko pa siya hinahanap pero dahil nasa kabilang dulo ng hall ang designated place ng Engineering Department,kahit anino niya ay di ko masilayan.Kanya-kanya kasi ang pwesto ng kada Department.Ang Department ko naman,ang BSBA ay nasa west wing ng hall.BSBA Financial Management kasi ang course ko eh.Si Bheztyhub naman,A.B. major in Political Science ang course kaya nandoon siya sa north wing ng hall dahil iyon ang designated place nila.Pero nakita ko na rin naman siya kanina dahi sumabay ako sa kanila ng Kuya Dave niya papunta ng academy.

Natigil ako sa paghahanap ko kay Franz nang magsalita muli si Ms. Divine Princeton.

"And now,I am formally opening this year's royal ball.So everyone get up and proceed now to the dancefloor.And just a reminder,the criteria and mechanics for choosing this year's King and Queen of the Princeton will as the same as before.So hit the dancefloor and dance till midnight."

Tumayo na ako sa aking kinauupuan at naglakad na patungo sa gitna ng hall kung saan naroon ang malaking chandelier na gaya ng sa napapanood ko sa mga fairytale cartoons.Kasabay ko ang mga classmates ko na sila Jill,Chelle,Maia,Carlie and Shierra.May ganito kasing drama ang royal ball namin eh.Pagkatapos kasi nang program para sa foundation ball ay sisimulan na ang royal dance kung saan lahat ng estudyante ay pupunta sa gitna ng hall at kahit ayaw mo ay hindi rin naman pwede dahil may mga nakabantay na mga royal guards at mga professors sa buong hall na nagbabawal mag-stay sa table at kung magmatigas ka ay sa guidance counselor ang abot mo.Hindi ka rin naman pwedeng wag uma-attend ng ball dahil compulsory ito sa lahat ng students.

Pagdating naman sa dancefloor ay kailangang bumuo ng apat na bilog ang lahat ng mga estudyante.Ang first two circles ay nasa right side ng dancefloor kung saan ang isang circle ay puro girls lamang at nasa loob ito ng isang circle na all boys naman.Ganoon din ang gagawin ng mga left side ng dancefloor.At sa bawat pagpalit ng music,kailangan magpalit din ng kapartner ang bawat isa.At sa hudyat na ibibigay ng coordinator ng ball ay magpapalitan ng pwesto ang dalawang circles ng boys samantalang ang mga girls ay mananatili sa pwesto nila.At pagsapit ng midnight ay saka pipiliin ang King and Queen of the Princeton base sa kung sino ang magkakapartner pagpatak ng alas-dose ng hatinggabi.

Nang matapos ang pag-form ng mga circles ay nagsimula nang magsayaw ang lahat.First song ay "Beauty and the Beast."Di ko kilala ang kapartner ko at di ko naman feel tanungin ang name niya dahil napakaseryoso nang aura niya.Nagpatuloy na lamang kami sa pagsayaw nang hindi nag-iimikan.

Second song:Once Upon A Dream

------------------------> Si Paul Imaro ang kasayaw ko.Ang walang kwenta kong classmate.:(

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bestfriend's Diary(He's inlove with me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon