Naranasan nyo na ba yung feeling na yung crush mo eh may crush din sa'yo? Yung tipong gusto ka rin nya? Pero di pala. Hallucination mo lang pala yun... IMAGINATION MO LANG YUN! Ako Si Janine Flores or 'Jaja' ang Echoserang palaka!
"Hoy! Tumigil ka na nga dyan sa pag d-daydream mo kay Hans! Babatukan na kita!" Saway sakin ng bff ko.
"Grabe na naman cess! Eh ang gwapo nya kaya!" Sabi ko. Haist... Siguro swerte na rin akong tutuusin kasi Classmate ko sya saka nagkakausap din kami minsan. Minsan nga nagkakatitigan pa kami... Kaya minsan nasasabi ko sa sarili ko na 'Gusto nya rin kaya ako?' Hahahaha ang ilusyunada ko noh?
Nagkatitigan lang crush ka na agad? hahahaha feeling ko nga kapag same kami ng color ng shirt feeling ko destiny ko na sya.
"Bahala ka nga dyan, Ikaw din... Tara na kain na tayo!" Sabi ni bess, Tumayo na ako sa upuan ko at pumunta na kami sa canteen, Biscuit lang bibilhin ko, sapat na yun di naman ako matakaw eh.
"Ang dami namang tao. Bess ikaw nalang bumili eh? Oreo sakin :)"
"Ok sige sige dito ka lang ah?" tapos tumango nalang ako. Hinihimatay kasi ako kapag maraming tao o kaya siksikan eh.
"Oh Ja! Di ka pa bibili?" Napalingon naman ako kung sinong kumausap sakin.
Si Hans.
"Nagpabili na ako kay cess." mahinahong sabi ko.
"Ganun ba? Teka may assignment ba tayo sa math?"
"Hmmm.. wala naman."
"Buti naman sige una na ako ah?" sabi nya.
"Ok! :)" sabi ko.
Teka pupunta muna akong CR.
Pagdating ko sa CR.
"KYAAAAAAAAAAHHHHHH!!!! IHHHHHHHHHH!!!!!!" napatili na ako. waahhhh kanina ko pa pinipigilan yung kilig ko. Ako kasi yung tipong magaling magtfo ng kilig. Kaya nga hirap silang malaman kung sino ba yung crush ko, kasi di pa nila ako nakikitang kiligin!!!
"Woah! " Sabi ko hanggang ngayon kinikilig parin ako! >////////< Oo malakas talaga tama ko kay hans!
"Iiiiiiiihhhhhhhhhhh enebe!"
"Hoy! Tumigil ka na nga dyan!" Nagulat naman ako!
"Bess naman! Pano mo nalamang nandito ako?"
"Duhhh?! Nakita ko si Hans kaya malamabg nakapag-usap kayo at malamang sa malamang eh dito mo ilalabas yung kilig mo!" Sabi nya. Napangiti naman ako kasi kilalang-kilala ako ni Cess.
"Keshe nemen eh... Feeling ko talaga crush nya din ako! Alam mo yun? Kinakausap nya ako lagi tapos minsan nahuhuli ko syang nakatingin sakin! DI BAAAAAHHHH?!"
"Don't expect too nuch bess ok? "
"I KNOW! I KNOW! but I have a good feeling... Kyyyyaaaahhhhhh! teka oreo ko?"
"Nakakaloka ka! Oh." Tapos binigay na nya sa'kin.
"Tara na balik na tayo." tapoa tumango na lang ako.
Pagbalik namin eh Saktong nag bell na para sa next subject. Pagtingin ko eh nakaupo sa upuan ko si hans kasama yung nga kaibigan nya.
"Excuse me." sabi ko, tumingin naman sya sa'kin NO HANS! DON'T YA DARE LOOK AT ME! Tapos ngumiti sya. R.I.P Janine *_*
"Ay sorry!" sabi nya.
"De ok lang :)" tapos tumayo na sya saka pumunta sa pwesto nya.
"pst!" sisit sakin ng nasa likod ko.
BINABASA MO ANG
Assuming [One Shot]
RomanceHoy Gumising ka nga sa katotohonan! Di ka nun mahal! Feeler at ASSUMING ka lang!