Chapter 20

2K 37 4
                                    

Chapter 20

Rho:

I don't know how and why pero h-in-unting ko si Chi Yamada isang umaga para kausapin siya. Hindi ko na siguro matagalan ang mga nangyayari. Araw ‘yun na pinost ang result ng finals.

"WOW, MASTER! TOPNOTCHER NA SA DOTA, TOPNOTCHER PA SA EXAM! SAMBAHIN SIYA, CLIVE!" parang timang si Santi na nag-iingay habang sinasandwich siya ng ibang students sa may bulletin board.

"—MASTER RHO! MASTER RHO!" ‘tong gagong Clive naman na ‘to, pinasimulan ang pagcha-chant! Nakigaya tuloy ang iba naming classmates.

Oh, well. Nagkibit-balikat na lang ako at umalis sa umpukan. Namataan kong papunta sa may bulletin ang mga taga-section A. Inisa-isa ko sila. Hindi nila kasama si Chi Yamada. ‘Yung kulot-salot na umaway kay Lukring, sumulyap sa’kin tas may ibinulong kay Juno. Para silang mga disappointed na ewan. I had to smirk. I won, they lost.

Umakyat ako ng senior's building. Huminto ako sa tapat ng pintuan ng room ng Section A. Sumilip ako sa glass ng pinto. Nasa loob ang hinahanap ko. Para siyang natutulog at nakapatong ang ulo niya sa isa niyang braso. Bukod sa kanya, may apat pang estudyante ang nandu’n at wala akong paki sa kanila. Pumasok ako sa loob at nagdire-diretso sa tapat ng desk ni Chi.

"Gusto kitang makausap." sabi ko. Kaagad siyang nag-angat ng ulo at tumingin sa’kin. So, gising naman pala ang ungas na ‘to.

"Sige," tumayo siya at nauna pang lumabas ng room. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa walang taong veranda.

"Ano’ng gusto mong sabihin sa’kin?" pauna niyang tanong.

I clenched my fist. On an ordinary situation, ang unang gagawin ko dapat ay ang sapakin siya nang ubod nang lakas. Pero nagtimpi ako dahil hindi ko nga pala siya puwedeng saktan. "Base sa obserbasyon ko sa mga nangyayari sa paligid, may malala kang sakit."

He flinched pagkatapos ng sinabi ko. "Alam mo ang tungkol sa—?!"

Umiling ako. "Hindi ko alam kung ano ang sakit mo. ‘Wag mo nang sabihin dahil hindi naman ako interesado. Ang gusto ko lang malaman ay kung bakit iniiwasan mo ang taong alam mong nag-aalala sa’yo. Bakit mo iniiwasan si Lukring?"

Hindi siya sumagot, amp! "Ano ba’ng problema mo? Bakit hindi mo ‘yun sabihin sa kanya?"

"Hindi ko kaya," aniya pagkatapos ng mahabang patlang.

"—UY, KRISH! ANONG GINAGAWA MO DIYAN?!" kapwa kami napalingon ni Chi sa may pintuan ng veranda. May sumigaw kasing babae at parang may tinawag. Krish? SI LUKRING?!

Kaagad akong lumapit ng pintuan at dumungaw. Nakatalikod sa’kin si Lukring at kausap niya si Maryang sinukuan. Takte, hanggang saan ‘yung narinig ni Lukring?

"Tara na sa room kung wala ka naman palang ginagawa dito—" ani Marya. Hinintay ko muna silang makalayo bago ako bumalik sa dati kong kinatatayuan, kaharap si Hapon.

Violin Tears (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon