Nobody's Perfect

2 0 0
                                    

Bakit nga ba sila ganyan? Yung pagkakamali natin, mas nakikita nila kesa sa tamang bagay na ginawa natin para sa kanila. Bakit kasalanan bang maging hindi perpektong tao? Diba pwede naman nila tayong turuan na ituwid yung pagkakamali natin.

Bakit kelangan pang dumating sa punto na magkakasakitan kayo? Magkakasagutan at magkakabatuhan ng masasakit na salita. Hindi ba pwedeng pagusapan ng maayos para magkaintindihan. Ang hirap kase pag nagkamali tayo, pakiramdam natin wala na tayong silbi para sa kanila. Kase wala silang pakialam sa atin. Hindi manlang nila pakinggan yung side natin. Ang hirap sa kanila, kapag mali ka para bang wala ka ng karapatan magpaliwanag pa.

Hindi bat pwede namang idaan sa maayos na usapan. Bakit kelangan kapag nagkamali ka? Kelangan magsuffer ka ng sobra sobra. Lalo na kung sa taong mahal na mahal mo ikaw nagkamali. Ang bigat, lalo nat hindi mo naman sinasadya ang pagkakamaling yun. Bakit ang unfair? Pag sila yung nagkamali satin. Hindi natin sila matiis. Hindi natin sila mahayaang magisa at umiyak kase mas masakit para sa atin dahil mahal mo eh. Yung kapag galit tayo minsan sila pa yung mas galit.

Pero pag tayo ang nagkamali, parang pakiramdam natin na wala tayong kwenta kase di tayo perfect. Naitataboy kana lang. At itatapon lahat ng bagay na naitulong para sa kanila. Maiiyak kana lang at masasabi na bakit kasalanan bang hindi ako naging perpektong tao?

-Net ❤

Nobody's PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon